Zoe's POV
I look at the wall clock of our room. 12 am. Napadako ang tingin ko kay Agnes na mahimbing ang tulog sa higaan nya. Madilim ang buong kwarto at tanging lampshade lang ang nagbibigay ilaw sa silid. It's been a week since that day happened. Rica and the other penthouse owners was keeping away from me. The student council is still living on the shadow except their president who's always been recognized.
Tumalikod ako at hinarap ang balkonahe. Nalaman ko nang araw na hinamon ako na may oportunidad silang kagaya nang nangyari sakin, oportunidad na mas tumaas pa kesa sa humamon. Oportunidad na ilabas ang galit sa isang tao sa legal na pamamaraan.
Ang laro na nangyari sakin ay halimbawa nang oportunidad na sinasabi nila, kailangan rin may kapalit bago magsimula ang laro, at naka depende sa challenger kung anong klaseng laro ang lalaruin. At para gawing mabisa ang laro, kailangan nang tagahatol, halimbawa ang presidente nang student council, sabi nila ay kahit sino sa student council pwedeng maging tagahatol. At dahil legal itong pamamaraan at oportunidad, pwede kang pumatay sa larong iyun. Sagot na nang eskwelahan ang gastos sa libingan o tubos na ibibigay sa pamilya nang namatay. Ito ang isa sa pamamaraan nang eskwelahan sa pagtakbo at pagkontrol nila sa mga estudyante. Buhay at kinabukasan.
Tamang tama ang terminong ito dahil eskwelahan ang pinasukan nila. Kung saan lahat nang oportunidad meron at kung saan mas mayaman ka sa kaalaman.
Humawak ako sa railings nang balkonahe at tumalon mula rito. Mabilis ang pagbulusok ko pababa at ang marahas na hangin ang s'yang nagpaangat nang buhok ko at paggusot nang itim kong damit. Nang malapit na ako sa isa sa mga puno, tahimik akong nag landing roon at lumipat sa kabilang puno nang walang ginagawang tunog.
Madilim ang kagubatan bukod sa mga magkakalayong light post na tinayo nang admin sa gitna nang gubat. Malayong malayo ang gap nila kaya marami ang parte sa gubat ang madilim kasama na roon ang parteng kinatatayuan ko. Naningkit ang mga mata ko nang muli kong mapansin ang mabilis na anino nang isang tao na tumatalon mula sa mga puno na madilim.
Mabilis akong tumakbo sa direksyon nito gamit ang mga puno at walang tunog na ginagawa ang bawat tapak ko sa sanga nito.
Napahinto ako at tumingin muli kung nasaan kanina nagtago ang itim na pigura. Muli sana akong tatakbo pero may humila sakin sa may light post.
"What are you doing in the middle of the night?"
Tanong nang humila sakin. Ang Presidente nang student council. Tumingin ako sa direksyon nang pigura kanina pero wala na akong maramdaman na presensya roon kaya bumuntong hininga ako at winaksi ang kamay nya sa braso ko.
"I am chasing someone. You?" Sagot ko. Hindi ako nilubayan nang mga mata nya at nakapamulsa lamang.
"I saw figures. And i think it was you," sagot nya at tumalikod. Tumingin sya sa direksyon na tinignan ko kanina saka binalik sakin ang tingin. "Or not." dugtong nya.
"We should go back before---" napahinto ako sa sinasabi ko nang bumigat ang paghinga ko at hindi makahinga.
Nakita kong lumapit sakin ang Presidente at niyugyug ako pero tila nawala ang pandinig ko at napasuka ako nang dugo. A part of the school flash inside my head.
"F-fire." nanginginig kong salita.
A minute later, i heard a siren and shouts. Napalingon ako sa direksyon ng nakita ko at nakita ang malakas na ilaw mula roon. Pareho kaming napatingin roon. Napapikit ako at kinalma ang sarili. Pinahid ko ang dugo mula sa bibig ko at inayos ang sarili.
Bumalik na ang linaw nang mga mata ko at bumalik na ang pandinig ko, pero mabigat parin ang bawat paghinga ko at hindi mabilang ang ilang beses kong pagbuntong hininga. Dahan dahan akong naglakad palabas nang gubat. Alam kong nakasunod sakin ang presidente dahil nararamdaman ko parin ang presensya nya.
BINABASA MO ANG
Life: Ananke's Daughter✓
FantasyA story about a woman who holds the biggest responsibility, LIFE. "We just wanted to love, but we were unable to just love. That's our tragedy." Together, they will face a bloodless battle. #1 in doom from Aug 28, 2021 #1 in Titan from Jan 9, 2023 C...