Chapter 13

54 4 0
                                    

Chapter 13

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako o ano?!

Pero nakita na naman niya ako kahit tumakbo pa ako, magmumukha lang akong tanga!

Kaya naman, sa kabila ng pagiging dugyot ko sa mga oras na ito, pinanatili ko pa rin ang poise ko.

Pasimple kong pinunasan ang mga tumutulong pawis sa gilid ng noo ko.

"H-Huh?"

"Saavedra's house,"

"S-Seventh block." Aligaga kong sagot sa kaniya. Ano ba, Rina?! Nauutal pa ang gaga!

"Thank you," yumango ako sa kaniya at tumalikod na. "Uhm, wait,"

Mariin akong pumikit. Ano ba, Ashjon?! Hiyang hiya na nga ako, bwiset ka!

"B-Bakit?!" Tumaas ang boses ko dahilan para tumaas ang gilid ng labi niya.

That sexy lips...

Punyeta, Rina! Mamaya ka mo na pagnasaan ang lalaking nasa harap mo!

"Don't panic, miss. Ako lang 'to," he smirk saka niya sinarado ang bintana ng sasakyan niya.

Shit?!

May taglay din palang kahanginan si Ash?! Bakit hindi ako aware?!

Umuwi ano ng bahay at tama ang hinala ko. Ang magaling kong kapatid ay dito nagpalipas ng gabi, siguro ay lasing na naman kagabi kaya hindi na dumaan sa condo.

Tanghali na ay nakahilata pa!

Bilang isang mabait na kapatid, ipagluluto ko na lang siya.

Walang tumitira dito kaya't wala ring stock na pagkain. Pumunta ako sa kwarto ko at naligo. Baka may makasalubong na naman akong hindi inaasahang tao. Iba na ang handa, 'no!

I wore my simple tank top and high waisted short. I spray some of my favorite perfume and pak! Ready na akong makasalubong ulit ang bokalista ng buhay ko!

Pumunta ako sa malapit na grocery store. Bumili ako ng ilan sa mga kailangan sa bahay para may magamit at makain si Kuya kung sakaling sa bahay siya tumigil. Ang isang 'yon ay walang kasing tamad! Nakaka-stress.

Medyo nadisapoint ako dahil hindi ko nalasalubong man lang si Ash.

Ilang taon na akong mag-isang nakatira sa condo ko kaya sanay na akong magluto. Talagang nag-aral ako ng pagluluto dahil ayoko namang puro fastfood na lang ang kainin ko.

I cooked chicken adobo, ang paborito naming lahat. Actually, allergy talaga ako sa manok pero talagang paborito ko 'yon kaya hindi ako mapipigilan ng allergy ko na kumain ng manok!

Inayos ko ang hapag bago gisingin si Kuya.

"Kuya! Kain na!"

Nakadapa siya kama. Hindi man lang nagising sa lakas ng boses ko.

"Kuya!"

"Hm,"

"Kain na, lalamig pa ang pagkain,"

"Five minutes,"

Langya!

"Anong five minutes? Tayo na! Dalian mo na!"

"Oo na, labas ka na,"

Nilagyan ko ng mga bagong shampoo at sabon ang bathroom ng kwarto niya.

"Kumain ka na don, aalis na ako. Maglilinis pa ako ng condo ko,"

"Ge,"

Bumalik ako sa condo. Tahimik. Nakakabagot.

Sinimulan ko ang paglilinis sa kwarto ko. Nag-play pa ako ng music. Sa lahat yata ng gawin ko ay hindi mawawala ang music. Habang nag-aaral, nagluluto, naglilinis, kumakain, naliligo, work-out, minsan ay kahit sa pagtulog ay nagpapatutog pa ako.

Kaya gano'n na rin siguro ang gusto ko kay Ash, bukod sa makalaglag panty niyang mukha ay boses, nandoon din ang hilig niya sa music, bagay na talagang gusto ko sa lalaki.

Ashjon is an ideal man! Hell, ideal man talaga. From his natural brown hair, his thick eyebrow, his enchanting brown eyes, pointed nose, thin and red lips, ang katawan niyang hindi naman gano'ng kalaki peron malaki pa rin para sa edad niya and his dimple! Paano ko ba makakalimutan ang dimple na 'yon? E, makikipagpatayan talaga ko mahawakan lang ang malalim na dimple niya!

Iwinaksi ko ang pagkatao ni Ash sa utak ko dahil baka hindi ako matapos sa paglilinis dahil baka pagnasaan ko na lang siya buong maghapon!

Ugh, Rina! Habang tumatagal pamanyak ka nang pamanyak!

Hindi nakakaganda ang paglilinis.

Sumakit ang mga braso ko. Bagsak ako sa sofa. Nakakapagod!

Inabot ako ng limang oras sa paglilinis, kasama na doon ang pagnanasa ko kay Ash, chos.

Nakaligtaan ko na ang kumain ng lunch. Sa halip na magluto ay naligo ulit ako.

Suot ang aking high-waisted jeans at simpleng red crop top.

To:Mitch
Punta ako diyan, hindi pwedeng tanggihan ang magaganda

Hindi siya nagreply. Huwag niya sabihing tulog pa siya hanggang ngayon?! Ala una na, ah.

Hindi ko na hinantay pa ang reply niya dahil tumulak na ako papunta sa condo niya.

Sa aming lahat, si Mitch ang pinaka-independent. Gusto niyang gawin ang mga bagay nang mag-isa.

I press the doorbell. Ilang minuto pa baho ako pagbuksan.

"Oh?"

"Akong 'Oh'? Nagtext ako,"

Inirapan niya ako bago pinatuloy. "Hindi ko napansin,"

Amoy na amoy ang niluluto. Mukhang nandito ang chef ng buhay ng mahaderang babae.

"E, paano mo nga mapapansin kung nandito ang lalaki mo, ha? Echosera 'to," tumawa siya. Sa kusina ako dumuretso dahil gutom na talaga ko. Hindi na ako nakakain dahil sa paglilinis.

"Bango naman!"

"Oh, Rina?"

Lheo is topless. Tanging pants at apron lang ang suot niya. Hot na hot ang lalaking 'to!

"Oh, wag mong pagkatitigan, Rina babes, jowa ko yan." Itinaas pa niya nang bahagya ang baba ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Gaga," akala mo naman ay aagawain ko.

"Ano ba ang kailangan mo?"

"Makikikain ako,"

Sumabay ako sa kanila ng pagkain. Hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila dahim usapang relasyon naman ang topic! Mga walang respeto sa single!

Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang dalawa. Nakakasama lang ng loob, hindi ko alam kung sinasadya ba nila o hindi.

Bukod sa pagkain, sama ng loob lang ang napala ko sa dalawa. Iniwan ko silang naglalampungan sa sofa.

"Aalis na ako, mga bwiset kayo!"

"G na!" Tatawa-tawa niyang sabi.

"Ingat, Rina babes!" Pahabol pa ni Lheo.

Balik na naman ako sa condo. Nagluto ako ng popcorn at nanood ng kdrama.

Happiness

I'm a big fan of this kind of genre. And, ugh, Park Hyung-Sik is so damn handsome!

Ang gwapo-gwapo parang ang sarap niya tuloy yakapin sa leeg, char.

Ilang oras ang ginugol ko sa panonood. Hindi na ako naghapunan. Naghilamos at natulog na. 

-

Happy New year po! I'll start my new year with all of you! —Geh

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now