Chapter 2
Pero dahil isa akong dakilang martyr, keri langs! Asa pa din.
"Ang tamlay mo, Rina ah." Puna ni Kyla.
"Narealize ko lang na ang tanga ko pala sa part na umaasa akong mapapansin din ako ni Ash." Tumango-tango pa siya.
"Tama ka diyan, girl."
Walang kwentang kaibigan! Di man lang ako i-comfort!
"Para siyang langit... hindi ko kayang abutin."
"Hindi talaga, kase di ba nga sa impyerno ang bagsak mo, so hindi- Aray! Ano ba, Rina!"
Binato ko siya ng libro na saktong sa mukha niya tumama. Bwisit.
"Bwisit ka talaga. Akala ko pa naman, i-chi-cheer up mo ako."
Feel na feel ko pa naman ang pag dadrama dito.
"Sorry na. Gusto ko lang namang maisip mo na tama ka naman eh. Hindi ka mapapansin no'ng Ash mo na 'yan."
Sinimangutan ko siya. Napakaimposible ba talaga no'n? Maganda naman ako ah, I mean maganda naman talaga ko, friendly, mabait, sexy. Duh! Ano pa bang ayaw niya sa akin?
Bigla ko tuloy na-miss si Calli. Pag ganito kasing nagda drama ako, agad niya akong yayakapin. Sasabihang 'nothing is impossible'. Maka 'nothing is impossible' siya kaya ayan naging kapatid niya ang kanyang jowa.
"I miss Calli na..."
"Oo nga pala, yung babaeng yun. Kamusta na? Simula nung umalis siya, di na kami nakakapag-usap eh."
Sa aming dalawa ni Calli, ako talaga ang pinaka friendly, halos lahat ng kaklase ko e kaibigan ko.
Siya, ako lang pinakamalapit na kaibigan. Bestfriend. Hindi naman siya loner pero hindi rin siya mahilig makipagkaibigan.
Di ko nga alam pano sila nagkasundo ni Gio, basta isang araw nalang, komportable na silang mag-usap.
Siguro, lukso ng dugo?
"Okay naman siya."
"Nakakapag-usap pa ba kayo?"
"Minsan." Araw araw. Syempre araw araw, baka bestfriend 'to.
"Miss ko na yung babaeng yun, bakit ba siya umalis? Bigla bigla nalang ah."
"Baka gusto niyang mapag-isa? Kailangan niya rin naman nag oras para sa sarili niya."
"Sabagay, grabe din yung nangyari sa kanya. Nawalan siya ng mga magulang, tapos naghiwalay pa sila ni Gio. Kung ako siguro yun, depress ako no'n."
A smile flastered on my lips. Yeah. Kung ako rin siguro. Pero si Calli? She's the most brave person I ever met.
"Malakas si Calli. Lahat siguro kaya niyang malampasan."
"Si... Gio?"
Lumipat ang paningin ko sa kanya.
"Si Gio... ewan. Hindi na naman kami nakakapag-usap."
Halos sabay pa kaming bumuntong hininga ni Kyla. Pati kaming mga kaibigan nila ay nahihirapan para sa kanilang dalawa.
Lumipas pa ang mga araw at patuloy parin akong umaasa- I mean, patuloy pa rin ang buhay!
Nakaka stress na mag-aral!
Bakit pa ba tayo nag-aaral? Para yumaman? Pwede namang maghanap nalang ng sugar daddy!
Char.
"Ang hectic ng schedule ko ngayon, baka hindi ako madalas makasama sa inyo sa mga night out." Ngumuso siya. Suzy and her boyfriend are Engineering student, Calli took Business, while me and our other friends are Archi.
YOU ARE READING
Secretly Loving You (Loving You Series 2)
RomansaShe is strong outside but not inside. She talks alot, she laugh alot. She's lovely, actually. She's the real softie. The adorable and fighter Ria Nataliah weaken because of that accident. "Am I not enough?" Her favorite actress, Liza Soberano, sai...