LIFE: Doom's Thoughts

476 18 0
                                    

Zoe's POV

Napuno nang daing at reklamo ang buong training quarter matapos ang 30 Minutes. Parang biglang nabuhusan nang malamig na tubig ang lahat at napagtanto nila kung anong ginawa nila.

Kaya ngayon, puro sugat at pasa ang lahat, at dahil may healers kami, sila na ang unti unting gumamot sa mga kasamahan namin, kasama na ako. Pero dahil marami rin akong pasa at tinatamad akong tumayo, nakaupo lang ako sa gilid kasama si Agnes at Cedric. Matapos kong gamutin ang sarili ay ginamot ko narin sila.

Napabaling naman ako para hanapin ang taong nakalaban ko, hindi naman ako nabigo dahil kasama nito si Rafaela hindi kalayuan samin. Hindi parin sya nagagamot sa mga pasa nya, bumuntong hininga ako at tumayo saka lumapit sa pwesto nila ni Rafaela.

Napatingin naman sakin ang dalawa nang tumapat ako sa kanila. Ngumiti ako at tumingin kay Vasilis.

"Did i punch you hard?" Tanong ko at hinawakan ang braso nyang dumudugo, siguro ay dahil yun sa pagtama nya sa isa sa mga bubog. Pinagaling ko na ito kasama na ang mga ibang sugat nya. Walang imik naman sya hanggang matapos ako, bumaling ako kay Rafaela at ginamot narin sya.

"Hindi ko alam na marunong kang sumuntok," salita ni Rafaela. "You know, you always say about the importance of Life and it's value." dagdag nya nang hindi ako sumagot. Tumango tango ako at bumitaw na sa kanya nang magamot ko sya.

"Sometimes, you also have to fight if you have something to protect," sagot ko at tumayo na saka tumingin kay Vasilis. "And to have fun." dagdag ko at tumalikod na para magtungo pabalik kina Agnes at Cedric.

"Our class is over. Wait for your next instructor." anunsyo ni Ms.Hanabi at lumabas na nang Training Quarter.

"What? Dalawang klase nating kasama ang mga iyan?" Ang naging tanong ni Agnes nang mawala na si Ms.Hanabi, napasandal nalang ako sa pader. Kanina ko pa napapansin ang mga matang nakatingin sakin, kasama na yung nakalaban ko na taga 24th floor. Mukhang hindi pa nila ako nakakalimutan.

Ilang minuto lang kaming nagpahinga, may pumasok na naman na lalakeng guro.

"Hello! I guess you had a lot of fun with your last subject. Now, let's have fun in my class too," panimula nang guro. Tumingin sya samin. "I am Hikaru son of Kratos. Your Enhancement development master." pakilala nya at kaunting yumuko bago umayos nang tayo.

"Round up! Now! And i will explain to you our class." utos nya at pumalakpak pa. Sumunod naman kami at nagkaisa sa gitna nang silid.

*********

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, ganun narin si Agnes na pagod na pagod mula sa huling klase namin. Enhancement Development, ito ang class namin kung saan pag-aaralan namin nang husto ang kapangyarihan na meron kami.

Tumingin ako kay Agnes at nakapikit na ito sa pagod. Mukhang tulog na tulog na sya. Wala pa kaming kain, pero wala namang sinabi na bawal hindi kumain kaya plano siguro ni Agnes na tumakas muna sa dinner ngayon.

Tumayo ako sa kama at nagtungo sa banyo para maligo at magbihis. Matapos ay tumapat ako sa salamin saka tinignan ang tuwid na mukha ko.

Napapikit ako sa kakaibang nararamdaman ko, may rumerehistro sa isipan ko na imahe na hindi ko mapigilang kagatin ang labi ko. Bumuntong hininga ako, at saka dumilat, nakita kong may umaagos nang dugo mula sa ilong ko. Napaubo ako nang sunod sunod at napasuka ako nang dugo.

Nang mawala na ang nararamdaman ko, naghilamos na ako para matanggal ang lahat nang bakas nang dugo. Ayukong makita ako ni Agnes na ganito.

Lumabas na ako nang kwarto at nagtungo sa veranda. Sinara ko na ang pinto at humawak ako sa railings. Pinanood kong bumaba ang araw at pumalit ang buwan. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa walang katapusang tanawin.

It's already 7 pm, siguradong nasa Hall na ang lahat nang estudyante. Mukhang wala rin talagang plano si Agnes na gumising para sa Dinner. I watch everything as my plants keep breathing to grow.

Umupo ako sa railings habang nakatingin sa kadiliman. Things hasn't change. Everything's the same as time goes by. What should i do?

'Watch until one of a million will bloom on it's own.' naalala ko na naman ang sinabi niya. A moment of silence merge in my place until i felt his presence.

"What are you planning?" tanong ko at tumingin kay Vasilis na nakaupo sa railings katabi ko. He just went down and sit beside me. Hindi ko alam kung kumain na ba ito o hindi.

"What were you doing?" tanong nya habang nakatingin sa madilim na paligid. Tumingin naman ako sa harapan.

"Watching." sagot ko. Namayani na naman ang katahimikan samin.

"So you can give Life?" Tanong nya.

"Sort of." sagot ko.

"Who are you?" Tanong nya. This time, his question wants confirmation.

"Her creation to be the source of everything that has Life. Ananke's Daughter." sagot ko.

"So you are connected to everyone," salita nya. Tumango ako kahit hindi nya nakikita. "May epekto sayo kung may masira o mamatay sa mga may buhay." Dagdag nya.

"I was asking about your plan. Not your thoughts about me." salita ko at mahinang tumawa.

"I don't have plans." deretso nyang sagot. Mangha akong tumingin sa kanya.

"You? The Student Council President? Has no plan on saving his people?" Mangha kong sagot at tumingin sa kanya. "I doubt that. As far as i know, people like you think rational and make plans on your own." Dagdag ko.

"You know people well." Komento nya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng may imaheng sumulpot sa isipan ko. Namutla ako at napakagat labi, tumingin ako sa mga mata nya. Tumingin sya sakin pabalik. The same intimacy. "Why are you looking at me like you're..." Tanong nya. Ngumiti ako nang mapait at bumakas ang pag-aalala sa mga mata ko. "You're...in pain" salita nya gamit ang napakalamig nyang boses, hindi na nya nakayanan dahil sa katahimikan ko. Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga.

And just like that he immediately change his expression.

Biglang tumunog ang maingay na emergency alarm kaya napatingin ako sa kanya.

"This is bound to happen." salita ko. Nagtataka parin sya pero bigla nalang syang nawala sa balkonahe, mukhang umakyat na sya pabalik sa kwarto nya.

Nakita ko namang nagising si Agnes, tumingin sya sakin nang nagtataka. Muli kong binalingan ang pwesto ni Vasilis kanina.

'Do i?'

Pumasok na ako sa kwarto at doon lang naka-react si Agnes. 

"What the--- ano na naman ngayon? Sunog ba?" Nataranta si Agnes at nagmadaling kumuha ng jacket. Hinila nya ako palabas at nakitang nataranta rin ang ibang estudyante sa floor namin.

Papasok na sana kami sa elevator ng may dumating na guro.

"Stay in your room! Stay in your room Students! We will handle the situation and let you know tomorrow!" Sigaw ng babaeng guro at sya ang magisang sumakay sa elevator. Nagsitalikod kami at hinila ko na si Agnes sa kwarto na gusto pa atang sumunod sa guro kahit na nagbigay na ito ng utos.

"Something bad just happened right?" Tanong nya at naupo sa kama nya. Naupo narin ako sa higaan ko.

"I don't know? Maybe someone just died?" Patanong kong sagot, giving her hint of what just happened. Why Vasilis hurried in his room.

Humilata naman si Agnes.

"Ano bang nangyayari ngayon? Bakit ngayon lang to?" Bulong nya at maya maay lang narinig ko ang paghilik nya. Napangiti ako.

Dahil ngayon ang simula ng lahat.

Prim_rose7

Life: Ananke's Daughter✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon