Chapter 12

52 4 0
                                    

Song: Kiss me by Ed Sheeran

Chapter 12

I smile the moment I tap send botton. I appreciate that simple greetings. Kahit hindi ko siya kilala.

Masyado akong okupado ng text na natanggap ko kaya hindi ko na nakita na tumayo na pala si Just sa pagkakaupo at may kausap sa sa telepono. Probably his son.

Mag-aalas siyete na pala. Siguro ay pinapauwi na siya. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil kahit malayo na kami ay rinig na rinig pa rin ang tugtog.

Enjoy na enjoy ang lahat sa pakikinig sa joke nina Ron, halos maging comedian ang tatlo sa stage, sa harap ng lahat. Everyone is laughing. Even me.

Pero hindi talaga ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang unregister number na nagtext! Hindi mawawala ng joke nila ang curiosity ko!

Ilang minuto pa ay muling namatay ang ilaw at umingay ang mga tao kaya tumayo na ako, dala dala pa rin ang bulaklak.

"Aalis na ako, Rina. Hinahanap na ako ni Won,"

"Okay, ingat. Salamat!" I kissed his cheek.

"You're welcome. Happy birthday again,"

Tumalikod na siya sa akin. Hinanap ko naman ang pwesto ng mga kaibigan ko.

Settle down with me
Cover me up
Cuddle me in

Nangibabaw ang tilian ng mga babae nang magsimula na siyang kumanta.

And your heart's against my chest
Your lips pressed to my neck
I'm falling for your eyes
But they don't know me yet

And with a feeling I'll forget
I'm in love now

Nakanganga lang ako sa kaniya. Kahit isang milyong beses siguro siyang kumanta ay hindi ako magsasawa sa boses niya.

Shet, iba na talaga 'to, Rina! Malala ka na!

Kiss me like you wanna be loved
You wanna be loved
You wanna be loved

This feels like falling in love
Falling in love
Falling in love

Pakiramdam ko ay para sa akin ang kantang kinakanta niya. Oo na, assuming na kung assuming! Kasi naman, e! Bakit ba ganito siya ka-guwapo! Kahit sino naman ay titili kapag nakita mo siya, paano pa kapag narinig mo pa siyang kumanta, 'di ba?!

Katulad ng lagi niyang ginagawa, nakapikit siya habang kumakanta.

Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay talaga namang nanunuot hanggang sa buto mo.

Yeah I've been feeling everything
From hate to love
From love to lust
From lust to truth
I guess that's how I know you
So hold you close to help you give it up

Sa huling linya ng kanta lahat ay sumabay sa pagkanta niya.

This feels like falling in love
Falling in love
Falling in love

Lahat ay nadala ng pagkanta niya. Muling umalingawngaw ang hiyawan. Pati ako ay nakisigaw na rin.

"Thank you, everyone. That song is actually for the girl I like," ngumiti siya kaya naman lumabas ang dimple siya. What?! "Sana aware ka na gusto kita..." tumawa siya at tumayo na.

Shet! May gusto siyang babae?! Ako na ba 'to?! Magsisimula na ba ang love story namin?!

Wala na siya siya sa stage pero parang walang makakapigil sa sigaw ng lahat.

Kahit ang mga kaibigan ko ay nakikisigaw. Tinutukso nila ako na wala na daw akong pag-asa dahil may gusto ng iba. Mga wala talagang kwentang kaibigan. Kinakabahan ako dahil baka nga totoo iyon! I cannot!

"Hay, Rina babes, maghanap ka na ng bagong bokalista. May gusto nang iba ang Ashjon mo. Ekisan mo na sa listahan,"

Sabay-sabay silang tumawa. Mga hayop!

"Ano ba kayo, 'wag kayong ganyan. 'Wag niyong sabihin yan, kinakabahan si Rina." Muli na naman silang tumawa. Inirapan ko silang lahat.

Kuya fetch me.

Panandaliang nawala sa isip ko ang tao sa likod ng text na natanggap ko. Hindi ko alam pero talagang binabagabag ako ng simplemg greetings na 'yon. Hindi ako mapakali.

Napangiti ako nang biglang maalala ang masayang nangyari kanina. Ayos na e! Pero bakit naman umamin si Ash?! Nag-ooverthink tuloy ako kung sino ang babaeng gusto niya.

Kung hindi ako ang babaeng 'yon, mas mabuting wag ka na lang magkagusto! Chos!

Hindi naman ako gano'n. Dahil isa ako sa mga taong lagi sumusuporta sa kaniya, susuportahan ko din siya sa love life niya, ano!

Patay na patay lang ako sa kaniya pero hindi naman ako desperada. He has the freedom to like someone. We have the freedom.

Walang pasok kinabukasan. Balak naming magcoffee ng mga kaibigan ko sa isang malapit na coffee shop at dahil mga drawing sila, hindi natuloy.

Kani-kaniyang mga palusot sila. Busy daw si Kyla, si Mitch naman ay tulog pa, at si Suzy ay masakit daw ang ulo, ang mga jowa naman nila ay parang buntot nila kaya hindi rin naman sasama hanggat hindi kasama ang girls.

Kaya ang ending, sa bahay na lang ako kumain ay nag-jogging na lang ako.

Mag-isa lang akong kumain dahil wala rin naman si Kuya. Ang lintek, pagkahatid sa akin ay umalis na rin. May lakad daw sila ng barkada niya at hanggang ngayon hindi pa nagpaparamdam. Baka lasing na lasing kaya sa bahay na lang umuwi.

Okay lang naman na maglasing siya dahil wala naman siyang nagagawang milagro kapag lasing.

Nakailang ikot na ako sa buong subdivision. Dito ako nagjo-jogging. Bukod sa tahimik, wala masyadong dumadaan.

Nagpahinga ako saglit. Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Calli. Ilang linggo na akong hindi umuuwi kaya nami-miss ko na din ang buntis.

"Hi, good morning!"

"Morning," tamad niyang sagot. Nakaupo siya sa sun lounge.

"Kumusta ka na, buntis? Sinong kasama no diyan?"

"Ako lang, may trabaho si Razam. Bumisita nga pala dito kagabi si Ate Camila," sumimsim siya sa juice. Very donya ang peg ni ateng!

"Sorry, hindi na ako nakakabisita. But, don't worry, I'll visit you next week, promise!"

"Okay lang, alam ko namang busy ka dun sa pag-aaral mo. I'm okay here, really. I'll call you kapag may kailangan ako."

I nodded.

"Sige na, may gagawin pa ako. Take care, Rina. Love you,"

"You take care, Calli. I miss you, uuwi talaga ako next week! Miss na miss na kita!"

"Oo na, dami mo pang satsat,"

Gusto ko siyang sabunutan. Nakakaasar. Nag-e-emote ako dito e!

"Sige na, love you. Ingat ka diyan, ah?"

"Oo nga,"

"Yung mga vitamins mo,"

"Oo,"

"Tsaka-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinagpatayan niya na ako. Bastos talaga. Humalakhak ako.

Aalis na sana ako nang may tumigil na BMW sa harap ko. 

Pinahid ko ang tumulong pawis sa aking noo. Lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.

"Excuse me, Miss. Do you know where's Saavedras house?"

Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking kasalukuyang nakaupo sa driver seat at nakatingin sa akin. 

Tangina? Anong itsura ko ngayon?! Bakit kung kailan ako mukhang dugyot saka naman siya nagpapakita?!

-

Thank you po for reading my stories! Love yah! —Geh

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now