LIFE: Physical combat training

533 18 0
                                    

Zoe's POV

Isang araw na naman ang dumating. I am with Agnes and Cedric again, pumasok sa klase at pumunta nang Hall. Dahil mahigpit na ang pagbabantay nang mga student body, wala nang tumatambay sa kung saan saan.

"Don't worry Agnes, mawawala rin naman ito agad. Masisiguro kong babalik din sa dati ang lahat." salita ni Cedric habang naglalakad kami pabalik sa klase namin.

"I know. Tsk.. Nakakasira nang araw yung, umagang umaga palang, may nambugaw na sayo. Ayysst." frustrated na sagot ni Agnes. Napangiti nalang ako, napatingin ako sa kaliwa nang mapadaan kami sa pintuan nang silid nang student council at ibang taga Penthouse.

Tahimik sila ngayon sa loob at may mga nawawalang Student council, siguro ay dahil may shift sila sa pagbabantay sa buong eskwelahan. At ang iba naman ay mananatili sa klase nila para gampanan ang pagiging estudyante.

Sa kaunting panahon na dumaan kami sa pintuan na yun, nagkatagpo ang mga mata namin ni Vasilis, nasa front row sya, nakaupo, he looks like he want to tell me something. Nakapag-isip na ba sya sa sinabi ko? He looks like one. Bumitaw lang ako ng tingin nang lumagpas na kami at pumasok sa silid namin.

Nagsimula na ang klase at natapos rin agad. Ganun lang ang eksena sa buong araw, mabuti na rin yun kesa may mangyaring hindi maganda, kung wala naman ang guro o hindi pa oras nang susunod na klase, natural na naguusap kami nang mga kaklase namin o di kaya ay naguusap kami nina Agnes at Cedric sa mga bagay bagay. Paulit ulit lang ang ginagawa namin araw-araw.

Ngayon naman papunta kami sa Training Quarter kung saan magaganap ang Physical combat training namin, ngayon lang magsisimula ang dalawang subject na magkakasunod dahil sa Defense System. Yes, magkakasunod ang dalawang klase sa hapon at yun na ang magiging huling klase namin. Una ay Physical combat training and then Enhancing Development.

"This will be exhausting." komento ni Agnes bago tuluyang pumasok sa Training Quarter. Parte ito nang building namin na nasa pinakadulo.

Nang pumasok ako, nakita ko ang gulat na reaksyon nang ilan sa mga kaklase ko, ganun rin si Agnes at hindi ko naman mabasa ang naging reaksyon ni Cedric sa tinitingnan nila. Sumingit naman ako sa dalawa para makita ko kung ano ang tinitingnan nila at doon ko napagtanto kung ano ang kagulat-gulat.

"Hindi ko alam na may joint class tayo." bulong ni Cedric na nasa kanan ko. Napamulsa ako at tinignang maigi ang mga taga Penthouse, as in silang lahat kasama na ang Student council.

"So this is our end, huh?" Rinig kong bulong ni Agnes. Napangisi ako. Joint class with the strongest Students in this school huh?

"They think we are prey, ready to be serve to the beasts." salita ko. Nakita ko naman ang takot sa mukha nang kaklase ko na nakarinig sakin.

Kami na walang alam sa nangyayari, ang kabila naman ay mukhang inaasahan na ang pagtatagpong ito.

"Students! Listen up!"

May sumigaw na tao mula sa pintuan habang papasok, isang babaeng nasa mid-20's na at mukhang sya ang magiging guro namin. Nagsiayos naman ang kabila habang ang mga kaklase ko ay kinakabahan parin. Tumayo naman ang guro namin sa pinakagitna nang malaking espasyo nang training quarter.

"I am Hanabi, the first child of Enyo, your training master. Today, we will have a joint class. Reason? It's for you to find out. Just remember my golden rule, POWERS are not allowed in here unless i gave you permission," Pakilala nang guro, tumingin sya saming lahat. "Now, i want all of you to sit here, so we can start our class." utos nya at tinuro ang malaking espasyo pa nang silid. Nagkatinginan naman ang mga kaklase ko habang ang kabila naman ay nauna nang umupo sa tinuro ni Ms.Hanabi.

Life: Ananke's Daughter✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon