Chapter 24

44 4 0
                                    

Chapter 24

Tumaas ang kilay ko nang makita ko siyang walang damit pang-itaas. Naaamoy ko rin ang mabango niyang niluluto.

"Good morning, Rina." Bati niya nang makita ako.

"Morning," bati ko pabalik. Umupo ako sa isang highchair at pinanood siya sa ginagawa. I must say, magaling siyang magluto. Singer na, chef pa.

"Ang mag-ina?" Tanong ko. Si Calli kasi talaga lagi ang nagluluto para sa amin.

"They went out, mamamasyal yata." Tumango ako at pinanood siya ulit.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon, Ash?"

"Mayroon ba dapat?" Tanong niya pabalik.

"Wala... may trabaho ako ngayon." Agad naman akong na-guilty, wala na nga kaming date kahapon na anniversary namin tapos ngayon naman na oras siya, ako naman ang wala.

"I'll just stay here, then. I'll wait until you finish your work." Ngumiti siya sa akin.

"Ash,"

"That's okay, babe, really. I understand your work."

"Thank you," hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon.

Sa totoo lang, ito ang kauna-unang beses na naging demanding ng trabaho ko. Hindi naman ganito noon, dahil lang talaga sa bago naming Engineer. 

"Ano ba ang ginawa ko noong past life ko para ibigay ka Niya sa akin? Baka maging kuto na lang ako sa next life ko, ah?" Biro ko na ikinatawa niya.

"I should be the one saying that," hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at bumulong. "I'm too blessed to have you." Naubusan ako ng salita. Pumula ang pisngi ko at niyakap ang baywang niya. "But anyway, handa akong maging kuto kung sakaling maging kuto ka." Malakas siyang humalakhak kaya kinurot ko ang baywang niya.

Naging maingay ang agahan namin kahit dalawa lang kami. Pagkatapos kumain ay umalis na ako para pumunta sa trabaho.

Sa byahe pa lang ay nakabusangot ma ako. Makikita ko na naman ang lalaking 'yon. Hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin o wala o gusto niya lang talaga akong pahirapan o talagang kasali siya sa pederasyon at inggit siya sa akin. Pero kung naligaw siya ng landa ay talagang sayang siya, gwapo pa naman.

Sa site, nakabusangot niyang mukha ang agad na sumalubong sa akin. Nandito na silang lahat at late na ako.

"You're late Architect Zafra," salubong niya. Pigil na pigil ko ang sarili ko na irapan siya. Hindi naman na talaga ako kailangan dito, pinapahirapan mo lang ako.

"Sorry, Engineer." Labas sa ilong na paumanhin.

"Very unprofessional," bulong niya pero rinig na rinig ko naman. Nang tumalikod siya ay inirapan at inambaan ko siya ng batok. Bwiset!

Tumawa si Aya na nasa likod ko pala.

"Good morning, Rina. Mainit na naman ang ulo ni Engineer sa 'yo," humalakhak siya.

"Lagi naman, konti na lang talaga, papatulan ko na 'yan."

Maghapon akong binadtrip ni Engineer. Wala na yatang mas nakakainis pa sa kaniya.

Hapon na at tapos na ang trabaho namin. Nagpaalam ako sa mga katrabaho ko bukod kay Engineer. Huh, mukha niya!

Bahagyang nawala ang inis ko dahil sa makikita ko na naman si Ash. Pero kamalasmalasan hindi mag-start ang sasakyan ko. Napapadyak na lang ako dahil sa inis. Bumaba ako muli. Parang umusok din ang tainga ko nang makitang umuusok ang makina. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng message kay Ash, wala akong choice kung hindi ang magpakaon sa kaniya.

"Do you need help?" Tanong ng nasa likod ko.

"No,"

"You do," umirap ako sa sinabi niya. Paladesisyon. Lumapit siya sa sasakyan ko tiningnan ang makina. "Kailangan na nitong dalhin sa manggagawa. You can ride with me." Tumingin ako sa kaniya.

"Hindi na, may susundo naman sa akin."

"Come on, Rina. It's just a ride." Kunot ang noo nito at parang galit pa sa akin.

"Okay lang talaga-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may kotse na na pumarada sa harap namin. Bumaba mula doon si Ash.

"Ash," hinalikan niya ang pisngi ko at agad na gumapang ang kamay sa baywang ko.

Nakakunot ang noo ng lalaki sa harap namin ni Ash.

"You are?" Tanong niya, sa kamay ni Ash na nasa baywang ko nakatingin. Bastos talaga.

"Ashjon, Rina's boyfriend." Naglahad siya ng kamay kay Engineer na ngayon ay nakatulala na.

"Dariel, Engineer Dariel." Ako na ang sumagot dahil parang wala siyang balak sumagot. Hinawakan ko ang kamay ni Ash na nakalahad pa rin at niyaya na siyang umalis.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Kung kahapon ay nakabusangot si Engineer, mas lalo na ngayon. Dumoble pa nga yata.

"I talk to our head, you can go back to Manila now. Your works here are done."

Kaya naman masayang-masaya ako noong umuwi. Huh! No more bwiset!

"Ash!"

"You're early," sinalubong niya ako ng yakap.

"Pwede na akong bumalik sa Manila."

"Really? Then, that's great." Muli niya akong niyakap. "I missed you watching our gigs,"

"Then, I'll watch your gigs again." Kumindat ako sa kaniya.

Miss ko na rin ang panoorin siyang kumanta.

Hinahaplos niya ang buhok ko habang ako naman ay nakaunan sa mga hita niya. Nandito kami sa may dalampasigan. May nakalatag na kumot sa buhangin.

"You're so pretty," bigla niyang sabi.

"Talaga." Humalakhak siya sa sagot ko.

"I have a song for you, Rina."

"Go,"

"Hey, beautiful, beautiful, beautiful, beautiful angel–" pinutol ko ang pagkanta niya. Umahon ako mula sa pagkakahiga sa kanyang hita.

"Wait, hindi accurate sa 'kin yung kanta, Ash, beautiful lang ako pero hindi ako angel." Tumawa siya sa sinabi ko.

"Oh, I forgot. Kampon ka nga pala ng kadiliman." Tumawa siya. Inismidan ko lang at muling umunan sa hita niya.

Tama naman.

"Meron din ako," I cleared my throat, tumawa siya kaya siniko ko siya.

"Habang ako'y may buhay. Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo..." pagkanta ko.

"May nakapagsabi na ba sa 'yo na ang ganda ng boses mo?"

"Oo. Sina Suzy,"

"Pero ngayon pa lang kita narinig na kumanta. Nahihiya ka ba na iparinig sa iba ang boses mo?"

"Hindi naman. Kumakanta ako minsan kapag kami-kami lang ng mga kaibigan ko. Kapag may inuman, gano'n."

"You don't want to sing? In front of everyone like me?"

"You mean, gig?" Tumango siya. "Hindi. Budol ka." Sabay kaming tumawa.

-

Sabaw~

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now