LIFE: Rich People

572 25 1
                                    

Zoe's POV

Tahimik lang ang buong klase sa umaga. Natural na nagpakilala ako sa harapan nang marami at kagaya nang laging ginagawa, nakikinig kami sa bawat guro na pumapasok sa klase namin. Pero iba ang ngayon, mukhang totoo nga ang sinabi ni Agnes tungkol sa mga nakatira sa Penthouse na nasa kabilang klase lang.

Habang nagtuturo ang guro sa harapan ay hindi mapigilang makuha ang atensyon namin sa ingay mula sa kabilang klase. At dahil panghuling room ang klase namin sa left wing nang main building, kami ang nagigipit sa mga nasa kabila.

Nakakapagtaka lang na sa high-tech nang panahon ngayon ay hindi man lang nila magawan nang soundproof method ang bawat dingding.

Muling namuo ang tensyon sa pagitan nang lahat nang marinig na naman namin ang malalakas na kabog sa kabila na tila ba nagaaway sila. Napasinghap ang lahat nang bumakas ang crack sa pader sa harapan namin kung saan nakakabit ang white board.

"Tsk tsk tsk. Ito na nga ba ang sinasabi ko, wala sigurong araw na hindi sila nagkakabanggaan." bulong ni Agnes. Napatingin ako sa kanya, kung kanina ay wala syang kaalam alam sa mangyayari sa kanya kapag nagpatuloy syang banggain ang mean girls nayun, pero ngayon, ang dami nyang alam sa kabilang klase.

"My gosh. Sino na naman kaya ang nagaaway sa kanila?" Bulong naman ni Margaux sa kabilang tabi ko. She's one of the nerds here, but the difference? She has red device on her neck.

"Isn't it exciting? Another Glorious Episode is about to begin." sagot naman nang lalake na kaklase namin sa likuran.

Napasinghap na naman ang lahat nang tuluyang bumigay ang pader sa harapan namin at mabuti nalang ay nakaiwas agad ang guro namin. Nawasak ang buong pader at kasabay nito ang isang taong bumagsak pero muli ring tumayo at kinalaban ang taong pamilyar sakin, sya yung unang kumausap sakin na student council president. Naglaban sila nang bumagsak na lalake at hindi mabasa ang parehong mukha nila. Determinado ang lalakeng bumagsak na kalabanin ang student council president, mukhang may hindi sila pinagkakasunduan. Kahit ang mga kasamahan nila na kitang kita na namin ngayon. Ang pagkakaiba nang dalawang grupo, ay halatang halata. Nakilala ko naman agad ang lalakeng bumagsak kanina na kasama nang taga Penthouse floor 24.

Muling nagkaroon nang wasak ang silid namin nang umabot sila sa mesa nang guro. Nagsilayo naman ang mga kaklase ko na nasa harapan at nagsitayo na kami papunta sa likuran.

Nakakamangha na hindi sila nagsasalita habang naglalaban, kahit mahinang pagdaing ay hindi maririnig. Seryoso lang silang dalawa na nagaaway gamit ang mga sandata nila. Hawak nang Student Council president ang malaking sword, hindi ito isang natural na sword dahil hindi normal ang laki nito.

He manage to handle a big sword in that tiny body of his. Well, hindi naman talaga sya sobrang tiny. May pagkapayat lang sya at mas mas matangkad sakin nang ilang pulgada. And the other guy has a bulky body and a katana was his weapon.

Napatingin ako sa isa sa mga kaklase namin na nanginginig na tumakbo tungo sa pintuan pero dahil malapit lang sya sa away, pwede syang madamay. Napatingin ako sa dalawang nag-aaway. This two won't stop their grudge until they get to kill one another. Napatingin ako muli sa babae pero napahinto na ito at nakatingin sa papalapit na katana sa pwesto nya. 

Napabuntong hininga ako at mabilis na tumakbo sa pwesto nya at walang dalawang isip na hinarang ang sarili sa babae kaya imbis na sya ang mahagip nang katana, ako ang nahagip nito pero hindi ganun kalala, tanging ang tagiliran ko lang ang nasugatan, rumagasa ang dugo mula rito at rinig ko ang pagsinghap nang mga kaklase ko.

Napabuntong hininga akong muli at kinuha ang katana at pabagsak itong tinapon sa sahig katapat ng dalawang nagaaway. Napahinto silang dalawa at napatingin sakin.

"Stop before anyone could die because of your immature acts. If not, I'll make a hole on your body." salita ko at sinalubong ang tingin ng dalawa. Tumingin ako sa damit kong bakas na ang maraming dugo rito, ilang sigundo lang ay unti unti itong gumaling.

"Really new girl? Like what you did earlier? That's weak, you could only rely on your weapon." sagot nang lalakeng kalaban nang student council president. "You know, you were our topic earlier. And i don't get it why Mr.President here is covering you up," dagdag nang lalake at naglakad papalapit sakin. "What you did earlier is a violation and our dear President here just watch as you act like a teacher a while ago." dagdag nyang muli. So i was the reason huh?

I let my hands out of my pocket at napatingin naman sya roon na ngayon ay hawak ko na ang tatlong marbles.

"See? Here you are again, relying on your weapon." pangaasar nyang muli. Tumingin ako sa Presidente na wala paring emosyon na inaabangan ang gagawin kong aksyon. "Don't you have powers New Girl? Or is it just a pure healing power?" Muling salita nang lalake.

"Left foot" salita ko at tumingin sa lalake. "Broken." Dagdag ko at sumunod ang hiyaw nya at napaluhod sya sa sakit. "2 ribs. Broken." dagdag ko at muli na naman syang sumigaw sa sakit. "Arms. Broken" napahiyaw na naman sya at humandusay na sa sahig. Lumapit ako sa kanya na hindi na maipinta ang sakit na nakasulat sa mukha nya.

"You see. I don't usually rely on my weapons. Weapons are just our third choice, the first choice is always our LIFE, the second is our powers. Remember that," salita ko. Tumayo ako at tumingin sa Presidente. "If you keep destroying things and making someone's life in danger, I'll make sure to give it all back to you. Twofold." Salita kong muli. Hindi iyun para lang sa Presidente kundi para rin sa lahat.

Tumingin ako sa lalakeng namimilipit at putlang putla na. Unti unti syang kumalma kasabay nang pagpapagaling ko sa katawan nya. Bumalik na ito sa dati pero nawalan parin nang malay.

Namayani ang katahimikan nang ilang minuto bago may mga kasamahan ang lalake na kumuha sa katawan nya. I just watch them live the room while some of my classmates went out to breathe fresh air. The room can't be used because of the damage, kaya ang guro namin na naputol ang pagtuturo ay lumabas na muna para magtawag nang school maintenance.

"S-salamat Zoe." napatingin ako sa kaklase ko na nasa likuran ko kanina, yung nerd na tinulungan ko. Tumango ako at ngumiti. Nagmadali naman syang lumabas na ng klase at nilapitan naman ako ni Agnes.

"Should i ask?" Tanong nya. Ngumisi ako sa kanya at napailing.

"Mamaya na, may gagawin pa ako." sagot ko at naglakad sa may desk kung saan bakas ang alikabok at ang sira sirang pader, kitang kita rin ang kakaibang tingin na pinupukol nang mga kagrupo nang dalawang lalake na nagaaway. And oh by the way, nandito parin ang presidente at parang estatwa na nakatingin sakin.

I let out a big sigh. And then let out a vines from the trees outside the window and then use it to lift up the broken cement and put it back to where it belongs. Nang matapos ay pinaglaho ko na ang vines, maliit nalang ang mga butas sa pader dahil may ilang semento ang nadurog kaya gumagamit ako nang kaunting mahika, naging parang bago ang pader at ginawa ko itong sound proof at kasing tibay nang aluminum.

"You don't have to fix that." medyo nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko kaya napatingin ako roon at nakita ang presidente na nakatingin sa pader.

"Why? So you can just repair it using your money?" Tanong ko. Bumuntong hininga ako at pinawalang bisa na ang kapangyarihan ko. "Money can't slay a monster, Mr.President" dagdag ko at tumalikod, only to face Agnes not far away from me who's looking at me intently, i look at Mr.President who's facing the wall. He look at me then,

"And every one has their own purpose of existing." salita nya at tinalikuran ako saka lumabas nang silid at tuluyang naglaho.

Right. Everyone has their own purpose. Speaking of which, i know exactly what he's purpose.

"Hoy babae." napatingin ako sa biglang sumiko sakin at nakita si Agnes na nasa tabi ko na pala. "What you did is intense. Hindi ko alam na ganyan ka pala ka cool at pano mo nagagawang maging kalmado sa harap nang taga Penthouse? Lalo na ang Student Council President? Gosh. Binalik mo rin sa dati ang pader natin at tingin ko pinatibay mo ito." hindi makapaniwalang daldal nya sakin at nilibot paa ng tingin sa pader. Bumuntong hininga ako.

Prim_rose7

Life: Ananke's Daughter✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon