Chapter 30

54 2 2
                                    

Chapter 30

Hinabol ako ni Kuya at Ate Cami pero hindi din nila ako naabutan. Wala akong pakialam kung gaano man kabilis ang pagmamaneho ko. 

Para akong nabibingi.

Ang dami kong tanong. But I'm always ended up crying. Why? Bakit gano'n?

All of people, bakit sila pa yung nagloko? My beloved father and boyfriend. They are just a piece of shit.

They don't deserve our trust and love.

I wipe my tears away. Iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon. I felt so alone. Calli is not here beside me, I lost my boyfriend, I lost my family, and I think, I lost myself too.

Isang tao na lang ang pwede kong puntahan sa ngayon. Siya na lang talaga.

Mula Laguna hanggang Palawan, nag-drive ako. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa 'yon, e. Hindi ko rin alam kung paanong nakarating ako do'n nang hindi nababangga.

Hindi muna ako bumaba ng kotse. Nanatili muna ako doon nang ilang minuto.

Another set of tears escape my eyes. Pota, hindi ba talaga ako mauubusan ng luha? Kanina pa, to. I sigh.

Tinuyo ko ang aking pisngi at lumabas ng sasakyan. Madilim na ang mansiyon at iilang lamp post na lang ang buhay. Sa halip na pumasok sa loob at bulabungin ang mag-anak ay sa dalampasigan ako pumunta, sa duyan na madalas kong puntahan.

Five years. Five years at sinira niya lang 'yon nang gano'n gano'n na lang.

"Rina?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Mas lalo akong naiyak nang makita si Calli kasama si Gio.

"Calli," sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.

"Ano'ng nangyari, huh?"

Iginaya niya ako sa mansiyon.

"Baka naman misunderstanding lamg 'yan, Rina. Kilala natin si Ash, mahal na mahal ka no'n. Parang hindi niya namam magagawa 'yon,"

Uminom ako sa baso na hawak ko.

"Kilala mo rin ako, Calli. Hindi ako nagko-conclude agad," I wiped my tears. "Inamin niya rin naman... inamin niya sa harap ko. Hayop siya."

"Anong plano mo ngayon, Rina?" Calli asked. Nasa likod niya si Gio.

"Ano pa ba? E, 'di ipagpapatuloy ko ang buhay ko. Hindi ko tatapusin ang buhay ko para lang... sa lalaki." Umiwas ako nang tingin sa kanila. Dahil ang totoo, hindi ko alam kung saan magsisimula ulit, kung paano magsimula ulit.

Niyakap ako ni Calli nang muling tumulo ang mga luha ko.

"Nandito lang kami." Pinunasan niya ang luha ko. "Ako, sina Mitch, si Gio, ang pamilya mo." Lalo akong umiyak.

Wala na yata akong pamilya.

"Umuwi ako sa bahay kanina. Tapos si Papa... niloko rin si Mama."

Suminghap si Calli.

"Huh? Si Tito? Niloko si Tita? Paano? Oh, my God." Hindi makapaniwala niyang tanong.

Role model namin sila, e. Goals din kasi talaga 'yong dalawang 'yon. 'Yong tipong hindi mo talaga aakalaing may lokohang magaganap. Si Papa kasi ang lalaking ibababa talaga ang pride para kay Mama kapag magkaaway sila, kahit si Mama pa ang may kasalanan.

"May ibang babae daw si Papa tapos... may anak."

"Jusko naman,"

Kahit sila na-speechless.

Ilang oras pa kaming nanatili sa sala. Hindi sila makapaniwalang magloloko ang dalawang lalaki sa buhay ko, kay Kuya sanay na sila pero pagdating kay Papa at Ash, hindi.

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now