Zaiynx POV
Sa pag lipas ng mga araw ay naging sobrang busy na namin lahat sa paparating na intramurals at halos kada hapon nalang kami nagkikita-kita kapag uwian na. At ngayon ay araw ng sabado, wala kaming ginagawa ni axe sa condo at noong makatanggap ako ng text galing kay krae at nag-aayang mag laro ng billiards ay pumayag ako.
Naging mas malapit na rin kami sa isa't-isa ngayon, para na kaming mag barkada, halos kami na ang mag kasama dalawa sa mga galaan at hindi na sina brazen. Naging libangan narin namin ang mag laro ng billards o archery.
Sinundo niya ako dito sa condo at noong makarating kami doon sa lugar na tinatambayan namin ay sabay kaming nag taka kong bakit sobrang daming tao ngayon, dahil kapag pumupunta kami dito ng sabado ay halos isa o dalawang tao ang ang nandito pero ngayon ay halos punuan pa.
"Anong meron dito?" Takang tanong ko.
Nagkitbit-balikat naman si krae at tinawag ang isang lalaki."Anong meron?"tanong niya.
"I'm sorry sir pero occupied po ang buong lugar ngayon dahil sa isang birthday party," untas ng guard.
"Sobrang laki ng lugar ninyo, bakit kailangan ay okupado ang lahat?" ani krae."hindi naman 'yan ginagawa ni Lorven dahil alam niyang pumupunta ako dito ng sabado,"patungkol niya sa may-ari na kaibigan niya.
Napakamot sa ulo ang guard."pasensiya na sir pero 'yon po kasi ang utos ni sir lorven, at dahil kagustuhan na rin po ni Mr. Mendez, siya po ang may birthday."
Natigilan ako sa sinabi nito.
Agad kaming nagkatinginan ni krae dahil doon. Agad niya ring hinawakan ang kamay ko para umalis na kami doon, at wala naman sa sarili akong napatingin sa harapan at nakita ko kaagad si waze na may hawak na isang shot glass at nakatingin sa amin... Sa akin.
Madilim ang mga mata niya at para bang galit. Ngunit hindi ko na inalanta iyon at hinayaan na si krae na hablutin ako palabas.
Oo nga pala... Birthday niya ngayon.
"Saan mo gustong pumunta? Sobrang aga pa kong sa bar mo gustong dumiretso zaiynx at wala pang bukas ngayon," Untas niya pagkapasok namin sa kotse niya.
Napairap ako."baliw."
"Alam mo bang birthday niya?"
"Ngayon ko lang rin naalala,"sagot ko.
"And? What do you feel?" aniya at pinaandar ang sasakyan.
Napakitbit-balikat ako."wala."
Agad siyang natawa sa sinabi ko."wala? Sinong niloko mo."
"Ano ba dapat ang maramdaman ko?"
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko."beats me, tanging ikaw lang ang may alam."
"Ayokong pag-usapan," untas ko at hindi na rin siya nangulit pa. Nagpunta nalang kaming dalawa sa isa pang lugar ni Lorven at doon na naglaro hanggang sa dumilim.
Pagdating namin sa condo ay nagtaka ako nang sa parking lot niya inihinto ang sasakyan at hindi sa labas, at mas nauna pa siyang lumabas para pag buksan ako ng pintuan.
"Tara," aniya.
Lumabas ako habang nakakunot ang noo."dito ka matutulog?"
Tumango siya."yes, dahil wala namang pasok."
Tumango ako."okay,"at sabay na kaming naglakad papasok sa elevator.
Sobrang tahimik namin sa loob ni krae at hindi ko alam pero parang ang awkward ng atmosphere sa paligid namin e kanina pa naman kami magkasama na kaming dalawa lang. Nakikita ko ang mga sarili namin sa repleksyon namin sa elevator at nag tama pa ang mga mata namin doon.
YOU ARE READING
SHADOW IN THE CRIMSON FLAME
JugendliteraturKraeston's life took an unexpected turn when he suddenly crossed paths with a mysterious girl named zaiynx. Her enigmatic aura and captivating gaze left an indelible impression on him. As the day unfolded, Kraeston found himself drawn to her, intrig...