LIFE: Art is Awake

405 13 0
                                    

Zoe's POV

Usap-usapan na sa buong school ang pagbabalik ng SC President at halos mag bunyi naman ang mga tagahanga nya.

Habang si Art ay nanatiling nakacomatose sa ospital. Binibisita namin sya minsan ni Agnes pero mostly, so Cedric ang nagbabantay sa kanya kung sakaling may mangyari sa kanya.

2 days na ang dumaan at mukhang bumalik na sa dati ang lahat. Ngayon ay ikalawang araw na ng Olympics kaya naghahanda na naman kami ni Agnes para sa sinasalihan naming laro.

"Oh Warm up na! Warm up!" salita samin ng coach namin sa Volleyball. Yess, ginaya namin ang laro ng mga mortal except sa hunting sa huling araw ng festival.

"Zoe! Agnes! Oh kain muna kayo, para may lakas kayo." biglang dumating si Cedric at binigyan kami ng pagkain at inumin na dala dala nya.

"Supportive friend?" natatawang komento ni Agnes pero tinanggap narin naman namin ang pagkain saka kumain at uminom na.

"Kailang nyo rin ng lakas no, lalo na at ang taga-penthouse ang kalaban nyo." sagot ni Cedric. Tumango naman ako dahil tama naman sya, this is a battle between life and death actually haha.

Matapos kaming mag warm up ni Agnes--actually, not. Kasi kumain lang kami. Ay nagtungo na kami sa court ng Volleyball.

Gaya ng turo ng coach samin, pumwesto na kami sa dapat na lugar namin. Kaharap naman namin sina Elene, Shaina at Rafaela at ang iba pang selected representative nila dahil kaunti lang ang babae sa Penthouse.

Ako ang nasa gitna habang si Agnes ang nasa kanan ko at sa kaliwa naman si Navia. Sa likuran ko ay ang dalawa pa naming kaklase at si Rica bilang unang magserve.

Nang pumito ang referee ay agad nagbigay ng malakas na serve si Rica at nakuha naman ito ng kabila, nakuha ito ng nasa likuran ko at tinanguan naman nya ako kaya nang halos abot na nito ang net ay sya ring pagtalon ko at pagspike ng bola.

Nakuha ito ni Rafael at binalik samin kaya sinalo ulit ng nasa likuran ko at sinalo na naman ng kabila. Binalik nila at binalik ko na naman. Ganun ang eksena namin at halos magsigawan na ang mga manunuod sa init ng laban namin na walang gustong magpatalo.

Hanggang sa kami ang unang nagkamali ng pagsalo.

"OKAY LANG YAN! BAWI BAWI!"

Rinig ko ang malakas na sigaw ni Cedric at naiiling nalang kami ni Agnes.

Muling nagsimula ang laro at panay ang pagsalo at pagbalik namin sa bola. Kung lalabas man ito ay agad na kinukuha nila Agnes at Navia. Kaya nga namin sila nilagay sa bawat gilid dahil magaling sila sa pagsave ng bola.

While i do the spike and Rica will be a good server.

The game was intense and the score went tie. Kanya kanyang cheer na ang mga kaklase namin. At nakaabot na sakin ang pagserve ng bola.

Nang magbigay hudyat na ang referee ay sya ring pagserve ko ng malakas at pagsalo naman ng kasama ko saka nila binalik na naman samin at binalik na naman namin.

One serve nalang at panalo na ang kung sino man sa amin sa First round. Nagdiwang ang mga kaklase ko ng hindi nakuha ng kabila ang bola.

Naghighfive naman kami ni Agnes at napatawa nalang. First round palang ito at wala pa'ng guarantee na kami na talaga ang panalo pero para ng baliw si Cedric na nanood samin.

The second round started again with Agnes being the server. As usual, wala na naman nagpapatalo sa magkabilang panig.

Hanggang sa nagawa na naming makascore. Pero nagiba naman ng strategy ang kabilang panig at unti unti silang nakakabawi hanggang sa isa nalang ang kulang at sila na naman ang nakapuntos.

Life: Ananke's Daughter✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon