Chapter 15

41 3 0
                                    

Chapter 15

Malaking pagkakamali ang sumama sa kanilang dalawa.

"Open your mouth, babe."

"Stop it, Roger." Isinumping ni Kuya Roger ang mga takas na hibla ng buhok ni Ate sa kaniyang tainga.

"Come on, isa na lang. Say ah!"

Padabog kong binitawan ang kutsara at tinidor. I look at them sharply.

"Nakakawala kayo ng gana kumain," ngumuso ako.

Tumawa lang si Kuya Roger. Ship ko talaga silang dalawa pero ngayon na sa harap ko sila naglalandian, ibang usapan na yon!

"May single dito, oh! Konting respeto naman!"

They burst out laughing. Itutusok ko sana sa lalamunan nila ang tinidor ko pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

Mga bwisit! 

"Bakit ba hanggang ngayon single ka pa rin, Rina? Wala ka bang napupusuan o hindi ka napupusuan ng napupusuan mo?" Humagikhik pa siya.

"Well, Rina is waiting for someone." Ate Cami said. "But we really don't know if the guy likes her, too."

Muli akong kumain at nakinig sa pagchichismisan nila na para bang wala ako sa harap nilang dalawa.

"Mahirap yan! Kapag ang lalaki hindi nagpakita ng motibo, wala yan! Mag-move on ka na lang, Rina. Huwag ka na umasa pa diyan." Umiling pa siya na akala mo ay dismiyado.

"E kung siraan kaya kita kina Mama at Papa? Tapos bad shot ka na agad kay Kuya kapag sinabi kong may babae ka pa. What do you think, Kuya Roger, hm-"

"Nako! Habang may buhay, mag pag-asa. Don't lose hope, sister-in-law! Laban lang." I rolled my eyes.

Matapos ang nakakamatay na lunch kasama nila ay nagpaalam na ako at agad na akong bumalik sa mansyon para kuhanin ang mga gamit ko.

"Aalis ka na agad, Rina?" Nagulat ako nang madatnan ko si Calli sa sala at hinihintay akong makababa. I smiled at her weakly. As much as I wanted to stay here for long, I can't.

"Yup. Gusto ko na magtagal dito pero hindi kasi pwede, may klase ako bukas."

Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang kaniyang tiyan.

"Mag-iingat ka lagi, Calli. Take care of the little angel inside your tummy, okay? Aalagaan ka din naman ni Razam. Tumawag ka lang sa akin kung may kailangan ka, pwede rin naman kay Ate pero baka busy yun sa paglalandian nila ni Kuya Roger kaya huwag mo na lang abalahin." Tumawa ako.

I miss her. Kahit na magkasama kami ngayon, miss ko pa rin siya. I miss the old time.

Ang mga bardagulan namin, mga moment sa school, pagbisita niya sa condo at ang pagsuporta niya sa kabaliwan ko kay Ash.  God! I really miss that.

"How are you?" She suddenly asked.

"I'm fine? I miss you." Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"I miss you, too. I miss going to school. I miss our friends. How are they?"

"They are fine. Miss ka na din nila. Lagi kang tinatanong ni Kyla pero hindi ko naman siya masagot kasi bawal." I sigh.

I don't know what to do, really. When sadness striked on me, I don't know what to do. I don't have my family beside me and I also don't have Calli beside me.

May kani-kaniya kaming buhay pero hindi ko mapigilan ang umasa at sumandal sa kanila. Nasanay lang siguro ako na lagi akong may natatakbuhan na Calli sa oras na malungkot ako.

"Sige na! Aalis na ako. Baka mahuli ako sa flight. Sabihin mo na lang kay Razam na hindi ko na siya hinintay. Mag-ingat ka dito." I kissed her cheeks and hugged her.

"Mag-ingat ka din."

I bid my goodbye to her. Goodbye is not really good.

Ayaw ko talaga ng may umaalis.

Hindi na ako pumunta pa sa opisina ni Ate Cami para magpaalam. Tinawagan ko n alang siya at sinabing umalis na ako. Gusto kong bisitahin si Mama at Papa pero kulang na ako sa oras. Bakit ba kasi ang lalayo namin?!

I kill my boredom by chating my friends. Hindi ako gaanong nakapagphone sa Palawan sa gusto kong ibigay ang buong atensiyon ko sa kanila.

Suzy:
Hoy, Rina! Kailan ka uuwi? Bakit hindi ka nagrereply?!

Mitch:
Baka naman may love life ka na diyan kaya hindi ka na nagrereply sa mga chat at text namin!

Rina:
Nanay ko ba kayo, huh?

Alas osto na pero hindi man lang ako dinadalaw ng antok. May pasok pa ako bukas!

Lheo:
You missed Ash' gig. Nagpunta kami. I have a video, you want me to send it to you?

Rina:
Sige lang.

Kyla:
May kasama nga palang babae bebe mo.

Kumunit ang noo ko. Pinanood ko ang video na sinend sa akin ni Lheo at nakita ko nga ang babaeng kasama ni Ash. Ngunuso ako. May hindi maipaliwanag na pakiramdam ako mula sa kalooban ko.

Kahit hindi naliwanag, naaninag ko pa rin ang maputi niyang balat. Nakasuot siya ng kulay itim na dress at hanggang hita niya lang iyon pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito mula sa camera.

Shuta, ang sexy!

Rina:
Dalawang araw lang akong nawala tapos may kasama na agad siyang ibang babae?! Dapat ko na ba siyang hiwalayan?!

Kyla:
Lol

Suzy:
Gising,

Lheo:
Nananaginip ka ba?

Mitch:
Mahal ka pa rin namin.

Nakipag-chat ako sa kanila hanggang sa alas diyes ng gabi. Puro kawalanghiyaan lang naman ang mga sinabi nila. Itatago ko na sana ang cellphone ko nang nay nagtext.

From: Unregistered number
Hi,

Kumunot ang noo ko. Siya ang bumati sa akin noong birthday ko. I shrugged my shoulder and type my reply to him.

To: Unregistered number
Hello?

From: Unregistered number
How are you?

To: Unregistered number
Okay lang.

Nalibang ako sa pakikipag-usap sa tao sa likod ng number na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-text sa kaniya.

Hala, Rina! Nagtataksil ka kay Ash!

I saved that number and named 'Kataksilan'.

Agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko. They are waiting for me in a coffee shop near our school.

"Namiss ka namin, Rina babes!" Sinunggaban ako ng yakap ni Kyla.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"Ang arte! Nakalanghap ka lang ng hangin sa Palawan, ganiyan ka na?!" I flipped my hair.

"Nakalanghap din ako ng sama ng loob." Sabi ko dahil naalala ko ang landian ni Ate Cami at Kuya Roger sa harap ko.

"Wala ka bang pasalubong diyan?" Kinuha nila ang bag ko at hinalikwat.

"Sama ng loob, gusto niyo?"

"Ay! No, thanks. Marami na din kami, e." Sabi ni Suzy at inirapan ako.

Sabay sabay kaming pumasok sa school pero humiwalay din sa amin si Suzy at Ryan dahil iba ang building nila.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now