Chapter 39

7 1 0
                                    

Chapter 39

"I brought foods, I know you're still lazy to cook."

Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"And drinks, too." He smiled.

Bumuntong hininga ako at pilit kinalma ang sarili, pinipigilang masigawan siya.

"We're going to talk not in a picnic," gago ka. Ang kapal-kapal ng mukha mo. Nagdala-dala ka pa ng mga pampalubag-loob. Hayop ka. Akala mo ba madadala mo ako sa gan'yan?

"Sorry," he sigh.

Binuksan ko pinto para tuluyan siyang makapasok sa bahay. Pinanood ko lang siyang maglakad at ipatong ang mga dala sa center table ng sala.

Napabuntomg hininga ulit ako bago isara ang pinto. Nanatiling nakatayo si Ashjon.

"Pwede kang umupo." Tahimik pa rin siyang sumunod.

Umupo ako sa harap niya.

It feels so wrong. Him being like this. Na parang kahit anong sabihin ko, susunod siya. Kahit anong gawin ko, ayos lang sa kaniya.

Dapat lang, gago ka e.

"Sorry," siya ang bumasag sa katahimikan. "Yes, I slept with her. We had... sex." He closed his eyes. "But I'm can't clearly remember that. I was too drunk,"

"The baby—"

"The baby's not mine." Mabilis niyang pagputol sa dapat na sasabihin ko. "Trust me, the baby's not mine."

"Paano ka nakakasiguro na hindi ikaw ang ama ng bata? Lasing ka, Ashjon. Wala kang maalala, paano mo nasabing hindi sa 'yo ang bata?"

"I just... feel it."

Natawa ako.

"Ang galing mo pa rin mangatwiran, Ash. The best ka pa rin," sarkastiko kong sagot sa kaniya.

"Rina..."

"Ang hirap mo nang pagkatiwalaan, Ashjon."

Ang hirap magtiwa sa taong minsan ka nang niloko.

Bumuntong hininga siya at napatungo. Nakakaawa siyang tingnan sa ngayon pero mas nakakaawa ang mga pinagdaanan ko ng dahil sa panloloko niya.

"Gusto kitang pagkatiwalaan ulit pero ang hirap."

"I understand," he looked at me like I'm gonna disappear any moment. "I can't trust myself either."

"Ang kapal ng mukha mo. Ang kapag ng mukha niyang dalawa. Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, deserve mo 'yan, Ash. Tangina, kulan pa 'yan."

Halos hindi na mapunasan ko ang basa kong pisngi dahil sa emosyong nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Ayaw kong umiyak pero ito na naman ako. Siya na naman ang dahilan.

"Gusto kitang saktan. Gusto kong iparanas sa inyo 'yong sakit na naramdaman ko noon."

Tumayo siya at pumunta kung nasaan ako. He tried to touch me but I refused. Pero dahil sa panghihina, dala na rin ng labis na emosyon ko ngayon, wala akong nagawa nang pilit niya akong ikulong ng yakap.

"I know,"

"Gusto kong maramdaman mo rin 'yong takot na naramdaman ko no'ng makita kong malaglag 'yong bata sa sinapupunan ni Lazzy,"

Mahigpit pa rin ang yakap niya, umiiyak na rin. Parang ayaw na niya akong pakawalan.

"Gusto kong maranasan mo rin ang magkaroon ng sirang pamilya, tangina, gusto kong maranasan mo lahat ng 'yon."

"Shh, I know... I know. I'm sorry...I love you, sorry..." bulong niya habang pinapaulanan ng halik ang tuktok ng ulo ko.

Kung nasa maayos na sitwasyon lamang kami ngayon, hindi ako papayag na itigil niya ang ginagawa at kumalas sa yakap.

Pero hindi. Masakit pa rin para sa 'kin. Ilang taon na, naka-move on na ang lahat pero ang puso ko hindi pa. Nandito pa ang galit at sakit. Nandito pa lahat.

Marahas kong pinunasan ko ang pisngi ko saka siya tinulak paalis sa yakap.

"Umalis ka na,"

"R-Rina," nanginig ang boses niya pero wala na akong lakas para harapin siya ng mas matagal.

"Umalis ka na, Ash. Alis na!"

"No, hear me out. I know you're still hurting but please—"

"Umalis ka na!"

"I love you, please please, forgive me. I love you..." 

"Get out!"

Pilit ko siyang itinulak sa palabas ng bahay at dahil sa lakas ng tulak ko ay natumba siya sa buhangin. Para siyang batang umiiyak dahil iniwan ng magulang.

"I understand why you left. Masakit pero naiintindihan ko, Rina."

Hindi ko siya nilingon, diretso akong naglakad pabalik sa loob ng bahay.

"I'll wait until you forgive me."

-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now