LIFE: Consequences

357 18 0
                                    

Zoe's POV

It's been a week and the event ended smoothly. Back to normal narin ang lahat, habang sila Maximo ay isa ng official students sa eskwelahan na ito.

"Are you okay?" naging tanong ni Agnes oras na lumabas ako ng CR. "Mukhang lalo ka nang nanghihina. Pumunta na kaya tayo ng ospital?" dagdag nya.

"No need. Hindi pa naman ako mamamatay." sagot ko at saka hinila na sya palabas ng kwarto.

Mukhang wala na sila Maximo dito sa silid dahil sobrang tahimik na ng unit, marami kasing pinapagawa ang council sa kanila.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng makakain. Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda para umagahan ng maramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko. Kaunti kong nilingon si Samara na kumukuha ng pagkain sa ref bago ko binalik sa ginagawa ko ang atensyon ko.

"Hindi ko naman siguro dapat banggitin na 'no?" tanong bigla ni Samara. Pinakiramdaman ko kung may iba ba syang tinatanong pero agad ko ring napagtanto na ako ang kinakausap nya.

"Alin?" tanong ko. Hindi ko malaman kung ano ba ibig nya'ng sabihin.

"Of what's going on to your body." sagot nya. Parang nanigas naman ako sa kinatatayuan ko bago ako bumuntong hininga at kinalma ang sarili saka muling tinapos na ang ginagawa.

Hinarap ko sya dala ang pagkain ko saka ako naupo sa harap nya. Nanatili akong tahimik dahil wala akong maisip na isasagot.

She's partly right.

"I know what's going on to you, since I can see everyone's feelings, energy and mentality." anya ni Samara. Nakatingin sya sakin na puno ng simpantya, sinusukat nya ang sinasabi nya para hindi ako masaktan.

"Tama ka ng hinala. At hindi mo na kailangan pa'ng sabihin dahil walang dapat na makakaalam, Samara." sagot ko. Nakita ko ang pagkalungkot sa mga mata nya para sakin.

"Ngunit dinala mo kami rito, hindi ka namin pwedeng pabayaan. Kargo mo narin kami." sagot nya. Alam ko'ng nagaalala lang sya sakin, ramdam ko 'yun.

"I know." simpleng sagot ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain habang naguusap parin.

"You should tell him." salita nya dahilan para mawala ang katahimikan sa pagitan namin. "If you want him to stop, try to convince him, he might choose you." dagdag nya.

It hit me. I'm still doubting.

"But he might not." bulong ko. What if he will not choose me?

"Love is the most powerful thing in the world, Zoe. You should not doubt it." sagot nya sa bulong ko. Muli na naman akong napipi sa sinabi nya.

Kay gandang pakinggan mula sa anak ni Aphrodite. Mukhang dapat kong seryosohin ang sanabi nya.

★★★

"Zoe." tawag sakin ni Agnes. Mabigat ang hininga ko ng tingnan ko sya, nasa klase na kami kasama ang lahat ng taga penthouse.

May bahid ng pagaalala sa mukha nya kaya nabahala ako.

"Your nose, it's bleeding." salita nya at inabutan nya naman ako ng panyo. Napakurap ako sa pagkabigla pero agad rin tinanggap bigay nya saka ko tinakpan at pinahiran ang ilong ko.

Life: Ananke's Daughter✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon