Chapter 37
"Thanks for coming,"
"Hm," sumimsim ako sa kapeng nasa harap. Bumuntong hininga siya at halos sabay kaming umiwas ng tingin sa isa't isa.
"Actually, I don't know where to start."
Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya. Mukha namang hindi na niya 'yon pinansin kaya pinagsawalang bahala ko na rin.
"I want to say sorry... sa lahat. 'Yon lang naman 'yong matagal ko nang gustong sabihin."
Bumuntong hininga ako. Napatingin sa kaniya at nagprotesta gamit ang mata. She apologetically smiled at me.
"But I know you need explanation, not just from your boyfriend but also from me."
Sa dami nang sinabi niya, sa isang salita lang nakuha ang buong atensiyon ko.
"He's not my boyfriend... not anymore."
"Well, as you say so."
Palihim akong umirap. Ang walang hiyang 'yon.
Umayos siya ng tayo at hinimas ang malaki na niyang tiyan. Napatingin ako roon.
"Sorry, it's kinda heavy so I'm not really comfortable in every position." She smiled.
I nooded and look at her again. She looks fine...
Okay na okay. She looks complete and happy with her life.
I just realized, everyone already moved on. While me... still here. Still hurting.
Bumuntong hininga ako at nagsimula nang ayusin ang gamit.
"'Yon lang ba ang sasabihin mo kaya ka nakipagkita?"
"Rina..."
"Aalis na 'ko," tumayo na ako pero agad niya akong pinigilan.
"The baby is not Ashjon's." Agap niya bago pa naman ako umalis. Hindi ko na napigilan ang marahas na pagtingin sa kaniya.
"Maniwala ka man o hindi pero hindi siya ang ama ng baby ko."
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko.
"Bakit mo sinasabi 'to ngayon? Ano pang kailangan niyo?"
"I want peace of mind. Gusto kong mawala 'yong guilt na na nararamdaman ko for the part few years-"
"You deserve that!"
"I know,"
I hate it. I hate that she can act like that. So calm. Hindi katulad ko na nagpupuyos na sa loob loob.
Bakit parang ako na lang ang nasasaktan ngayon?
"I hate you. Galit na galit pa rin ako."
Umiiyak ako nang iwan ko siya do'n. Lagi na lang. Laging ako ang talo.
Ilang araw pa lang simula nang bumalik ako puro sakit na ang nararanasan ko. Ano? Wala nang karapatang sumaya, gano'n? Jusko, ah.
Dahil ayokong makadala ng stress kay Calli, nagdesisyon akong 'wag na lang muna siya puntahan. Parang mas gusto ko muna ang mag-isa.
Umuwi ako sa condo. Nag-impake agad ako ng mga gamit. Hindi para bumalik sa ibang bansa pero para pumunta sa lugar na... magiging maayos ako. Kahit saglit lang.
"Ako na ang bahala sa sarili ko, Kuya. Kaya ko ang sarili ko. Aba, anong tingin mo sa 'kin, bata?" Umirap ako kahit alam ko namang di niya 'yon makikita.
"Oo na oo na, dami mo pang sinasabi. Nagtanong lang naman ako." Iritado niya ring sagot.
Aba, ang walanghiya.
"Bakit ba kasi biglaan kang pumunta diyan, bunso? May plano pa naman kami na diyan tumigil sa bahay."
Tumaas ang kilay ko.
"Hoy, Kuya! Aba't may plano ka nang ibahay 'yan?!"
"Hoy ka rin, Rina! Magbabakasyon lang!" Sigaw rin niya.
Wala talagang maayos na pag-uusap kapag kaming dalawa.
"So, sino ang dapat mag-adjust? Nauna ako sa inyo!"
"Pero mas nauna kaming magplano!"
"Hindi, doon kayo sa hotel tumigil tutal maglalandian lang din naman kayo!"
"Porque wala kang kalandian!" Humalakhak siya kaya halos mag-init ang ulo ko.
Aba't, panira ng araw!
Ang ganda ganda ng gising ko kanina sinira niya lang.
"Napakabastos mo!" binabaan ko siya ng tawag. Alam ko namang wala na ring kwenta ang mga sasabihin niya.
Nagtext ako sa mga magulang ko pati na rin kay Calli kung nasaan ako bago ko in-off ang cellphone.
This will gonna be my alone time! Wala dapat istorbo.
Ang alam ko ay bumalik na ulit si Ate Cami dito sa Palawan. Noong mga nakaraan kasi ay lagi siyang nasa ibang bansa kaya hindi na siya nakakapunta dito.
Nag-ayos ako ng sarili. I wore a simple tube for top and a maxi skirt. Also, a brimmed hat ang sunglasses. Isang beses pa akong umikot sa harap ng salamin para tingnan ang kabuuan.
Parang ako ang may ari ng beach hotel!
Dahil kilala naman ako ng mga staff ni Ate Cami, hindi nila ako sinita. Sa halip ay binati pa nila ako.
Halos lahat din ng madaanan ay napapalingon sa akin. Iniisip siguro nila ako ang may ari ng tinutuluyan nila. Well, kapatid lang.
Magpatayo na lang din kaya ako ng hotel?
I shook my head. No, not a chance. May sumpa din yata ang pagiging hotel owner.
Tatlong beses akong kumatok bago pumasok. Naabutan kong busy ang kapatid sa mga nakalatag na papel sa lamesa.
"Oh? You're here?" Gulat niyang sabi nang makitang ako ang bisita.
"Well," sagot ko at umikot sa harap niya. I kissed her cheeks.
"Why are you here? Hindi mo nabanggit na pupunta ka."
Bumuntong hininga ako at umupo sa malaking couch. Nakakapagod, ang layo rin pala ng nilakad ko.
"Biglaan lang din. Dumating ako kagabi."
"Alam ba nina Mama?"
"Yes. Nagsabi na ako kanina."
"Okay," maikling sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Tingnan mo, pinuntahan ko dito tapos magpapakalunod sa trabaho niya.
"Ang dami naman niyan."
"Marami akong naiwang trabaho,"
Napatayo ako sa biglang naisip. Tutal wala pa naman akong plano sa araw na 'to at mukha rin namang kailangan ni Ate pagtibayin ang social life niya, bakit hindi kami lumabas?!
"Bar tayo mamaya, Ate."
Ibinaba niya ang hawak na ballpen at tinitigan muna ako.
"Okay,"
Kumunot ang noo ko sa mabilis niyang pagpayag.
Aba't, nagbago na.
Hindi ko na lang pinansin pa 'yon, ang mahalaga naman ay pumayag siya.
Ang plano ko ay alone time pero hindi! Mas bet ko na ang magwalwal kasama siya!
Hindi ako umalis sa opisina niya kahit wala naman talaga ang ginagawa do'n. Nang dumating ang tanghali ay may naghatid ng lunch para sa amin.
Well, alam ko na kung bakit laging dito nags-stay ang mga bakasyonista. Bukod sa maganda na ang may ari, masarap pa ang mga pagkain.
Plus, may maganda pa silang bisita ngayon!
Hinintay kong matapos siya sa ginagawa. Sabay kaming umalis sa opisina niya at doon dumiretso suit na para sa kaniya. Pagkatapos ay sinamahan niya ako sa bahay para ako naman ang makapag-ayos.
Parang ito yata ang unang beses kong makakasama sa bar si Ate! Jusko, napag-iiwanan na nag kapatid ko!
-
♡
YOU ARE READING
Secretly Loving You (Loving You Series 2)
RomanceShe is strong outside but not inside. She talks alot, she laugh alot. She's lovely, actually. She's the real softie. The adorable and fighter Ria Nataliah weaken because of that accident. "Am I not enough?" Her favorite actress, Liza Soberano, sai...