Zoe's POV
Natapos na ang pangkaraniwang araw nang mga estudyante at dahil si Agnes lang ang kilala ko, kami parin ang magkasama hanggang ngayon, mukhang hindi rin naman nya ako kayang lubayan sa kuryosidad nya sa katawan.
Lunch time ay natural na nagtungo kami sa Hall para kumain na naman. Pagpasok ko palang sa Hall mas marami na ang estudyante ngayon dahil medyo matagal kaming binitawan nang huling guro namin.
"Haayy ito na nga ba sinasabi ko." Bulong ni Agnes habang naghahanap kami nang mauupuan. "There!" Napatingin ako sa tinuro nya at sumunod naman ako sa kanya, katabi na naman ito nang mga mahahabang mesa na ngayon ay okupado na nang taga-penthouse.
Naramdaman kong tumingin ang iba samin nang maupo kami sa mesang nahanap namin. Si Agnes naman ay walang pakialaman lang, syempre nakatalikod sya sa kanila habang ako ay nakaharap sa mga taong nasa kabilang mesa. Not to mention, nasa gitna lang nila kami. This wasn't the spot we got earlier, but this is much more perfect spot.
"Zoe, hindi mo ba talaga sasabihin sakin?" Napabaling ako kay Agnes nang magsalita ito nang may pagkaseryoso. Nakatingin lamang sya sa pagkain nya at ginalaw galaw ito. Tumingin sya sakin, "About what you did earlier, you know it's not something that a daughter of Demeter could do? It's scary." Dagdag nya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa pagkain ko.
"It's okay if you can't tell me right now." Napaangat ako nang tingin sa kanya. Ngumiti sya, "You remind me of someone. Someone i know. Gaya mo parang tagapagtanggol rin sya nang klase natin, tapos nagbibigay sya nang advice." dagdag nya. Napahinto sya sa pagsasalita nya nang may naglapag nang pagkain sa mesa namin at umupo sa gilid namin ni Agnes.
"Hi!" Bati nang lalake at inayos ang salamin nya at sumilay ang ngiti sa labi nya.
"Speaking of the devil." bulong ni Agnes, or not. "Kailan ka pa dumating?" Maanghang na tanong ni Agnes sa lalake. Bumaling sa kanya ang lalake at nginisihan ang babae.
"I miss you too Agnes. Ngayon lang at may bago ka na palang kaibigan." sagot nang lalake na may halong pang-aasar. Bumaling sya sakin. "Hi! I'm Cedric, son of Nyx. You are?" Pakilala nya at inabot ang kamay. Tinanggap ko naman ito.
"I'm Zoe, daughter of Demeter." pakilala ko. Tumango sya at nagbitaw na kami nang kamay.
"Bago ka lang ba?" Tanong nya at nagsimula nang kumain. Tumango ako.
"Roommate kami ni Agnes, ikaw?" pahayag ko. Tumango tango sya.
"Kaibigan nya ako since first day, may mission ako kaya wala ako nitong mga nakaraang araw." sagot nya. Tumango ako. So he must be that 'someone' that Agnes is talking about. Someone who actually acts like me. No wonder, Nyx is a very powerful goddess among the olympians and titans. Cedric is a big fish to catch eh? Napatingin ako sa leeg nya..blue. So he has the full control over his powers huh.
"Mukhang napapaligiran na ako nang weirdo ngayon." bulong ni Agnes na mukhang pinariringgan din naman kami.
"Weirdo? So matalino rin pala si Zoe?" Sarkastikong banat ni Cedric. Kumunot ang noo ni Agnes.
"Sinasabi mo bang hindi ako matalino ha? Gabi?" Sagot ni Agnes at inasar pa ito.
"Wala akong sinasabi. Umaga." sagot ni Cedric pero nakangisi ito. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Umaga, gabi. So that's their secret nicknames to each other huh?
"See? He never wins when we argue Zoe." sabi ni Agnes sakin na may victory smile.
"But i always wins in academic and performance task." banat naman ni Cedric. Inirapan sya ni Agnes at kumain na sila nang tuluyan.
BINABASA MO ANG
Life: Ananke's Daughter✓
FantasyA story about a woman who holds the biggest responsibility, LIFE. "We just wanted to love, but we were unable to just love. That's our tragedy." Together, they will face a bloodless battle. #1 in doom from Aug 28, 2021 #1 in Titan from Jan 9, 2023 C...