KABANATA 25

490 33 3
                                    

Zaiynx POV

"I know that it was heran's," untas ni andronicus sa akin pagkababa namin sa stage.

Tumango ako sa sinabi niya.

"I was his very big fan so I would know. I told myself that only Heran Ferrer can only defeat me in this field and hindi nga ako nagkamali. It is my pleasure to get defeated by you, by heran's sister," ngumiti siya."It was a very nice game, zaiynx."

Ngumiti ako pabalik."likewise, at thank you."at niyakap siya.

"I hope to meet you again."aniya at pagkatapos namin mag-usap ay hindi pa ako kaagad nakapunta sa mga kaibigan ko na naghihintay na sa akin dahil marami ang gustong magpa-picture, nakahinga lang ako noong tinulungan na ako ng mga staffs.

At as expected ay sumabog ang mga katanungan nila sa akin pag lapit ko. Sinabi ko na sa kanila ang dahilan ko at tinaggap rin naman nila at sobrang saya nila para sa akin.

Sa buong araw ay sobrang daming nangyari, umalis kami doon sa racecourse at pumunta sa isang restaurant para kumain at pag dating naman ng hapon ay pumunta kami sa bar para sa victory party.

"Ano nga ang gagawin mo sa pera manager?!"tanong ko kay brazen sabay tawa at inom sa shot glass ko.

Ngumiti si braze sa akin."sasabihin ko sa 'yo bukas."

"Bakit bukas pa?!"

"Basta! Mag enjoy muna tayo ngayon! Proud na proud ang manager mo sa 'yo pre!"sabay bigay ulit ng shot glass.

Napailing ako habang nakangisi at tinanggap ito.

"Ano palang plano mo doon sa sasakyan zaiynx? Bugatti shet!"si justin.

"Ebebenta ko." sagot ko, nanlaki ang mga mata ni justin at brazen dahil doon.

"Bakit?!"si brazen.

"Magkano?!"tanong naman ni justin.

"Ibibigay ko ang pera sa charity, hindi ko rin naman magagamit ang sasakyan dahil may sasakyan na ako."

Mas lalong umaliwalas ang mukha ni justin dahil doon."Ako na ang bibili zaiynx! Sana maka discount!"

"Just name your prize just," untas ko at bigla nalang akong hinila ni axelle patungo sa dancefloor.

Medyo nahihilo na ako ngayon kaya nagpapatianod nalang ako kahit na sinong humila sa akin, at ngayon ay nakapikit ako habang sumasabay sa music ng bar.

I did it kuya heran. I did again. I won.

Napangiti ako sa iniisip. I hope you seen what happened today from heaven. I hope I made you proud. Sobrang saya ko habang nasa loob ako nang sasakyan at pakiramdam ko ay malaya ako, nagagawa ko kung ano talaga ang gusto ko. Ginamit ko ang lahat ng natutunan ko sa 'yo kanina kaya nanalo ako.

"Congratulations on your race, miss," natigil ako sa pag-iisip ng bigla kung marinig ang boses ni krae sa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon. Sa buong araw ay hindi pa kami nagka-usap.

"Thank you!" Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay sobrang saya ng puso ko nang siya na ang nagsabi no'n. Ngunit sa kabila no'n ay bigla nalang mayroong tumulak sa akin at dahil nga medyo lasing na ako ay hindi ko na kontrolado ang balanse ko at muntikan na akong matumba ngunit agad na hinapit ni krae ang bewang ko at inayos ng tayo.

"You shocked me you know, I really didn't thought that you're a damn racer, for fucking's sake!"aniya habang nakatingin sa akin.

Napangiti ako."Hindi mo ako kilala, krae," untas ko. I guess no one ever known me.

SHADOW IN THE CRIMSON FLAME Where stories live. Discover now