Chapter 27: Don't tell me

44 3 1
                                        

Chapter 27: Don't tell me


Nasabi ko na bang buong 3rd year lang tong fieldtrip? Hindi keri kung buong highschool namin eh. Ang dami ba naman ng sections per year tapos 40 students pa per section. Baka magkawalaan kami kung nagkataon.


7pm na at nakanagliliyab na yung bonfire. Medyo naging mini club ito, di bagay yung mini hahaha basta naging club siya kasi di naging kj yung teachers. Nagpatugtog ng party songs, tapos nagsayawan yung mga schoolmates ko.


Tsaka dahil first night naman namin dito and may bonfire pa, naextend hanggang 11:30 ang lights out, so nagkasiyahan na ang lahat.


Kahit na 3rd year lang nandito, ang dami pa ding tao. Kaya yung iba wala ding pake kahit di sila magaling sumayaw, sumasayaw sila. Kasi ang daming tao, iniisip nilang wala ng makakapansin sa kanila, which is partly true.


Si Jake nga nakikihalubilo sa mga students. Okay lang sa akin. Swear hahahaha alam ko namang love na love ako nun kaya I trust him.


Anong ginagawa ko ngayon? Nakaupo lang sa gilid. Pinapanindigan ko talagang introvert ako. Si Maf din eh, nakaupo lang din. Though di naman sa tabi ko, may problema talaga tong lalaking to. Nakatulala siya eh, halatang malalim ang iniisip. Isa kaya to sa pinakamadaldal at sociable na taong nakilala ko.


Halos lumipas na ang 15 minutes at nakatulala pa din siya. Kaya ang ginawa ko nilapitan ko siya. Nagulat naman siyang napatingin sa akin.


"Wag mo akong gulatin ng ganyan," sabi niya. Ang oa niya lang po. Natawa naman ako kahit papaano. Ang cute niyang magulat eh. Wait, joke lang pala.


"Bakit ba kasi nakatulala ka diyan? Tsaka di kita ginulat ha! Lumapit lang ako sayo, oa mo," sabi ko.


"May iniisip lang ako," seryosong sabi niya.


"Wow, marunong ka pala non?" pagbibiro ko para naman di siya masyadong seryoso. Di ako sanay. Kahit naman introvert ako, kapag naging close tayo kaya ko namang di gawing awkward ang isang conversation.


"Loko to. Minsan na nga lang magseryoso, ganyan ka pa," sabi niya habang ginugulo yung buhok ko. Tinanggal ko naman yung kamay niya sa buhok ko at inayos ito. Natahimik naman kami ng matagal.


Dahil awkward ang atmosphere kaya naisipan kong tanungin siya, "Ano ba iniisip mo para maging seryoso ang isang Mafflarery Fin Villacorte?"


"Ikaw...." Nagulat ako sa sinabi niya, kaya nanlaki mata ko habang nakatitig sa kanya. Medyo matagal din bago niya marealize yung sinabi niya. "I mean, wala ka nang pake doon!" sabi niya tapos alis. Tell me guys, mayroong dalaw ba ngayon si Maf? Masyadong moody eh. Pagkatapos akong sigawan niwalkout-an pa ako. Langya yun ah.


So, mag isa na ulit ako. Napaisip ako ulit doon sa sinabi niya kanina. Na ako ang iniisip niya. Or baka mali lang talaga siya ng sabi. Baka yun nga!


"Bakit naman ako iisipin ni Maf?" Mahina kong nabanggit sa sarili ko. Naisip ko din na impossible yun kaya naniwala akong hindi ako. Napailing na lang ako sa mga pinag iisip ko.


Napagpasyahan kong mag isip na lang ng ibang bagay. At naalala ko si May. Nagtataka nga ako kung nasaan yung babaeng yun eh. Di ba dapat nakabuntot kay Maf yun? Ang weird lang dahil wala siya near Maf eh.


Dahil wala din naman akong magawa, naisipan ko na lang pumunta sa table ng mga foods and snacks. Tutal hindi pa ako nagdidinner, kumuha na ako ng kaunting makakain. Napansin kong magna-9pm na pala. Napatagal pala ang pag iisip ko.


Let Me Be The OneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon