Chapter 14

45 5 0
                                    

Chapter 14

"I missed you," I caress her baby bump.

"Hm," she hummed.

"Wow, nakaka-touch, ah." Tumawa ako.

Calli is laying beside me. As usual, we're in front of the sea.

Umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya.

"Malala na yata ako, Calli." Naguguluhan siyang tumingin aa akin.

"Huh? May sakit ka?" I shooked my head.

"Si Ash-"

"Malala ka na nga," inirapan niya ako.

"Grabe ah," I can't help but to laughed. Gagi, bitter pa din siya. After what happened to her, hindi talaga mawala-wala ang pagiging bitter niya.

Inis na inis siya tuwing magku-kuwento ako sa kaniya ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Ash.

Lagi niyang sinasabi kung gaano ako ka-patay na patay sa lalaki. Well, who wouldn't, 'di ba? E, ang gwapo-gwapo naman kasi ng lalaking yon!

Nanatili kami sa labas hanggang sa gumabi. Living in island like here is so ideal. Gusto ko nga na magpatayo ng bahay sa isla kung sakaling kami ni Ash ang magkakatuluyan. Shuta!

"Kain na!" Razam shouted from the kitchen.

Hinintay ko si Calli na makababa at sabay na kaming pumunta sa kusina.

"Oo nga pala, Calli. Baka hindi muna ako makadalaw ulit sa 'yo next week. Malapit na kasi ang mid-term. Okay ka lang ba dito?" Sabi ko sa kaniya sa gitna ng pagkain namin.

Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Ang cold, huh!

"Nandito naman ako, Rina. Don't worry about Calli." Tumango ako kay Razam. "Kahit minsan ang tigas ng ulo niya. Nga pala, titigil muna ako sa pagtatrabaho para may kasama si Calli dito."

"At para na rin makapagmove-on ka kay Milka, 'di ba?" Inambaan niya akong susuntukin.

I am very thankful na nandito si Razam para alalayan si Calli. Halos siya ang tumatayong tagasilbi kay Calli. Ginagawa niya ang lahat na dapat ay ginagawa ni Gio.

Ayaw kong manghusga pero, paano na sila? Ang magiging anak nila? Kung magkapatid sila, ano nila ang anak nila? Anak at pamangkin? Yawa! Bakit naman dinagdagan niyo pa ang isipin ko?!

Calli sleep early that night. Parang may mali sa kaniya ngayon. May mali talaga, e. Hindi ko lang talaga alam kung ano.

"Pst, Razam. Halika dito, dali."

"Ano ba 'yon?" Iritado siyang tumayo.

"Anong nangyari kay Calli? Bakit gano'n 'yon?"

"Huh? Anong gano'n?" Muli siyang bumalik sa ginagawa niya.

"May mali, e."

"Ano mali?" Tanong niya habang nasa cellphone pa rin ang atensiyon. "Ang mali ay kapag hindi tayo gusto ng gusto natin!" Sabi niya at gigil na gigil siyang nagtipa.

Tumawa ko. Bitter na naman ang isang 'to. Bakit ba puro bitter ang nasa bahay na ito?

Maya't maya ang tingin at pagta-type niya sa cellphone niya. He's also murmuring some curse. 

"Sino ba yan?"

"Si Milka, kasama na naman ang gago. Kapag talaga may nangyari sa kaniya, huwag siyang hihingi ng tulong sa akin!"

Ngumisi ako.

"Chill ka lang diyan, friend. Yung BP mo tumataas." Humagalpak ako ng tawa. "At akala ko ba magmo-move on ka na? E, bakit ka pa nakikipagtext?!"

"Nagtext sa akin e, 'di nagreply ako." Ngumisi pa ang gago.

"Ang shonga naman, Razam. Pagnagtext sa 'yo, magdahilan ka! Busy ka gano'n!"

"Tsk," Inirapan ko na lang siya. Parang tanga lang.

Kinabukasan ay si Ate Cami naman ang binulahaw ko. Alas otso pa lang ng umaga ay nasa hotel na ako.

Lulubusin ko na ang maluwag kong schedule dahil panigurado sobra na ang pagiging busy ko sa susunod na mga araw.

She's busy in her office, 'yan ang sabi ng receptionist. Gusto kong matawa sa excuse niya.

Gaga, hindi mo ko maloloko, Ate.

Kaya ang ginawa ko ay bigla kong binuksan ang pinto ng opisina niya.

I cover my mouth using my two hands. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat.

"O to the M to the G!" I shrieked.

Ate Cami is sitting in Kuya Roger's lap! Can you believe it?!

"What is the meaning of this?!"

Ate Cami is the most prim and proper girl I ever know at ang makita siyang tumatawa habang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki ay talaga namang nakakagulat.

Biglang tumayo si Ate Cami at muntik pa siyang matisod sa paa ni Kuya Roger.  

"Rina! What are you doing here?!" Gulat na gulat siya at habol ang hininga dahil sa gulat. Shit! I want to burst out laughing but I stopped myself. Dapat panindigan ko ang pagiging gulat na kapatid.

"Taksil! Taksil ka, Ate. Hindi mo man lang sinabi sa akin na lumalayag na pala ang ship ko dito!"

Kuya Roger laugh. Hinili niya si Ate Cami dahilan para muli itong maupo sa hita niya. He snaked his arms around Ate's waist.

Gusto kong sumigaw! Lord, ipinanganak po ba talaga ako para mainggit sa mga mag-jowa?!

"Don't be shy, babe. Tell to your baby sister who I am." Masuyo niyang sabi at pinatakan ng halik ang sintido ng kapatid ko.

Baby daw. Sana baby din ni Ash.

"What the hell, Roger? Bitawan mo nga ako!"

"Come on, babe. Tell her,"

Punyeta. Wala na, finish na.

Ilang minuto pa silang naglampungan sa harap ko. I just stood there and watch them. Ang pabebe kong kapatid ay pilit umaalis sa yakap ni Kuya Roger pero deep inside gustong-gusto din naman. Tsk. Ate, Ate, Ate.

"Oh, tapos na ba kayo?" Tanong ko. Kuya Roger smirked and nodded.

"What are you doing here?" Kalmado na si Ate. Nakaupo na siya sa swivel chair niya at inaayos ang sarili.

"I am here to visit you pero mukhang hindi mo na naman kailangan ng pagbisita ko dahil may iba kang gustong bisita." Umirap ako.

"You don't have class?"

"Wala. Free ako ngayon kaya bumisita ako kay Calli. Aalis din ako mamayang hapon dahil may pasok pa ako bukas."

"College?" Kuya Roger asked me.

"Hm. Graduating," 

"Wow, advance congrats for you baby sis!"

"Don't congratulate me! Baka hindi matuloy!"

Nagkwentuhan pa kami ni Kuya Roger habang si Ate ay may binabasa. Busy busy-han ang peg ng Ate niyo. 

"You want to join us for lunch, baby sis?" Tanong pa ng lalaki.

I raised my eyebrows and nodded.
-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now