Chapter 2: Sorry progressive tayo ngayon

255 7 0
                                    

Chapter 2: Sorry progressive tayo ngayon


Lumapit na ako kay Sir, "Sir ano po iyon?"


"Kuya Jake na lang Berry. Tayo lang naman e," sabi niya tapos ngiti. Shems, nasabi ko na ba sa inyo na gwapo siya? Gwapo niyaa~ "Hehe. Sorry, nasa school tayo Kuya Jake eh. So, what can I do for you?" Tanong ko tapos ngiti din. Ginawa ko yung signature smile ko, nakakainlove daw yun e. (of course according to May) Napanganga si Kuya ng sandali tapos sara agad. Oh my, napanganga ba talaga siya? Shems. "Uuwi si Kate mamaya. Punta ka sa bahay," sabi niya. "Kuya Jake lagi naman akong nasa inyo ah," sabi ko tas natawa siya. Cute cute!


Kapitbahay ko yan si Kuya. Kababata ko kasi yung kapatid niya na si Katelyn. Lagi akong nasa kanila dahil wala lagi sina Mom and Dad. Playmate ko si Kate hanggang 10yrs old kami kasi nagmigrate sila ng Mom niya sa US. Naghiwalay parents nila, si Kuya ang naiwan sa Dad nila.


Kahit wala na si Kate, I still go to their house. Kailangan ng companion ni Kuya kasi mahirap yung pinagdadaanan niya and alam ko ang feeling ng mag isa ka lang. Super close kami niyan! Parang magkapatid na talaga kami kaso crush ko siya pero secret lang natin yun ha! Di nga rin alam ni May na kapitbahay ko yun e.


"Eh baka kasi may date ka o lalabas kayo ni Ms. Orteza. Friday ngayon eh," paliwanag niya. Madalas kaming gumigimik o nagshashopping ni May pagfriday. Pero I still eat at Kuya's house, pag di ako doon kumain makakalimutan niyang kumain, sobrang busy eh. "Wala akong boyfriend Kuya pati aalis mamaya sina May. Family bonding daw eh. Tsaka miss ko na din si Katey," sabi ko.


"Sige, pasok ka na. See you later," sabi niya. Nginitian ko na lang siya. Excited na akong makita si Kate!


After ko makausap si Kuya, pumasok na ako sa loob. Nakipagpalit na ako kay May. Ayun, kinikilig si Inday. Pagkatapos ng homeroom ay Geometry na namin with Mrs. Ramos, favorite subject ko yan kaya pag Geom hindi ako nakikipagdaldalan kasi kahit favorite ko yun, hindi ko alam bakit mababa lagi ang grade ko doon.


"Good morning Class!" bati niya sa amin. Ang cute cute ni Mrs. Ramos, mga 20-ish lang yan. Pregnant nga siya e, siguro mga 6 months na. malapit na siya magleave, kastress daw kami eh. Binati din namin siya.


"Before you take your seats, align your chairs and go back to your proper places. Binigyan ako ni Sir Roxas niyo ng copy. Go on," she instructed us.


"Bes no choice, palit na tayo." Malungkot na sabi ni Mayree, kawawa naman siya.


"We're gonna tackle about Triangles. Can anyone tell me the parts of a Triangle?" tanong niya habang nagpopost ng colored paper na may nakasulat na Triangles. May pagkakikay yan si Ma'am eh kaya cool ang visual aids niya. Dahil nga favorite ko ang subject na'to, nagraise ako ng kamay.


"Yes, Ms. de Guzman." Tinawag niya ako. Yes! Agad naman akong tumayo agad at sumagot. Tinuro niya pa yung ibang about sa triangle. Madali lang to.


"Class, madali lang ang lesson kaya magsiseatwork tayo ngayon." Madaming nagreklamo dahil start pa lang daw ng quarter seatwork agad. Di nagpatinag si Ma'am at dinistribute na yung seatwork sa front row.


"Strawberry, sorry progressive tayo ngayon kaya ito," sabi ni Maf tapos ngumisi. Kinuha ko yung inabot niya sa aking papers, wait, paper lang pala. "Lakas ng trip mo ah. Akin na nga!" sabi ko. Baka kasi di naming matapos, yung iba kasi nagstastart na. Okay aaminin ko, grade conscious ako eh.


"Ipasa mo na iyan," sabi niya sa akin kaya no choice ako kaya pinasa ko na. "Progressive daw tayo guys sabi ni Bossing eh," pag eexplain ko sa column mates ko. After 45 years, nakuha ko na yung akin. "Thank you ha," I sarcastically said to Maf tapos nginitian niya lang ako ng inosente.


"Pass your papers forward," utos ulit ni Ma'am. Buti natapos ko yung seatwork kundi babatukan ko tong si Maf. Pang asar eh. Bumabawi na lang talaga ako sa seatworks, recitations, and quizzes para pumasa. Kahiya sa card ko yung grade ko doon. "On Monday bring a protractor. Class dismiss," sabi ni Ma'am.


Tinignan ko si Maf, aba't nagpipigil ng tawa. Ano ba yan? Baliw talaga yung loves ni Bestfriend. Parehas sila.


"Bes, kain na tayo!" energetic na sabi ni May. Lunchtime na pala. Dito na kami sa classroom naglalunch ni May, medyo peaceful kasi dito compared sa cafeteria na punong puno. Pinapabaunan din naman ako nina Manang ng lunch kaya di ko na kailangang bumili sa caf. Konti lang ang naglalunch dito at kasama na doon sina Maf. Alam niyo na kung bakit. No choice lang ako.


Nilabas ko na yung lunch ko, "Bes Berry. Anong sabi sayo ni Ser Pogi?" Madaming nagkakacrush kay Kuya Jake kasi nga gwapo talaga siya. Swerte nga namin, adviser naming siya eh. "Ah. Wala yun. May tinanong lang about sa class records," secretary pala ako ng section naming. SEXYtary. Joke.


"WEH? Eh bakit ka nakangiti pagbalik mo?" Kilala na talaga ako nito. Wala na akong takas, aaminin ko na.


"Bes, sorry ha. May hindi ako sinasabi sayo, boyfriend ko si Sir—OUCH!" binatukan niya kasi ako. Natawa na lang ako tas sinabing, "Joke lang naman. Ang totoo niyan eh, dadating na mamaya yung kapatid ni Sir, na si Kate, galing US. Pinapapunta niya ako sa kanila," nashock naman si May.


Matagal tagal din bago siya makarecover. "So yung Kuya na sinasabi mo eh si Sir Jacob Roxas? Grabe Bes, paano mo natago sa akin yun? Loko ka," tumango na lang ako. Ayaw ko naman sanang magsinungaling sa kanya kaso madaldal yan eh. Malay ko ba. Nakukunsensya tuloy ako.


"Sorry Bes," sabi ko na lang habang nakatungo. "Sus, okay lang yun Bes. Basta next time ha, no secrets!" sabi niya. Buti na lang mabait Bes ko. Mahal niya talaga ako.


Then the class pass by like a blur.


*RIIIIIIIING* Dismissal time na! Inayos ko yung gamit ko ng mabilis para makaalis na. "May, uuwi nako. Ingat ka ha!" Tapos nagyakapan kami.


Nagcommute na ako pauwi though may car kami at driver. Ayaw kong isipin nilang super rich kid ako para makafit in ako sa kanila. Pero pagpapasok nagpapahatid nako, tutal naman maaga akong pumapasok eh.


So ayun, nasa bahay na ako. Medyo malapit lang ang school sa bahay eh, 1 jeep lang sasakyan ko. Tapos lalakarin ko na lang papasok ng subdivision. Naligo ulit ako then chika ng konti kay Manang Claire na nandyan na si Kate. Maid namin yang si Manang ever since baby pa lang ako kaya family ko na din yan.

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon