Chapter 3: Movie Night
Pumunta na ako kina Kuya Jake. Pinapasok naman agad ako ng maid nila, parang bahay ko na rin naman to eh. Saktong pagdating ko ang pagbaba ni Kuya sa hagdan. Shems. Ang gwapo niya talaga! Nakablue longsleeves siya na tinaas hanggang siko niya, so parang 3/4 na tas nakapants siya. Araw araw ganito ako sa kanya kaya masanay na kayo. Pero di ako sanay na gwapo talaga siya. Napapanganga ako lagi. *O*
"Gwapo," di ko namalayang sabi ko. "I know," sabi niya tas nagsmirk. "Hoy, Miss de Guzman, tulo na po yung laway niyo oh. Sara mo na yan," sabi niya tas hinawakan yung chin ko para isara yung bibig ko.
Tapos pinat niya yung ulo ko habang ako naman nakatayo pa din doon at namumula. Kakahiya! Pinunasan ko yung side ng bibig ko, wala namang laway ah! Pang asar din to si Kuya.
Sinundan ko na siya sa sala. "Kuya, asan si Kate? Kasama niya ba si Tita Kat?" tanong ko sa kanya.
"Tingin mo ba sasama si Mommy?" sagot niya. Nga naman, ba't ko pa tinanong? Tatanga tanga din ako minsan eh. Ayaw ng bumalik ng Pilipinas ni Tita. Naaawa nga ako kay Kuya eh, matagal na nyang di nakikita ang Mom niya sa personal.
"Eh asan si Katey?" tanong ko uli.
"Next week pa ang uwi niya," sagot ni Kuya habang naghahanap ng DVD. Loko talaga to si Kuya ah. "Nood tayo ng movie," yaya ni Kuya bago pa ako makapagtanong.
Pero di ako papatalo. "Eh Kuya ba--" putol niya agad. "Anong gusto mo, Saw6 o Coming soon?" tas ngumisi siya. Nanlaki mata ko doon! Tinawanan niya ako.
"Eh Kuya naman eh! Phineas and Ferb the movie na lang kaya?" nakapout kong sabi. Matatakutin talaga ako eh. Alam ni Kuya yun kaya naging favorite niya ang Horror. Pang asar nga. Naalala ko dati.
Nung 11 yrs old ako niyaya ako ni Kuya manood ng Child's play(Bride of Chuckie pala) sa kanila. Sabi niya about sa dolls daw yun kaya sumama ako. Dala ko pa naman yung favorite doll ko noon.
| FLASHBACK |
"Blue, let's watch Child's play. Kuya Jake said it's a movie I'll like," sabi ko sa doll ko.
"Berry ba't dala mo yan?" tanong ni Kuya na nagpipigil ng tawa.
"She wants to watch with us Kuya!" I said then beamed.
So ayun nanood na kami. Napansin kong old na yung movie and not the one I expect it to be. Maya maya, doon na kami sa part na gumawa ng ritual si Tiffany para pasapiin ang soul ni Chucky sa isang doll tas nabuhay sya. Napatili ako at sabay tapon kay Blue palayo. Napayakap ako kay Kuya, iyak ako ng iyak tapos si Kuya tawa na ng tawa. Pinatapon ko na lahat ng dolls ko kay Manang. Natatakot akong patayin nila kami.
| END OF FLASHBACK |
Oh di ba pang asar? Di na ever ako nagdoll noon. Baka nga nagkaphobia ako noon eh.
"Ayaw ko noon. It's for babies. Ganito na lang, bato bato pick tayo. Sinong manalo siya pipili. Up to 5. Game?" suggestion ni Kuya. Tumango na lang ako. "Bato bato pick!" sabi ko habang nakabato samantalang si Kuya ay papel. Nagsmirk siya sa akin. One point na siya.
Pick!
Pick!
Pick!
BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
RomanceFriendship over love. Bestfriend before boyfriend. Sisters before misters. But what if both you and your bestfriend fell in love with the same guy? Are you willing to sacrifice the one you love for the sake of friendship?
