Chapter 35
"Dapat uminom ka kaagad ng gamot, Rina." Sermon sa akin ni Calli.
"Walang gamot sa bahay, tinatamad akong pumunta sa pharmacy." Sagot ko. Ipinatong ko ang aking braso sa mukha.
Ang saki ng ulo ko. Sobrang init din ng buong katawan ko, pero kaya ko naman.
"Pero dito hindi ka tinamad pumunta?"
"Syempre naman,"
Nilapag ni Calli sa center table ang batya.
"Sa guest room ka na magpahinga," sabi niya bago sinimulang punasan ng basang tuwalya ang braso ko. "Rina,"
"Mamaya na, dito muna ako." Sagot ko at lalong nagsumiksik sa sofa.
"Ang tigas talaga ng ulo mo,"
Humalakhaka ko.
"Nanay na nanay talaga, ah." Asar ko pa sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Bahala ka diyan," hinagis niya ang basang towel sa mukha ako bago umalis para pumunta sa kusina.
Pikon talaga.
Tumayo ako at sinundan siya. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng lulutuin.
"Pero okay lang talaga ako, Calli. Kaya ko naman. Wala lang talaga akong kasama sa bahay kaya pumunta ako dito."
Umupo ako sa high chair at pinanood siyang magpaka-chef.
I smiled.
I sometimes envy her. She's now settled with her family while my life, still pointless.
Masaya na siya kasama ang pamilya niya at masaya rin ako para sa kaniya. She deserved this, she deserved a happy family. Sa dami ng pinagdaanan niya, madamot na talaga ang mundo kung hindi pa rin siya magiging masaya.
Naghintay ako doon hanggang sa maluto ang niluluto niya. Nagpapaka-chef siya kaya kailangan niya ng audience.
"Masarap?"
"Hm, pwede na." Tumango-tango ako.
Tumawa siya at binato ako ng apron. Ngumiti ako. Napatungo ako sa pagkain sa harap.
"Thank you,"
"Para saan?"
"Basta, thank you."
"Rina, mahal ka namin." Hinawakan niya ang kamay ko. "Pamilya mo na rin kami. Hindi ka lang best friend para sa 'kin, kapatid na kita."
Ngumiti ulit ako at niyakap siya.
Pota, ang swerte ko dito. Malas man ako sa pag-ibig, suwerte naman ako sa kaibigan.
Naputol lang ang daldalan namin nang tumawag si Gio.
'Yan si Gio talaga, laging wrong timing. May deep talk pa kami ng asawa niya, e.
"Rina, wala na palang gamot dito sa kit. Bibili lang ako,"
"Ako na," presinta ko, ako rin naman ang iinom no'n.
"Huh, sure ka? Hindi na ba masakit ang ulo mo?"
Umiling ako. Kinuha ko ang susi ng sasakyan sa table.
"Kaya ko naman,"
"Mag-ingat ka," bilin niya, kumindat ako sa kaniya saka tumalikod. "At saka," pahabol niya. "Ibili mo na rin ako ng tatlong pregnancy kit."
Napatigil ako sa paglalakad. Nabitin sa ere ang kamay ko na dapat ay magbubukas ng pinto. Gulat akong bumaling sa kaniya, bago bumaba ang paningin ko sa tiyan niya.
Tangina?!
"I'm not sure yet, please, huwag mo akong tingnan ng ganiyan." Umirap siya. Tumaas ang kilay ko.
Shit. Ang lakas naman ni Gio, nakadalawa na.
"Come on, Rina. Umalis ka na nga," naiinis niyang sabi. Pinagtulakan na niya ako palabas.
Isip ako nang isip habang nasa biyahe. Lagi ko siyang kasama, buntis pala siya. I was always hanging out with a pregnant woman. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. But nevertheless, I'm happy for them.
Pero pota, nakakadalawa na ang mag-asawang 'yon tapos ako single pa rin?! I cannot!
Pinark ko ang sasakyan sa harap ng parmacy, pero hindi ko na nagawa pang lumabas.
The people happily talking in front made me stop. May ngiti sa mga labi niya. At parang mas madurog ako nang haplusin niya ang malaking tiyan ni Lazzy.
They are together. Smiling. Talking while caressing her baby bump. In front of a pharmacy.
Bumagat ang dibdib ko. Nagsunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko.
This is a heart melting scene but not in my point of view. This is nothing bit a heartbreak.
Ngayon ko ipinagpapasalamt na heavily tinted ang kotse ko dahil pakiramdam ko ay nakikita niya ako mula sa labas.
Marahas kong pinunasan ang basa kong mukha. Binuhay ko ulit ang makina at umalis sa lugar na 'yon.
Para akong tangang umiiyak habang nagd-drive. Mabuti na lang ligtas akong nakarating sa iba pang pharmacy.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili bago lumabas.
I walk with grace, parang hindi galing sa pag-iyak.
Binili ko ang dapat bilhin at dali-daling bumalik sa bahay nina Calli. Mabuti at magaling akong magpanggap na ayos lang kahit ang sakit na.
"Calli!" Sigaw ko pagpasok na pagpasok. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan kaya tumakbo ako para alalayan siya. "Huwag kang tumakbo, shuta ka."
Inabot ko sa kaniya mga gamot kasama na ang pt na pinabili niya.
"Try mo na,"
Nakangit niya 'yong tinanggap pero ramdam ko ang kaba niya. Ramdam ko na rin ang takot.
Uminom ako ng gamot habang hinihintay siyang lumabas ng banyo.
Habang tumatagal siya, lumalala ang takot ko. My anxiety is attacking again.
Agad akong tumayo nang lumaba siya dala ang tatlong pregnancy test.
"Oh, my God." Maluha-luha si Calli. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Positive,"
Inabot niya sa akin ang pt para ipakita ang resulta. Two red line. Gano'n din sa dalawa pa.
"C-Congrats," nanginig ang labi ko. Ibinalik ko sa kaniya ang pt. Hindi ko na namalayan na humahakbang na pala ako paatras nang akma niya ang yayakapin.
"Rina?" Naguguluhan niyang tawag sa 'kin.
Umiling ako. Ang pabaya ko, hinayaan ko siyang mapalapit sa 'kin.
"Don't come near me, Calli. Diyan ka lang."
"Rina, bakit..."
"Basta!" Namuo ang mga luha ko. Muling bumalik ang mga alaala noon.
Dugo. Madaming dugo.
Umatras ako ulit. Hindi ako naman sinasadya 'yon. Hindi ko ginusto.
"Rina, bakit? Anong problema?" Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako uit.
"Huwag ka sabing lumapit, Calli!" Sigaw ko. Halos manginig na ang buo kong katawan.
"Bakit nga?"
Hindi ako makasagot.
"Anong nangyayari sa inyong dalawa? Rinig ko sigawan niyo sa labas." Sabay kaming lumingon ni Calli sa bagong dating, si Gio karga si Calla. Pinahid ko ang luha ko.
"Oh, nandito ka na pala. Aalis na ako." Hindi ko na sila nilingon pa.
Lumabas ako ng bahay nila nang hindi sila tinitingnan.
Natatakot ako. Sobrang natatakot ako.
Agad kong pinaharurot ang kotse ko.
Nakapatay ako noon. Kaya natatakot akong baka anak naman nila ang mapatay ko ngayon.
-
♡
YOU ARE READING
Secretly Loving You (Loving You Series 2)
RomanceShe is strong outside but not inside. She talks alot, she laugh alot. She's lovely, actually. She's the real softie. The adorable and fighter Ria Nataliah weaken because of that accident. "Am I not enough?" Her favorite actress, Liza Soberano, sai...