Chapter 26: Eh kasi naman ang cute ni Maffy eh

40 2 1
                                    

Try ko ng tapusin to! Ang tagal na din nitong story eh huhuhu i don't want pa pero baka kasi maging busy ulit ako. Para tapos na din to! Magupdate din ako later or tomorrow!! 😂


Chapter 26: Eh kasi naman, ang cute ni Maffy eh


Natapos ng magbasa ni Jake ng mga comments. Madaming puro kalokahan lang talaga ang sinulat, medyo close ang section namin kung titignan.


Nabalik na sa amin yung paper namin, nagkaron kami ng 30 minutes break after noong activity na 'How others see me'. Siguro, para sa amin yon, para mabasa namin yung iba pang mga comments ng classmates namin.


I'm so touched about sa mga sinulat ng classmates ko sa paper ko. No hate comments, puro nga siya puri eh.


'Ang talino mooo, turuan mo naman kami minsan para makaclose ka na din namin -Jesse'

'Smile ka palagi! You look beautiful smiling'

'Sana maging friends tayo!!'


Madaming anonymous. Pero I'm glad that they wanted to be my friend even if I don't talk to them. Maybe ito na talaga ang time na maging close na ako sa classmates ko.


"Kyaaaah!" Tili ni May. Napatingin naman kaming magkakaroom sa kanya. Sino bang hindi mapapatingin? Ang skandalosa kasi ng babaeng to eh hahaha


"Anyare sayo babae?" Tanong ni Rachel na nakataas pa ang isang kilay. Napataas din kilay ko eh, bigla ba naman kasing tumili eh.


"Eh kasi naman, ang cute ni Maffy eh!!" Tapos tumili nanaman siya. Napatawa na lang kami sa kanya. Kilig na kilig na ewan eh, parang uod na binudburan ng asin sa kilig hahahahah


Tinignan naman namin yung paper niya, di kami usisera ah, pinilit niya kaming tignan yon. Tinignan namin yun tinuro niya, nakalagay lang ay 'Wag na pong matakaw, Cy.'


Paano niya naman nalaman na kay Maf yun?


Ay wait, oo nga pala. Patay na patay tong babaeng to kay Maf, malamang kabisado niya sulat ni Maf. Nako nako


"Baka naman di kay Maffy yan girl?" Tanong ni Amber, na dapat itatanong ko kanina.


"Eh kasi-- kyaaaah! Ay, sorry," sabi niya ng nakapeace sign. Paano ba naman kasi, nagulat kaming tatlo nung nagtili siya. "Ganito kasi yan, ginawan ako ng nickname ni Maffy, and Cy iyon! Siya lang naman ang tumatawag nun sa akin eh," pag explain niya.


Ohhhh. Pero wait ah! Anong--- "Anong cute dun sa sinabi niya? Hindi ba dapat nakakaoffend yun?" Tanong ni Rachel.


Parang wala na akong lines dito ah? Lahat ng gusto kong itanong or sabihin, nauunahan ako sa pagsabi. I kennot. Di na pala ako bida dito, supporting character na lang huhubells katulad last chapter, wala akong dialogue, i crie


"Oo nga bes, patay na patay ka talaga kay Maf," pagcomment ko na. Baka mapanis laway ko kaya nagsalita na ako.


"Wow, nahiya naman ako sayo bestfriend, caring understanding loving? Hahahhahaha," pang aasar niya sa akin. Hala, bakit naman nabalik sa akin yung topic? Siya ang pinag uusapan dito ah!


"H-hindi ako nagsulat nun!" Pagdeny ko na nagfail because i stuttered.


"So kung hindi iyon ang sinulat mo, ibig sabihin yung 'pls wag na kayong ngumiti masyado. Di kami makapagfocus sa pag aaral' chorvaness ba ang nilagay mo?" Pagtukso ni Rachel. Nagtawanan naman silang tatlo. Feel ko binubully na talaga nila ako. Pinagtutulungan nila ako. I crie 15 times


"Okay lang sa amin Berry, aminin mo na tanggap ka naman namin," pagdagdag pa ni Amber.


"Hindi naman ako ang topic dito kanina, bakit nahot seat ako dito?" Sabi ko. Pls change the topic! Though gusto ko din talagang isulat kanina about sa ngiti ni Jake tuwing class, di ko kaya! Just the thought of writing that makes me blush crimson red.


"Cute mo kasi magreact Berry eh!" Sagot naman ni Amber.


"Pero guys, ang cute at sweet lang talaga ni Maffy eno? May care siya sa akin, ayaw niya akong tumaba kaya sabi niya wag na daw ako maging matakaw. I kennot!!!!" Tapos nagkikikisay siya don. Kaming tatlo naman ay napailing na lang at pinagbigyan siya sa mga sinasabi niya.


Hindi ko na sila pinansin at magbasa ulit ng paper ko. Triny kong hanapin yung sinulat ng boyfriend ko, pero hindi ko makita. I know may sinulat talaga siya eh!! Nakita ko yun, considering that we sat right beside each other kanina.


"Uy, may nakasulat din pala sa likod ng paper ko. Hindi na siguro makasingit sa harap kaya sa likod na nagsulat," sabi ni Amber. "Feeling friendly and famous ako, hahaba ng sinulat nila sa akin eh." Pagyayabang niya pa.


Well, di ko naisip na baka sa likod niya sinulat. Medyo puno na rin naman kasi tong front part ko eh. So i decided to turn it to the back.


Wow, at first glance, akala mo walang nakasulat. Pero dahil malinaw mata ko, nakita kong may nakasulat na maliit sa ibabaw at ibaba ng paper. Yung isa, i recognized the handwritting, which belongs to my loving boyfriend. Yung isa, idk who. Siguro nantitrip lang. Pero it's quite familiar eh.....


I'm gonna read first yung sa boyfriend ko. Mehe, i'm getting excited.


'Hi babe, hinanap mo tong message ko for you no? Kinilig naman ako na seatmate kita today, ikaw din eh kinikilig kanina ka pa nagbablush. Wag ka magblush, ikikiss kita eh! I love you so so so so so so much!!!! xoxo'


Puro kalokohan lang talaga to. Akala mo hindi teacher eh. Well, hindi naman ganon kalayo agwat ng age so medyo okay lang.


Pero kinikilig talaga ako. Kyaaah. Si Jake kasi eh, masyadong sweet. Yung ang daming so doon sa i love you niya. Nararamdaman ko talagang love niya ako. Which is equal din sa love ko for him. Si Jake na talaga ang the one for me.


Bago ko makalimutan ang isa pang message sa back part, binasa ko na. Super familiar talaga tong sulat niya. Sa sobrang familiar di ko mabanggit kung kanino hahaha


'Meet me infront of the inn later at 10pm, I'll be waiting'


Medyo curious ako kung sino tong nagmessage na to. Lalo na kung bakit kailangan pang magkita kami sa labas ng inn. Kasi later diba, may bonfire? Pero sa may likod ng inn yon, malapit sa woods. So lahat ng tao nandoon, ang weird naman kung aalis ako para dito. Tsaka gusto ko makibonding kay Jake. Huhu


What to do?


Bahala na nga mamaya. 10 pa naman yon eh. Later na lang ako magdedecide. At ayaw ko ng ikwento ito kay Mayree.

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon