KABANATA 2

1.3K 54 2
                                    

Zaiynx POV

Nang makabalik ako sa table namin ay iyon rin ang pagdating ng mga orders kaya nagsimula na kaming kumain, puro kwentuhan ang naganap at ang nangunguna doon ay si braze, axe at justin, may bagong katapat na naman si axelle sa palakasan ng boses dahil na dagdagan na naman ng isa.

At noong mapansin naming malapit na mag ala una ay bumalik na kami sa harmenson at pumasok na sa kanya-kanyang classroom at as usual katabi ko na naman ang asungot. Napapatanong na ako ngayon pa lang kong matatagalan ko bang maging katabi ang lalaking 'to.

"Pst!"bigla akong kinalabit ng katabi ko ngunit hindi ako lumingon. May free time kami ngayon ng 30 minutes bago ang susunod na subject at habang walang ginagawa ay sumubsob na muna ako sa lamesa dahil wala naman akong ibang magagawa dahil nga sira na ang cell phone ko.

At habang malapit sa akin ang nagsira noon ay ang sarap talagang manuntok! Marami akong contacts doon na importante sa cell phone na 'yon at lalo na ang number ng kapatid ko! Kailangan ko pa siyang e text mamaya para sabihin sa kanya na nagsimula na ang klase namin at may kailangan pa akong itanong sa kanya na importante at hindi ko na magagawa!

"Uy! Zaiynx! Labas tayo!" rinig kong untas niya ngunit nagpatay malisya parin ako at umaktong natutulog.

Bakit ba ang feeling close na niya ngayon? Tsk. Epal.

"I know you're awake, let's go to the cafeteria, It's my treat!"

"Shut up, I don't need your treat," sumagot na ako.

"Hmm... I have something to tell you!"

"Wala akong pake, at tsaka isa pa hindi tayo close, may kasalanan ka pa sa akin, bwiset ka."

"Alright Alright, aaminin ko na, sinadya kitang banggain kanina sa main building, and I don't regret doing that!"

Napabangon na ako dahil sa sinabi niya dahil doon, matalim ko siyang tiningnan."Inaamin mo na talaga huh? Tsk. Ang basura ng ugali mo."

Tumawa siya."Come on! Libre kita!"

"Tss," bumalik ako sa pagsubsob at hindi na siya pinakinggan pa ngunit nagulat nalang ako noong biglang may malakas na humablot sa upuan ko kaya muntik pa akong matumba dahil sa gulat.

"Ano ba!" asik ko at agad siyang hinarap."kanina ka pa ah!"bulyaw ko, hindi ko na napigilan ang sarili nang dahil sa inis.

Ngumisi siya at hindi sumagot sa halip ay bigla niyang hinablot ang kamay ko kaya wala akong nagawa kong hindi ang sumunod.

"Saan kayo pupunta?!" sigaw ni brazen.

"Sama!" si justin.

Kumaway si kraeston."Cafeteria!"

"Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako! Ayokong sumama sa 'yo tangina mo!" asik ko sabay hablot sa sariling kamay ngunit sobrang higpit ng hawak niya.

"I don't care," ngisi niya.

Huminga ako ng malalim. Mag-isip ka ng mabuti zaiynx! Alahanin mo ang ipinangako mo sa sarili mo at sa kapatid mo na hahabaan mo na ang pasensiya mo at hindi na papasok sa gulo! Nangako ka nang magbabago na diba? Kaya huminga ka ng malalim at palampasin nalang 'to.

Napapikit ako ng mariin at sumunod nalang ng tahimik sa kanya hanggang sa makarating kami ng cafeteria at siya narin mismo ang nag-order. Dalawang cheesecake at coke 'yon.

Kumunot naman ang noo ko ng bigla akong makarinig ng bulong-bulungan sa kabilang table.

"Why does kraeston is with that girl? Alam ba 'to kyrie?"

SHADOW IN THE CRIMSON FLAME Where stories live. Discover now