Chapter 22

48 3 0
                                    

Song: Crazier by Taylor Swift

Chapter 22

Parang panaginip lang. Pero hindi naman ako natulog, ah?

"Saksakin niyo ako, ngayon na!"

Sinunggaban ko ng yakap ang mga kaibigan ko.

"Hoy, bakit?! Anong meron?"

"Sagot ko na ang gastos natin ngayong gabi! Saan niyo ba gusto?!"

"Ano bang meron-"

"Kahit saan pa yan! Kahit magkano!"

"Bakit-"

"Ako na ang bahala-"

"Punyeta, Ria Nataliah!" Hinila ng kung sino ang buhok ko. Pero dahil good mood ako at dahil masaya ako sa narinig ko kanina lang ay humarap ako sa humila ng aking buhok nang may malawak at matamis na ngiti sa mga labi.

"Bakit?"

Suzy rolled her eyes.

"Ano bang meron? Bakit ka manlilibre?! Naghimala ba ang Diyos?"

"Oo!" Hinampas ko siya ng bag na dala ko.

"Anong klaseng himala ba yan? Na liligawan ka na rin sa wakas ng Ashjon mo?"

"Gaga, oo! Paano mo nahulaan?!" Muli ko siyang hinampas. Nakahalata na yata siya kaya ako naman ang hinampas niya.

"Ulol,"

"Weh?"

"Totoo ba?!"

Ang mga reaksiyon nila ay talaga namang nakakapagdilim ng paningin. Ayaw pa maniwala! Pero dahil nakarinig ako ng magandang balita, hindi ko sila papatulan.

"Oo nga!"

"Anong movie na naman ba ang napanood mo at nag-i-imagine ka na naman?" Si Suzy. Inirapan ko silang lahat at tumalikod pero sobra ang kilig na dala ng mga katagang sinabi ni Ash kaya napapadyak na lang ako. Bwisit! Bakit kailangan niya iyong sabihin kung kailan gabi? Paano ako makakatulog nito?!

"Pota, nag-i-imagine na naman ang babaeng ito," sinamaan ko ng tingin si Mitch.

"'Di ba sabi ko sa 'yo huwag kang hihithit ng katol, Rina?" Si Kyla naman ngayon.

"Bakit ba ayaw niyong maniwala?! Tinanong niya nga ako, okay?!"

"Oh, e ano naman ang sinabi mo?" I flip my hair and turn my back at them again.

"Natural na ang pagiging marupok ng kaibigan natin, Mitch. E, ano pa ba ang sasabihin niya, 'di ba?"

I laugh. I am just so happy, okay?!

"Sinagot ko siya,"

"Agad?!"

I face them.

"Sinagot ko siya na kung gusto niya, why not! Bakit ang judgemental niyo? Patay na patay ako sa kaniya pero hindi naman ako easy to get, 'no!"

Muli akong tumalikod sa kanila. I tried to hide my smile pero talagang hindi ko kayang tiisin ang kilig.

"Halina kayo, dali! Manlilibre ako, remember? Manlilibre ako dahil naamoy ko na namumuo naming love life ni Ash!"

"Tss, dami mong alam, Rina babes! Kapag ikaw hindi sineryoso niyan, ewan ko na lang sayo."

"Excuse me? Sa ganda kong ito, hindi seseryosohin?!" I rolled my eyes.

Hindi ako tigilan ng mga kaibigan ko hanggang sa makarating kami sa night market.

"Alam mo noong una, hindi talaga ako boto diyan sa pagiging baliw mo kay Ashjon, kasi naman! Malabo naman kasing mapansin ka no'n!" Sabi ni Suzy.

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now