KABANATA 17

571 36 1
                                    

Zaiynx POV

Isa palang chess player si gavin at tinanong niya ako kong saan ako pupunta kaya sinabi ko sa kanya na naghahanap ako ng sports na pwedeng salihan kaya tinanong niya ako kong alam ko ba paano maglaro ng chess kaya tumango ako.

"Dito ka nalang sumali zaiynx!" aniya habang malaki ang ngiti.

Napaisip ako sandali at okay nga ang chess dahil ang tanging gagawin lang ay uupo at maglalaro, at isa pa ay hobby na namin 'tong gawin ng mga kapatid ko kaya hindi ako mababagot.

Sumang-ayon ako sa sinabi ni gavin kaya lumapit kami sa coach ng chess at ipinalista ang pangalan ko at pina try out na ako at si gavin ang kalaban ko.

Siya ang unang gumalaw sa amin at nag simula na ang laro.

"Kamusta kayo ngayon zaiynx? I've seen the news about sa bahay ninyo and I feel guilty about it," biglang nagsalita si gavin sa gitna ng laro.

"Para saan?"

"Hindi dapat kita hinayaang bumaba doon sa kanto at dapat ay hinatid kita sa bahay ni'yo, baka siguro natulungan pa kita... But I am really glad that you're okay, and also for axelle, mabuti nalang at okay na siya."

"Ayos lang 'yon, aksidente iyon at hindi inaasahan kaya hindi ka dapat ma guilty," sagot ko habang nakatutok parin ang mga mata sa laro.

Narinig ko ang buntong-hininga ni gavin."saan na kayo nakatira ngayon ni axe?"

"Kumuha kami ng isang condo," untas ko at nilingon siya."checkmate."

Agad na sumilay sa labi ang ngiti niya dahil doon."As expected! Congratulations zaiynx!"tumayo siya at nakigpag shake hands pa sa akin.

"Thank you," sagot ko.

Pagkatapos ng try out doon ay lumabas na muna kami ni gavin at pumunta ng cafeteria para kumain at sa pag-uusap namin ay doon ko lang rin nalaman na pagmamay-ari pala ng pamilya nila ang hospital kong saan naka confined noon si axelle, ang Diaz Hospital.

Maraming business ang pamilya nila at nag-iisang anak siya kaya naman ay talagang nakatuon ang atensiyon sa kanya ng parents niya, kahit anong gusto niya ay naibibigay.

"Na e kwento narin kita kay mom and she said na gusto niyang ma meet," natawa siya at kita ko ang pamumula ng pisngi niya."but I said siguro ay in the near future na."

"Ano namang sinabi mo sa mom tungkol sa akin?" Tanong ko.

"That ikaw 'yong naging partner ko sa Acquaintance Party a-at... Iyong... Pinakaunang naging c-crush ko," awkward na sagot niya.

"A-ah, nakakahiya naman!" tumawa ako pero naging hilaw parin.

Hindi ko talaga alam paano makipag-socialize sa kanya kapag ganito ang nagiging topic namin kaya agad kong iniba ang usapan.

"Siguro pagkatapos natin dito ay pupuntahan ko na si axe gav dahil baka tapos na sila at uuwi na kami," untas ko habang inuubos ang pagkain.

Tumango naman siya."sige zaiynx, bukas pala mang s-start ang practice natin sa chess at every 3 pm until 5 pm, doon parin sa room na 'yon."

Tumango ako."thank you sa libre."

"Wala 'yon!"aniya at noong natapos kami ay sabay na kaming lumabas at doon na kami nag-iba ng daan noong naroon na kami sa hallway, dahil sa auditorium ako tutungo at babalik siya doon sa room sa chess.

At mabuti nalang at tapos na rin sina axelle at nakapasok silang tatlo, wala rin silang practice ng cheerdance ngayon dahil may babaguhin raw na steps si elena at ipapafinalize pa niya. Sabay-sabay na kaming lumabas sa Harmenson ngunit naisipan pa nila na mag kape na muna kaya pumunta na muna kami sa Starbucks.

SHADOW IN THE CRIMSON FLAME Where stories live. Discover now