Chapter 29

59 3 0
                                    

Chapter 29

Masama pa rin ang loob ko. Hindi lang yata puso ang masakit sa akin ngayon, pati na rin ang balunbalunan, atay, apdo at bato ko.

Ash' teary eyes keeps on hunting me. Halos iumpog ko na ang ulo ko dahil parang gusto ko siyang puntahan at mag-sorry kahit siya naman ang may ginawang kasalanan.

Ang sakit pala. Ang sakit sakit pala. Ganito pala ang pakiramdam. Napaka-life changing. Parang gusto ko nalang mawala. I just want to disappear. Right now.

Kaya ko ba 'to? Shuta, hindi ko alam kung ano ang gagawin kapag Ash na babati sa akin tuwig umaga.

That day, I cry in front of my friends. For the first time in my life, I cry front of someone.

Sabi ni Calli, ako daw ang pinakamatatag na babaeng nakilala niya, pero shit lang, hindi ko ma-appreciate 'yon sa mga oras na 'to.

Tangina nila. Mga hayop. Kung nakakapatay lang ang pagmumura, nakalibing na silang dalawa ngayon.

Tinulungan ako ng mga kaibigan ko na mag-impake ng mga gamit ko. Wala na akong balak pa na magpang-abot pa kami ni Ash. Baka mamaya ay nandito na siya dahil sabi niya kagabi ay babalik siya, kaya baka nga hindi pa siya tapos sa mga gusto niyang sabihin.

Ano ako martyr, para makinig pa kung paano sila umungol ng babaeng 'yon noong gabing magkasama sila? Huh! Pakyu silang dalawa.

"I can take you there if you want, Rina."

"Kaya ko na, Just. Three hours lang naman ang biyahe."

"Will you be okay alone?"

"Siguro," nagkibit-balikat ako.

"Rina,"

"Oo na, magiging okay ako."

Hindi ko na sila inabala pa na magpahatid sa Laguna. Mag-isa akong umuwi sa bahay.

Akala ko comfort ang mapapala ko pag-uwi ko sa pamilya ko, hindi pala. Panibagong sakit pala.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng engrandeng bahay, naririnig ko na ang sigawan nila.

Noong una, akala ko simpleng pagtatalo lang ni Mama at Papa dahil sa trabaho, pero hindi.

"Julius! Anong ginawa mo?!" Sigaw ni Mama.

"Hon, sorry. Please, sorry. Forgive me, please, Hon." 

"Sinisira mo ang pamilya natin!" Muli niyang sigaw.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa narinig. Mas pinili kong huwag munang magpakita sa kanila. Nagtago ako sa likod ng pinto.

"Ma, please, calm down." Boses ni Ate Cami 'yon.

"No! I won't calm down! Paalisin niyo 'yang tatay niyong manloloko! Get out here and don't ever come back! Doon ka sa kabit mo!"

Mariin akong pumikit, pilit na kinukumbinsi ang sarili na mali ang mga narinig.

"Hon, let's talk. Hindi ko sinasadya, please."

"Don't touch me! Get out!" Rinig na rinig ang katakot-takot na sampal na paniguradong galing kay Mama.

"Pa, Ma,"

"Pahupain niyo muna ang galit niya Pa, bago kayo mag-usap ulit, please. Mama, calm down. Lower your voice. Come on, take a rest." Si Kuya naman ngayon, halos magmakaawa na.

"Calm down?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Eizen?! Your father cheated on me! Mayroon siyang kabit, mayroong anak sa labas! Niloko niya tayong lahat!"

That breaks my heart more. My father cheated on my mother, my father is a cheater too.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Lahat sila ay bumaling sa akin. My mother's crying eyes look on me.

"Pa,"

"Anak, kanina ka pa ba? Kumain ka na?" My mother asked me, as if she's not in pain, as if she's not crying right now. My tears fell.

"Ria," tinangka akong hawakan ni Papa pero umiwas ako.

"What a cheater,"

"Anak!" Sigaw ni Mama. Agad ko siyang binalingan ng tingin. Patuloy lang siya sa pagluha katulad ko. 

Muli akong tumingin sa manloloko kong ama. Tangina.

"You are my idol, Pa, kasi akala ko iba ka sa kanila. Tatay kita, e. Pero wala e, manloloko ka rin. Nakakahiya ka, Pa. Ikinahihiya kita-"

"Ria, stop it!" Saway sa akin ni Kuya Eizen.

"Bakit, Kuya?!" I sarcastically laugh. "Ipagtatanggol mo si Papa?! Sige, magsama kayo tutal pareho lang naman kayog mahilig maglaro ng mga babae. 'Di ba?! 'Di ba playboy ka? Sige! Ipagmalaki mo ngayon ang pagiging playboy mo!" Nag-iwas siya ng tingin kasi alam niyang tama ako. Wala siyang alam kung hindi ang maglaro sa nararamdaman ng mga babae niya. "You just want to play-"

"Nakikipaglaro din naman sila-"

"Kasi 'yon lang ang ibinibigay mo!"

This pain is eating me. Para na akong masisiraan ng bait. Parang walang kahit na anong paliwanag ang tatanggapin ng isip ko.

Mama is still crying, Ate Cami is silent while my father and brother is now guilty. Dapat lang ma-guilty sila.

"Hindi niyo ba alam na kapag nagloloko kayo sarili namin ang kinu-kwestiyon namin? Sarili namin ang sinisisi namin. Pilit naming iisipin kung anong mali, kung saan kami nagkulang, h-hindi ba kami naging mabuti? May hindi ba kami naibigay? Bakit... bakit kailangang magloko? B-Bakit kailangang manakit? Deserve ba naming masaktan? Deserve ba naming lokohin?" Puno ng hinanakit na sabi ko sa kanila.

Walang gusto magsilita.

"Mahal naman namin sila ah, bakit sakit yung nakuha naming pabalik? Nagmahal lang naman kami ah, nagmahal lang naman ako... bakit ganito kasakit? Bakit ang sakit niyo mahalin?" Nagsunod-sunod ang paghikbi ko lalo na nang makita ko ang mga reaksiyon nila. 

"Ash also cheated on me. He's also a cheater like both of you." Mapait akong humalakhak. Rinig ko ang pagsinghap nila at lalo pang humagulhol si Mama.

"That asshole," my brother violently kick one of our one-seater couch. Gusto kong matawa sa naging reaksiyon niya. Bakit siya nagagalit e, parehas lang naman sila?

"Ako ang nagbabayad ng mga kasalanan niyo. Ako yung nasasaktan ngayon. Sakin napupunta ang karma."

Karma is a bitch. Tangina, bitch nga.

I am emontionally and mentally in pain. My mind is fucked up, my heart is fucked up. My life is fucked up.

"Pare-parehas lang kayong mga lalaki." I said as I turn my back from them.

Umuwi ako sa kanila dahil gusto kong gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain na mas lalo lang akong masasaktan sa pag-uwing ito.

Lahat yata ng lalaking mahal ko, sasaktan lang ako.

Ipinapangako ko, hinding hindi na ako magmamahal ulit. Tangina, hindi na talaga.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now