LIFE: His Appearance

407 13 0
                                    

Zoe's POV

"Where have you been?" Bungad sakin ni Agnes ng makita nya akong papasok sa kwarto namin. Nakatingin sya sakin ng may suspetsa kaya bumuntong hininga ako.

"Galing ako sa baba." sagot ko at nagtungo sa kabinet ko at kumuha ng damit. Hindi ko na hinintay si Agnes na magtanong pa at pumasok na sa banyo para maligo at magbihis.

We went down together. As usual, kumain muna kami sa Hall at saka kami  naglakad lakad muna bago magtungo sa unang klase namin.

Pero hindi pa kami nakakaabot sa pintuan ay hinarang kami ng dalawang taga student council, sina Paul at Sonny.  They are both wearing serious face, making their badge look brighter and shout for authority.

"Miss Zoe?" Tawag ni Paul at hinawakan ako sa braso. Napalayo naman si Agnes sa gulat. "You are being taken into interrogation in the case of Ms.Willow of 24th floor penthouse." dagdag nya at hinawakan naman ako ni Sonny sa kabilang braso.

"What? Anong interogasyon? Wala namang kinalaman si Zoe sa nangyari kay Willow ah?!" Agad humarang si Agnes ng akmang dadalhin na nila ako. Tumingin si Sonny kay Agnes.

"Ikaw higit sa lahat ang may alam sa pinaggagawa ng kasama mo sa dorm Ms.Agnes, dapat ay isinumbong mo na sya kahapon bago ko pa malaman na may kahinahinala sa kasama mo." salita ni Sonny, napamaang naman si Agnes habang ako ay napangiti, kung ang tinutukoy nya ay ang hindi ako natutulog at lagi akong nakatambay sa Balkonahe, mukhang kahinahinala nga yun.

"Don't worry Miss Agnes, one of us will take you to the Headquarters for witness statements. For now, we will have to interrogate Miss Zoe and put her in the detention center." Salita ni Paul at hinila na nila ako ni Sonny palabas ng building. Headquarters.

Detention center. I haven't heard of that places while i am here, but looks like, it's another place where sinners goes.

Pagkalabas namin sa building, nagtungo kami sa gilid at ipinasok nila ako sa hindi kalakihang building. Looks like a shop kung tutuusin. Ito pala ang headquarters ng Student council.

Nasa ibaba naman ang detention center, kung baga, underground detention center. Habang sa hindi kalakihang building na ito dinadala ang mga taong dapat kwestyunin na maaaring may ginawang masama sa eskwelahan man o sa kapwa estudyante.

May isang estudyante naman na tingin ko ay taga 24th floor ay nakaupo sa desk at may sinulat ng makita kami. Tumango lang sya kina Paul at Sonny kaya pinasok na ako nila Paul sa isa sa nga pintuan rito.

Nadatnan ko naman ang student council na nakaupo sa nakapaikot na mesa except kay Shaina at Kyle, nakita ko naman si Rafaela at Vasilis na taimtim na naguusap. Nang makita nila ako ay wala akong makitang emosyon sa mukha nila, lalo na sya.

Napaismid ako ng paupuin ako ni Paul sa nagiisang upuan sa gitna ng nakapalibot na mesa. Bumuntong hininga ako.

"Miss Zoe, daughter of Demeter. We would like you to tell the truth and nothing but the truth." salita ni Elene na syang tumayo at naglakad sa harapan ko.

"Sure." Sagot ko. Tumango sya at tumingin sakin, mukhang nagdadalawang isip sya sakin. Nandoon parin ang matapang nyang mukha pero kita ko sa mga mata nyang ayaw nya sa sitwasyong ito.

"Where are you yesterday at exactly 8:13 pm?" Tanong nya habang nasa harapan ko at nagaabang ng isasagot ko.

"Nasa kwarto." sagot ko. Tumango sya.

"Hindi ka kumain ng hapunan tama?" Tanong nya. Tumango naman ako. "Sino ang kasama mo sa kwarto?" Tanong nya ulit.

"Si Agnes." sagot ko.

"Hindi ka umalis sa kwarto?" Tanong nya. Umiling naman ako. Tumango sya at umupo na pabalik sa pwesto nya. Tumayo naman si Sonny at syang lumapit sakin sa harapan.

"Hindi ka nga umalis. Pero nasa balkonahe ka nung mga oras na yun tama?" Tanong ni Sonny. If i was right, he is the son of Apollo, he might have seen a glimpse of me yesterday. A small fragments of fortune.

"Yes." Sagot ko. There's no point of lying, he is the son of Apollo, know for being honest too. He can sense if i am lying.

"Sino kasama mo?" Tanong nya. Napangisi ako. Hindi nya pala nakita yun? See? He just saw a fragment. Tumingin ako kay Vasilis.

"I am with him." sagot ko at sumenyas kay Vasilis. Tumingin naman sila sa prenting nakaupo na Presidente nila. Bumalik ang tingin sakin ni Sonny at tinitimbang nya ang mga salitang binibitawan ko.

"Kilala mo ba si Willow?" Tanong nya.

"Hindi." sagot ko. Tumango sya at bumuntong hininga, mukha syang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"May makakapagsabi ba na kasama mo si Vasilis nung gabing yun?" Tanong ni Art. Napaisip naman ako. Agnes was sleep that night. And this guy, Vasilis isn't saying a word.

Bumukas bigla ang pintuan sa likuran ko at may nagsalita.

"I am." Salita nito. And by that deep voice and soothing perfume. Kilala ko na ito.

"Mr.Cedric? You shouldn't be here. This is a private room for interrogation." salita ni Art at hinarang si Cedric.

"I am here to prove her innocence. I saw them in the balcony before the alarm. Nagusap lang sila hanggang sa tumunog ang alarm at umalis si Vasilis, bumalik naman si Zoe sa loob ng kwarto niya." salita ni Cedric.

"We will take your statements later Mr.Cedric, you should wait outside." muling sita ni Art kay Cedric. Tumango naman ito at umalis na sa silid.

"That means. This interrogation is put on hold. Ms.Zoe, you will be staying at the detention center for now while we will get your witness's statements." salita ni Rafaela at tumayo na sila. Tumayo narin ako at hinawakan naman ako ni Art para dalhin sa Detention center. Nakita ko naman si Cedric na nakaupo sa waiting area. Lumapit sya samin ng makita kami ni Art na lumabas ng pinto.

"Don't worry, I'll get you out in an hour." salita nya habang nakatuon sakin. Ngumiti ako at tumango, well, nothing's to worry about, i didn't do anything bad.

Hinila na ako ni Art pababa sa hagdan at nakahilerang pintuan ang nadatnan ko. Lumagpas kami sa dalawang pinto at ipinasok nya ako sa ikatlo. Tumingin ako sa kabuuan ng maliit na silid, para rin itong kwarto na maliit, may higaan at unan, malinis rin at may maliit na banyo. Perfect for an hour to stay.

Ang kaibahan lang sa Detention center na ito ay ang magaan nitong presensya, imbis na nakakatakot na mga kwarto ang maramdaman mo, ay ang napakakomportableng kwarto at parang nasa bahay ka lang.

Naupo ako sa higaan matapos isara ni Art ang pintuan. I just need an hour to stay here huh. I believe in Cedric, pano pa't naging presidente sya ng Academy na 'to. His not just a simple student.

It was only a half minutes when the door open. Tumingin ako sa taong pumasok. Kalmado lang sya habang nakapamulsa.

"Are you okay?" Tanong nya at sinara ang pinto. Tumango ako, as expected, he came in just 30 minutes. This guy is really something.

"Yeah," Sagot ko habang nakatingala sa kanya. Hindi ko mabasa ang iniisip nya, and that's what I am curious about. I know everyone, i watch them grow. I watch Everyone of them bloom, but in his case, "I can't read your path, why is that?" Tanong ko. He's like a puzzle with missing pieces.

Ngumiti ako habang nakatingala sa kanya, he was shining. The lights in his white skin, his perfume in the whole room, and the feeling that i was the only one. The feeling that there's only us, left the feeling of forgetting where i was and what i am supposed to do.

The thoughts makes me anxious.

Prim_rose7

Life: Ananke's Daughter✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon