Zaiynx POV
Naging palaisipan parin sa akin ang nangyaring pagsabog, hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ay may ibig sabihin ang pagsabog na 'yon. May naiisip na akong dahilan pero ang tanong ko ay bakit? Naguguluhan ako.
"Zaiynx Tara na!" Tawag ni axe sa akin kaya natauhan ako, hindi ko alam na kanina niya pa pala ako hinihintay na makababa sa sasakyan niya, nandito na kami ngayon sa Harmenson.
"Okay ka lang ba? Bakit parang sabog ka ngayon?"
Umiling ako."may iniisip lang."
"Ano naman?"
Umiling ako ulit."wala naman, tara,"at lumabas na sa sasakyan niya, naglakad na kami papasok sa Harmenson.
"Zaiynx!" Narinig ko ang boses ni krae mula sa likod at hindi pa nga ako nakakalingon ay may umakbay na sa akin."sabay na tayo!"
"Hi krae!" bati ni axelle.
"Hi!"bati niya pabalik, bigla namang pinandilatan kami ni axe.
"Ano 'to?! Ipinagpapalit mo na ba ako zaiynx?! Kayo na ba ang best friend ngayon?! Ang dali mo naman akong palitan! Ouch,"madramang untas niya sabay hawak pa sa dibdib, umaktong nasasaktan talaga.
Natawa ako."sira, hindi ah!"at nilingon si krae."feeling close kasi 'to e!"sabay siko ko sa kanya kaya napa-aray siya.
"Ha! Eh diba pinipilit mo ako na maging magkaibigan tayo?! Kaya pinagbigyan lang kita zaiynx!" Pambabaliktad niya pa.
"Tangina mo!" mura ko sa kanya ngunit tumawa lang siya.
"Hello pips!" dumating narin si brazen at tumabi kay axe.
"Himala Vincent at nagpalit ka ng pabango!" amoy niya kay braze at naamoy ko rin ang pabango ni brazen dahil sa hangin at totoo ngang nagpalit siya.
Mabango naman ang pabango ni brazen pero si axe ay hindi ito gusto dahil masyado daw matapang, ang mga gusto niya rin kasing amoy ay iyong mga sweet na perfume o amoy bulaklak at ngayon nga ay amoy Lavender si brazen.
Agad na niyakap ni axe ang braso ni braze."ang bango mo!"
"Ginamit ko lang ang bagong bili ni mama na perfume! Ang arte-arte mo kasi Jaelendrea! Na co-conscious tuloy ako sa amoy ko noon!"
"Eh ang sakit sa ilong naman 'non!"
"Feminine ka na ngayon?!" biglang asar ni krae kay brazen.
"Tangina mo pre! Bakit ba ang laki-laki ng issue niyo sa amoy ko!"untas niya kaya nag tawanan kami hanggang sa dumating kami sa building namin.
"Mamaya zaiynx!" Paalam ni axe kaya tumango ako at sabay na kaming tatlo pumasok sa classroom.
Umupo na kami sa kanya-kanyang upuan at dahil wala pang klase ay lumipat muna ang tatlo sa amin at nag pabilog para mag chismisan.
"Feeling niyo sino ang gumawa noong pagsabog kahapon? Bali-balita 'yon ngayon e! Ang sabi ng iba ay baka may atraso ang may-ari noong sasakyang sumabog kaya pinasabog ang sasakyan niya!"si Justin.
"That's what I heard too, but there's something wrong to it, dahil kong may nag mamay-ari sa sasakyan na 'yon ay bakit walang plaka? It's like an abandoned car hindi lang halata dahil tinutupok na ito ng apoy," ani zan kaya napatitig ako sa kanya dahil may point nga ang sinabi niya! Ngayon ko lang naalala na wala palang plaka ang sasakyan na 'yon!
"Eh baka naman ninakaw lang rin 'yon? Hindi natin alam at baka isa palang wanted ang may-ari noon!"untas naman ni braze.
"I think it's intentional," napalingon kaming tatlo kay krae noong magsalita siya.
YOU ARE READING
SHADOW IN THE CRIMSON FLAME
Teen FictionKraeston's life took an unexpected turn when he suddenly crossed paths with a mysterious girl named zaiynx. Her enigmatic aura and captivating gaze left an indelible impression on him. As the day unfolded, Kraeston found himself drawn to her, intrig...