KABANATA 27

539 38 3
                                    

Zaiynx POV

Hindi ko alam kung bakit kusa nalang akong nag kwento kay krae, sa buong buhay ko ay halos sina axelle at brazen lang ang may alam sa akin at ngayon ay pati na si krae. Magaan ang pakiramdam ko at meron akong tiwala sa kanya kaya hindi ako nag dadalawang isip na mag sabi sa kanya. At dati ay gusto ko lang talagang mapag-isa kapag birthday ko na pero ngayong nandito si krae ay hindi ko siya magawang paalisin.

Hindi ko na inalintana ang dahilan niya kung bakit hindi niya ako kinausap ng isang buwan, okay na ako ngayon na pinapansin niya na ako ulit. Tinaggihan ko rin ang alok na sinabi niya sa akin kanina. At pagka-tapos kung mag kwento sa kanya tungkol sa totoong nangyari sa parents ko ay uminom na kami kasunod no'n at hindi na nadagdagan pa ang usapan namin, tahimik lang kaming dalawa habang umiinom hanggang sa tamaan ako ng alak. Hard liquor na ang ininom namin noong gumabi na at umabot kami hanggang alas dose. Halos hindi ko na maitayo ang sarili ko at talagang nahihilo na talaga ako kaya hindi ko na alam ang nangyari hanggang sa nagising nalang ako kinabukasan at nasa penthouse ako ni krae.

"I already inform axelle na you're with me, hindi ko na siya inabala kagabi dahil alas dose na at alam kung tulog na siya kaya dito na kita idiniretso. Are you okay?" tanong niya pag labas ko."ang sasakyan mo rin ay nasa parking lot na."

Tumango ako."salamat,"at humikab.

"I make your coffee," sabay lahad ng kape kaya tinanggap ko ito."bakit hindi ka pumasok?"tanong ko dahil huwebes ngayon.

"Hindi ka nga rin pumasok," untas niya naman.

"Sorry, nadamay pa kita," sabi ko, noong marealize na ako nga pala ang nag-aya sa kanya na uminom kami.

"Tss. There's nothing to apologize," aniya habang umiinom ng kape."let's do a movie marathon, bukas nalang tayo pumasok,"dagdag kaya natigilan ako sandali.

"What movies do you prefer?"

"Fantasy," sagot ko naman, tunog pumayag kaagad.

Kumain muna kami ng agahan at pagkatapos ay naligo na muna ako, at dahil wala akong dalang damit ay pinahiram niya na muna ako.

"Belated happy birthday," biglang nag lahad ng isang box sa akin si krae noong pumunta ako sa sala para mag hanap na kami ng magandang panonoorin."I know that you don't like your birthday but let me give you this, at least,"dagdag niya.

Tinanggap ko naman ito at binuksan, at isa itong silver bracelet na mayroon ring pendant na tulip.

"You have a necklace and earrings already so you need a bracelet to complete it," ngiti niya.

"Thank you krae," untas ko at kinuha ito sa box para sana isuot pero kinuha niya ito sa kamay ko.

"Let me," aniya at esinenyas ang palapulsuhan ko kaya ibinigay ko ito at pinagmasdan lang siya habang ginagawa ito. Napalunok ako dahil rining na rinig ko ngayon ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko tuloy ay naririnig niya ito ngayon!

"S-salamat," at nautal pa talaga ako!

"You're welcome."

Agad kung iniwas ang tingin ko noong tumingin siya at ngumiti, agad akong umalis sa harapan niya at kinuha ang remote para mag hanap ng magandang movie, at ilang minuto lang ay nakahanap na kami. May naka-ready ng mga pagkain sa lamesa at nasa magkabilang couch kami ngayon, ako ang nasa mahabang couch at naroon naman siya sa maliit at pang-isahang tao.

Tahimik lang kaming nanonood hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nagising nalang ako na nakapatay na ang TV at wala si krae. Bumangon ako at iginala ang tingin ko, kaya naman tumayo na ako at hinanap siya ngunit wala talaga, doon ko lang rin nakita ang oras at ala sais na pala. Mag-tataka na si axe nito kung bakit hindi parin ako umuuwi sa amin at baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa amin ni krae. Kaya naman kinuha ko na ang cellphone at ibang gamit ko sa kwarto na tinulugan ko at lalabas na sana ako ng bigla akong natigil ng makita ko ang pintuan ng working area niya. Kusa nalang gumalaw ang mga paa ko at nag lakad patungo doon. Pag bukas ko ay madilim ang paligid kaya hinanap ko ang switch para sa ilaw.

As usual ay ang bumungad sa akin ay ang napakaraming paintings niya, mayroong mga nadagdag dito base sa huling pagkaka-alala ko noong nakapasok ako dito, iginila ko ang tingin ko at natigilan ako ng makita ang ginawa kung painting na nakasabit doon sa likuran mismo ng table niya kaya para itong naka highlight.

Lumapit ako doon at tiningnan ito, kusa nalang din dumako ang tingin ko sa table niya at napansin ang isang kulay gray na sketch book at limang canvas na nakataklob. Alam kung hindi dapat ako nakikialam sa mga gamit niya ngunit hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko.

Umupo ako sa upuan niya at inilapit sa akin ang sketch book at binuksan ito. Agad akong natigilan sa nakita kung nakaguhit sa unang page nito.

At mukha ko 'yon. Mukha ko noong first day of school.

Teka... Diba ang sabi niya ay hindi siya gumagawa ng portrait? Eh ano 'to?

Binuksan ko pa ang ibang page ng sketch book at sobrang nalaglag ang panga ko ng makitang ako lahat 'yon! Ang mga nakaguhit ay nasa Harmenson ako, nakaupo, nagsusulat o naglalakad at kung ano-ano pa na ginagawa ko sa school, meron ring ibang drawing na sigurado akong kami lang dalawa ang mag kasama nito. Halos maubos ang page ng sketch book at puro mukha ko ang nakadrawing. Binitawan ko ito at kinuha naman ang tatlong canvas na nakataklob at mas lalo lang akong nagulat nang makita na ako ulit 'yon!

Ang unang painting ay larawan ko na naka-side view at nakikinig sa klase, ang isa naman ay nakangiti ako habang naglalakad sa hallway at nakasuot ng uniform, ang pangatlo ay iyong sa Acquaintance Party habang nasa dancefloor ako at ang pang-apat naman ay nag p-paint ako dito sa balcony niya at ang pang-huli ay nasa stage ako at may hawak na trophy galing doon sa event na sinalihan ko.

Pero bakit sobrang dami nito?! At bakit niya ginagawa 'to?! Nag bago na ba ang pananaw niya at napagdesisyunan niya ng mag portrait na? Pero bakit ako ang ginamit niya? Bakit hindi ibang tao? O mga kaibigan niya? Bakit mukha ko lahat?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHADOW IN THE CRIMSON FLAME Where stories live. Discover now