Chapter 27

41 3 0
                                    

Chapter 27

Kanina pa akong naghihintay dito. Sabi niya ay mayroon lamang siyang kailangang gawin para sa paparating nilang concert pero ilang oras na ang nakakalipas, wala pa rin siya.

Nakailang baso na ako ng kape, hindi pa rin siya dumadating.

Nag-text naman siya na baka ma-late siya pero hindi ko naman inakala na ganito pala siya ka-late. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggamit ng cellphone.

Hindi naman mababawasan ang ganda ko kapag naghintay pa ako nang ilang oras dito para sa jowa ko, 'di ba? Pero kahit anong alo ko sa sarili, hindi pa rin mawala ang sama ng loob na nararamdaman.

Inabala ko ang sarili para hindi mapansin ang oras na inilalaan sa paghihintay.

Nagulat na lang ako dahil ang tahimik kong alone-time ay binulabog nang kung sino.

Tumaas ang kilay ko nang umupo siya sa isang upuan sa harap ko na para bang inimbitahan ko siya. Prente siyang umupo doon at humigop sa kape na hawak niya. 

"Excuse me?" Mataray kong sabi sa kaniya. Matagal nang kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to, e. Mag-ingat siya at baka hindi ko siya matantsa.

"Yes? Oh, Rina. Ikaw pala 'yan." Mahinhin siyang tumawa pero nakakainsultong pakinggan.

Parang ang sarap tuloy ibuhos sa kaniya ang kape na iniinom ko.

"Maraming bakanteng lamesa, you can enjoy your cup there," itinuro ko pa ang bakante at malayong lamesa sa akin, dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya kapag dito siya umupo sa harap ko.

"Dito ko gusto," walang modo niyang sagot.

"What do you want, Lazzy?"

Nakakawala talaga siya ng pasensiya.

"What do I want? Hm, your boyfriend?" Mas lalong tumaas ang kilay ko, hindi ako papatalo sa kaniya.

Sino ba siya? E, isa lang naman siyang malandi at makating higad. At ang sarap-sarap niyang tapakan.

"Tanga ka ba? Tigil-tigilan mo na si Ash, Lazzy. May girlfriend na 'yong tao, 'di ba?"

"What if I wont? Lalo na ngayon." Inabot niya sa akin ang cellphone niya.

At dahil mataas ang pride ko, hindi ko 'yon tinanggap o tinapunan man lang ng tingin.

"What? Just take a look, Rina. Are you scared of the truth?" Tumawa siya na para bang nanalo siya sa isang kompetisyon. 

"Ano bang sinasabi mo? Kung wala kang sasabihing maganda at sisirain mo lang ang araw ko, umalis ka na lang. Hindi naman kita kailangan dito."

"Masisira pa 'yang araw mo," sabi niya at parang gusto kong ibuhos sa mukha niya ang kape para maalis ang nakakairitang ngisi niya sa mukha.

Konting-konti na lang talaga, makakatikim 'to sa akin, e. Huwag niyo akong pigilan.

Iniharap niya sa akin ang cellphone kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tingnan 'yon.

Kumunot ang noo ko sa litrato. Wala pa mang eksplenasyon ay naninikip na ang dibdib ko.

"See that? Your boyfriend slept with me." Ngumisi siya, at alam ng Diyos kung gaano ako nagtitimpi sa mga oras na 'ito.

"Natulog lang pala, e." Nanginig ang boses ko. Tumikhim ako para mawala ang bara doon.

"Ano sa tingin mo ang ginawa namin? We had sex, Rina. Sex. Bagay na hindi mo kayang ibigay sa kaniya, kaya ako na ang nagbigay. I'm his first." Mahinhin siyang tumawa.

"Stop what you're doing, Lazzy. Hindi magagawa ni Ash 'yang ibinibintang mo. Hindi niya ako magagawang lokohin."

"Ask him, then!" Nakatingin na sa amin ang ilang customer dahil sa pagtaas ng boses niya.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili, pinigilan ko ang sarili na huwag patulan ang babae sa harap ko. 

"I am matured enough. Alam ko kung kailan dapat maniwala at kailan hindi." Huli kong sabi sa kaniya bago siya tinalikuran.

"Believe me, iiwan ka rin niya para sa akin. Tandaan mo 'yan, Rina!" Hindi ko na siya nilingon pa. Hinayaan ko na lang siyang magmukhang tanga na sumisigaw doon.

Mariin akong pumikit. Ang kapal ng mukha niya para bastosin ako sa harap ng maraming tao. At balak pa talagang sirain kami ni Ash.

Nagsimula na akong mag-drive pauwi kahit hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ang kalamnan ko sa kaniya. Parang dumoble ang sama ng loob na nararamdaman ko kanina. 

Walang kakalma today!

Nag-text ako kay Ash na umalis na ako sa meeting place namin at umuwi na sa condo ko.

Kalahating oras pagkarating ko sa condo ay dumating na rin siya. Abot-abot ang paghingi niya ng sorry.

"Sorry, hindi ako makaalis kasi ayaw ng manager namin. Sorry, babe." Masuyo niyang hinalikan ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kaniya kahit ang totoo ay nasasaktan ako. Ang dami kong tanong pero parang mali na itanaong ang mga 'yon.

"Ano ka ba! Okay lang!"

"Sorry talaga. Babawi ako, promise."

Alam ko namang para sa pangarap niya iyon pero bakit ang sakit sakit? Simpleng hindi pagsipot lang naman iyon pero bakit ganito kasakit? Bakit pakiramdam ko wala na ako para sa kaniya.

Gusto kong sampalin ang sarilu nang mangilid ang mga luha ko. Napakababaw lang naman no'n tapos iniiyakan ko?

"Rina..."

Nasasaktan ako. Dahil alam ko sa sarili kong nagdududa na rin ako.

"Niloko mo ba ako, Ash?" Kahit ako, nagulat sa tanong na lumabas sa bibig ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip, umiwas siya ng tingin.

"R-Rina,"

"Sagutin mo ako, Ash. Niloko mo ba ako?"

Hindi, Ash. Hindi mo ako niloko, 'di ba? Kasi hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari kung sakali.

"Hindi naman totoo 'yon, 'di ba Ash? Hindi ako naniniwala." Hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinaplos 'yon sa pisngi ko. Umaasang walang katotohanan ang sinabi ng babaeng 'yon at ang pagdududa ko. "A-Alam kong hindi mo ako lolokohin. You promised to me, Ash. Walang lokohan. Walang cheating kaya h-hindi mo 'yon gagawin. 'Di ba? 'Di ba, Ash?"

Hindi siya kumibo. Hindi siya nagsalita. Tumingin siya sa akin at hinahayaan na ang mga namumula niyang mata ang magsalita at magsabi ng totoo.

"T-Tell me... p-please, tell me,"

"I'm sorry,"

That two words breaks me. Because I know to myself, that I loose.

Talo ako sa laro kung saan kaming dalawa ang magkakampi. Laro kung saan kami dapat ang magkasangga.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now