KABANATA 21

580 36 1
                                    

Zaiynx POV

"Pangalan po?"tanong ng organizer.

"Zaiynx," sagot ko.

"Kailan mo kukunin ang sasakyan mo? Kailangan pa natin iyon ipa maintenance! Ako ang magiging manager mo ngayon!"

"Kukunin ko bukas," sagot ko."Anong gagawin mo sa dalawang milyon?"tanong ko kung sakaling ako ang manalo.

"Secret!" sagot niya kaya siniringan ko nalang.

Nandito kaming dalawa ni brazen ngayon sa kung saan magaganap ang event para mag pa lista ng pangalan ko. Talagang sobrang laki ng magaganap na event dahil ngayon palang sa registration ay napakarami ng magagandang sasakyan ang nakaparada sa labas na para bang ngayon na ang race. Talagang nakikita ko kung sino-sino dito ang mga batikan na sa laro, ipinaglalandakan nila ngayon ang kagandahan ng sasakyan nila. Nilingon ko naman si brazen at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang pagkamangha sa nakikita.

"Parang babaliktad pa ata ang manager ko ah!" Biro ko sa kanya kaya agad niya akong pinandilatan.

"Walang wala naman 'yan sa sasakyan mo! Namangha lang ako sa design pero wala paring panama 'yan sa manok ko! Positibo ako sa 'yo pre!" sabay fist bomb, napailing nalang ako at natawa.

Hindi na rin kami nag tagal doon ni brazen at umalis na, at bago umuwi ay kumain muna kami sa isang fast food chain, kung saan niya paborito.

"Nakita ko si papa kahapon zaiynx," biglang nagsalita si brazen sa gitna ng pagkain namin.

"Saan? Anong nangyari?"

"Sa pinagtatrabahuan niya."Kita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata niya ng itanong ko iyon."Wala na talaga siyang pakialam sa amin, sinabi niya mismo sa mukha ko na huwag na kaming lalapit sa kanya dahil magagalit ang asawa niya—"huminto siya sandali."ang kabit niya."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Matagal na panahon na rin ang nakalipas mula ng maghiwalay ang parents ni brazen dahil nagkaroon ng kabit ang papa niya at hindi iyon matanggap ni braze dahil ayaw niyang lumaki ang mga kapatid niya na walang ama at isa na rin sa mga dahilan ay dahil papa's boy siya.

"Nagsisisi ako kung bakit pa ako lumapit sa kanya kahapon, tangina, mukha akong napahiya," untas niya.

"Kung wala na talaga siyang pakialam sa inyo, kalimutan ni'yo na siya, ipakita ni'yo na kaya ninyong mabuhay nang hindi siya kailangan. Dadating ang araw at pagsisisihan niya ang ginawa niya sa inyo."

Napabuntong-hininga si brazen."Bakit kung hindi ko pa siya nakita kahapon ay hindi pa ako matataunhan na hindi na talaga siya magbabago,"tumawa siya ng mapakla.

"Hindi magbabago ang tao braze dahil lang sa gusto mo. Mas mag focus ka nalang ngayon sa mga kapatid at kay tita dahil mas kailangan ka nila." Untas ko. Nang dahil sa ginawa nang papa niya ay siya na ang pumalit sa responsibilidad nito.

"Oo nga e. Ngayon ko lang talaga narealize lahat na patay na pala ang tatay namin," tawa niya pero alam kung sa kaloob-looban niya ay gusto niyang umiyak.

Pagkatapos namin kumain ni brazen ay hindi na siya nag stay sa condo namin ni axe dahil may gagawin pa daw siya sa bahay niya kaya bago ako bumaba sa kotse niya ay niyakap ko siya nang mahigpit."Isang tawag mo lang braze,"bulong ko."I got you."

"Thank you talaga zaiynx,"untas niya at hinalikan ako sa noo.

"Zaiynx may nagpadala ng bulaklak," bungad sa akin ni axelle pag pasok ko sa condo, agad kumunot ang noo ko at kusa nang dumako ang tingin ko sa napakalaking bouquet sa couch."Binasa ko ang letter, nag-aaya ng date si waze sa 'yo."sabay bigay sa akin ng letter kaya binuksan ko ito at binasa rin. Nakalagay rin doon kung saang restaurant at kailan. At doon iyon sa paborito naming kainan dati.

SHADOW IN THE CRIMSON FLAME Where stories live. Discover now