Chapter 5

60 5 0
                                    

Chapter 5

Kanina pa kaming nag-iikot dito sa mall pero wala pa rin kaming napipili. Ang arte kasi ng lalaking ito, gusto daw niya ay something na nakakapagpaalala sa kanya. Akala mo naman ay mamamatay na!

"Nakakapagod itong ginagawa natin Just! Bibili ka ba ng regalo o lalakad na lang tayo dito?"

"Saglit na lang, Rina. May date ka ba?" inirapan ko siya.

"Bibigyan mo ba ako ng kadate?" ngayon ay siya naman ang umirap sa akin.

"Wala nga akong lovelife, I can't be a cupid for you." nanlaki ang mata ko. Razam version two siya. Mga hindi makamove-on sa babae!

"Broken ka pa rin ba sa pag-iwan sa'yo ng ex mo hanggang ngayon? Hina mo naman, gusto mo bang iseminar kita kung paano mag move-on?" magaling ako pagdating diyan, hindi ko nga lang alam kung bakit hindi tumalab kay Razam at Calli.

Hindi man nila natatanong ay ako ang lapitan ng mga taong gusto na magmove-on. Seminar ni Ria Nataliah is the key! 

"I don't need that seminar thing."

Pumasok kami sa isang book store. Wala masyadong tao dito dahil weekdays. Weekend madalas dumudumog ang mga pamilya sa mall.

Halos mabali ang mga leeg ng mga saleslady nang dumaan si Justien sa harap nila, ni hindi nila ako pinansin.

"Do you need help, sir?" tanong pa ng isa sa kanya. I rolled my eyes. Great.

"I don't." sagot ni Justien. Hindi man siya nagsungit ay parang ganoon ang lumalabas dahil sa natural na masungit ang boses niya.

Pumunta siya sa section ng mga libro. His three years old son loves to read books. Kahit bata pa ay kakakitaan mo talaga na matalino.

Bakit ang mga bata ang pinagpalang maging matalino habang ako ito na matanda hindi man lang naambunan? Unfair!

"Pinaglihi ba sa libro ng asawa mo ang anak niyo, Just?" he glared at me. "What?"

"Shut up."

Init naman ng ulo.

Hindi ko na lang siya ginulo at mukhang seryoso siya sa pamamaalam niya sa anak niya, chos! Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya. Ayaw ko namang mabigwasan niya ako, 'di ba?

Sari-sari ang naroon. Agad akong humahip ng isang romance novel.

Hindi lang panonood ng drama ang hilig ko, mahilig din akong magbasa ng mga novel. Sa pagbabasa na lang ng mga novel ako kinikilig, ang bagal kasi kumilos ni Ashjon. Char.

Si Justien na ang nagbayad ng binili ko. Puro libro at school materials ang binili niya para sa kay Won.

"Good afternoon, sir, ma'am. Table for two?" bati sa amin ng isang crew pagpasok sa isang mamahaling restaurant. Yayamanin ang kasama ko kaya dito niya napiling kumain ng dinner.

"Yes, please." si Justien.

Our dinner went well. Sa mamahaling resto ka ba naman dalhin. Pasado alas syete na ako nakauwi. Dahil hindi ko dala ang sasakyan ko, hinatid niya pa ako sa condo ko.

Stressfree ako sa mga susunod na araw. Naipasa ko na ang mga plates ko kaya wala na akong problema. Being Architecture student is not really easy.

I took a quick shower before jumping on my bed. I called Calli. Pagkatapos ay natulala na lamang sa puting kisame.

One day had passed again.

I sigh. This feeling is eating me whole. Yung feeling na parang gusto mo na lang maging patatas.

Lumabas ako ng kwarto ko. Nagluto ako ng popcorn bago pumwesto sa carpet. I open the TV.

Malaki ang condo ko para sa sarili ko. But I like it like this. Ayaw ko sa masikip na lugar. Gusto kong malawak ang malilibot ng aking mata.

Nagsimula nang ipakita ng mga artistang gaganap.

Starring Liza Soberano and Enrique Gil.

My ex and why's

I really love this movie. I don't know why, siguro ay dahil sa mga pinagdaanan ni Cali.

Actually we're the same. Katulad niya, takot akong magmahal. Hindi ko alam kung bakit pero takot akong magmahal. Takot akong mahulog sa malalim na balon na walang kasiguraduhan makaahon pa. Katulad ng nararamdaman ko kay Ashjon ngayon.

Wala pa akong nakakarelasyon. Feeling ko walang deserving sa pagmamahal ko. Feeling ko lahat sila sasaktan lang ako, katulad ng mga napapanood at nababasa ko. But when it comes to that guy, ewan, kahit may takot at pangamba ay handa akomg sumugal, handa akong magpakalunod sa malalim na balon. Kahit hindi niya ako mapansin.

Cali... She's like Calli, my bestfriend. They are brave. Kaya nilang lampasan lahat. Ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag ako ang nasaktan.

I am look strong outside but fragile inside. Hindi ko kayang maghandle ng sakit. 

Pero keri lang. Aasa ako sa kaniya hanggat kaya ko. Kahit para akong tanga.

Lahat kaming magkakaibigan ako lang ang single! Naa-out of place ako kapag magkakasama kaming lahat kasi sila may jowa ako wala!

Si Kyla jowa si Gelo, tapos si Mitch at Lheo, at si Ryan at Suzy. Noon kapag magkakasama kami, ako lang ang walang partner.

Ang alam nila may inaantay ako pero hindi nila alam natatakot lang talaga akong ma-attached. Being in love is the most scary thing.

At napatunayan ko na iyon ngayon. Nakakatakot talaga. Lalo na kung walang papawi sa takot mo.

Kasalukuyan ng nagtatalo ang dalawang bida sa screen. Gio is explaining his side.

But Calli is right. Bakit kailangang maging excuse ang pagiging lasing kaya ka nakagawa ng ganoon? Bakit parang kasalanan pa ng alak?

Nainis din ako kay Gio noong unang nood ko sa movie na ito. Nagpakalasing siya. It was his fault. At the first place, bakit siya tumanggap ng alak at nagpakalasing kung alam niya naman palang mawawala siya sa wisyo? 'Di ba?

Nagpakalasing ka bacause it's your choice. I short, choice mo rin ang magloko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakinggan ang mga hinaing ni Cali.

Right. Mahirap sa kanya ang magtiwala pero nagtiwala siya kasi mahal niya at nangako siya.

How about me? Kahit ba takot ako, isasantabi ko ba iyon dahil mahal ko siya?

Everything is just a game. Kapag mahina ang loob mo talo ka. Pero paano naman akong hindi ginusto ang larong ito pero wala akong magawa dahil pilit akong isinali, di ba? So unfair.

I used to be this lonely now. Ilang buwan ng wala si Calli. Nasanay na rin ako.

I sleep with tears in my eyes.

Hanggang kailan ba ako aasa at matatakot? 

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now