Zaiynx POV
"You should take a shower and change your shirt," ani krae noong makarating kami sa penthouse niya.
Hindi na ako nag salita pag alis namin doon sa downtown at hindi ko namalayang ibang daan na pala ang pinupuntahan namin. Namangha naman ako sa sobrang laki ng lugar niya, halatang mamahalin ang lahat ng mga gamit niya at mas lalo lang akong namangha ng makita ang mga nakasabit na drawings at paintings sa bawat sulok ng suite niya. At puro nga ito mga lugar, tanawin at buildings. Pinapasok niya ako sa isang kwarto at binigyan ng bagong damit kaya pumasok na ako sa banyo para maligo.
At habang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa buong katawan ko ay naalala ko ulit ang buong nangyari kanina.
Si heran.
Napahawak naman ako sa pendant ng kwintas na suot ko. Kahit wala ng mapaglagyan ang galit ko sa buong Black Rebellion ay sinusuot ko parin ang kwintas na may simbolo nila sa kadahilanang si heran ang nagbigay nito. Ito lang ang kaisa-isang regalo ang naibigay niya sa akin kaya ayaw ko naman itapon 'to at itago nalang dahil ang ibinigay niya ay sobrang mahalaga para sa akin. Kapag kasi opisyal ka ng myembro ng Black Rebellion ay kailangan mong ipa tattoo ang simbolo nila sa kahit saang parte ng katawan mo kong saan mo gusto at dahil hindi ako pwedeng magkaroon ng tattoo ng dahil sa batas ng pamilya namin ay binigyan ako ni heran ng kwintas na iyon ang pendant. At mas lalong hindi ko mapapatawad sila Vaughn sa ginawa nilang paninisi sa akin sa aksidenteng nangyari kay heran, sa lahat sa kanila ay si heran ang nanatiling totoo sa akin, hindi niya ako niloko at ginamit.
~flashback~
"Hi zaiynx! Ako nga pala si heran! Kapatid ko si kuya vaughn! Kamusta ka? Ang ganda naman ng mga mata mo!" Nakangiting naglahad sa akin ng kamay ang isang mukha namang mabait na lalaki.
Kinuha ko ang kamay niya at ngumiti."thank you!"
"Japanese ka 'no?! Ang singkit ng mga mata mo!"
Natawa ako ulit tumango sa sinabi niya.
"Welcome sa pamilya namin zaiynx! Sana maging malapit pa tayo! Tandaan mo ha? Pamilya ang turingan dito! Hindi ka-grupo lang!"
"Salamat!"
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa mga nagtatawanang myembro ng Black Rebellion, ito ang unang beses na nagkakilala kaming lahat ngunit sobrang ganda ng trato nila sa akin.
Gusto ko ang pamilyang 'to!
"Zaiynx! Karera tayo!" Habang naglalakad palabas ng hideout ay napalingon ako sa banda nina heran ng tinawag niya ako kaya agad akong lumapit.
Nakatayo siya sa gilid ng race car niya habang pinupunasan ang salamin nito. Ganon rin si drew at Vaughn.
"Ano zaiynx? One lap lang!" Untas ulit ni heran ng hindi ko nasagot ang sinabi niya kanina.
"Wala akong magagamit na sasakyan. At isa pa hindi naman kita matatalo!" Sagot ko.
"Wag kang mag-alala! Papahiramin kita!"
"Napaka-marunong mo kaya heran! Magiging kulelat lang ako!"
"Tuturuan kita!"sabi niya kaya natigilan ako.
"Talaga?!" Kumislap ang mata ko ng sabihin 'yon. Matagal ko ng gustong matuto!
"Oo ba! Basta pangako mo na kapag marunong ka na at kaya mo na akong talunin ay tatawagin mo na akong kuya!" Sabay thumbs up.
"Baka mag patalo ka nalang bigla heran! Para lang tawagin ka ni zaiynx na kuya!" Asar ni Vaughn.
"Hindi kaya! Hindi patas yon kuya Vaughn!"
YOU ARE READING
SHADOW IN THE CRIMSON FLAME
Teen FictionKraeston's life took an unexpected turn when he suddenly crossed paths with a mysterious girl named zaiynx. Her enigmatic aura and captivating gaze left an indelible impression on him. As the day unfolded, Kraeston found himself drawn to her, intrig...