Chapter 26

45 3 0
                                    

Chapter 26

Nanliliit ang mata ko habang nakatingin sa dalawa. Hindi makatingin sa akin si Ate samantalang malaki ang ngisi ng lalaki na hanggang ngayon ay may lipstick pa sa labi.

"May lipstick ka pa sa labi, Kuya." Umismid ako.

Ang haharot, grabe!

"Oh," humalakhak siya kaya gano'n na lang ang sama ng tingin ni Ate sa kaniya.

Hinintay ko muna na ayusin nila ang mga sarili nila at magmukhang presentable sa akin. Talaga namang nag-iinit ang ulo ko sa dalawang ito.

"Ang harot niyo," panimula ko.

"Rina!" saway sa akin ni Ate.

"Huh?! May comeback ba na naganap, Ate?! Bakit hindi ako na-inform?!" Para akong bata na nagmamaktol.

"Wala pa naman, sis." Akma kong hahampasin si Kuya Roger nang pigilan ako ni Ate.

"Pero may tukaan? Grabe huh," ngisi lang ang tanging isinagot niya sa akin.

"Lagi ko na lang ba kayong maaabutan ma gumagawa ng milagro dito?" Mas namula ang pisngi ni Ate.

Totoo naman. Noon ay halos maka-home run na si Kuya sa kaniya dito pa sa sofa sa opisina. Kung hindi siguro ako dumating at nangyari na ang dapat mangyari. Hindi naman marunong mag-lock ng pinto.

"What do you need, Rina?"

"Wala naman! Hindi na ba ako pwedeng mangumusta sa 'yo, Ate? Porket nandito na ang ex mo? Sakit mo naman, 'Te."

Hanggang sa maggabi ay ginambala ko silang dalawa, mahirap na baka magkaroon ako ng pamangkin nang maaga, 'de 'chos lang.

Boto naman talaga ako kay Kuya Roger, hindi ko lang talaga alam kung ano ang nangyari sa kanila, kung bakit sila nag-part ways ilang taon na ang nakakalipas. Hindi ko naman 'yon kwento para ikwento pa, at talagang malihim si Ate Cami.

At gusto ko lang talagang makasama si Ate, matagal na rin noong huli kaming mag-bonding. Abala ako sa trabaho ko habang siya naman ay nagpapakabanal sa loob ng opisina niya.

"Restaurant 'yan, 'Te." Turo ko sa resto na nadaanan namin, dahil baka kako hindi niya na alam kung ano 'yon. Umirap lang siya sa akin.

Kinabukasan ay tumulak na ako pabalik sa Manila. Mayroon pa akong trabaho na dapat tapusin. Balak ko kasing tumigil muna sa Palawan at doon magtrabaho pansamantala. 

Si Ash ang sumalubong sa akin pag-uwi ko sa Manila. Malaki ang ngiti niya, gano'n din ako. Ilang araw din kaming hindi nagkita.

"Welcome back, Rina." Sinalubong niya ako ng yakap, bukal sa loob akong yumakap pabalik sa kaniya. "I missed you," maraming halik ang ibinigay niya sa pisngi ko.

"Na-miss din kita! Grabe naman, parang galing akong ibang bansa, ah?" Humalakhak siya dahil may hinanda pa raw siyang mga pagkain para sa akin.

Balik-bayan na balik-bayan ang dating.

Napakarami niyang pagkain na hinanda. Parang may handaan. Lahat ng paborito ko ay present din.

"Bibitayin na ba ako pagkatapos nito?" Humalakhak siya sa sinabi ko at ipinaghila ako ng upuan.

"Namiss kong ipagluto ka, you're away for almost a week." Umupo na lang ako at hindi na nagsalita pa. Umupo rin siya sa tabi ko.

Pagkatapos ng kainan session naming dalawa ni Ash ay sa living room ng unit niya naman kami tumambay.

Tuwang-tuwa siya tuwing makakakita siya ng baby sa screen, sabi ay gusto na daw niyang magka-anak. Aba, hawak ko ba sperm cell niya? Hindi naman, 'di ba?

"I want to have a baby, Rina."

Hindi ako sumagot sa kaniya dahil abala ako sa ginagawa.

"You don't want to have a child? You don't want us to have... a child?" Maya-maya ay tanong naman niya. I sigh. Hindi lang sumagot, ayaw na agad?

"Hindi naman sa gano'n. Having a child is a different thing. Alam mo 'yon, everything will changed, our status, our responsibilities. At alam mo naman kung gaano kahirap 'yon. Baka hindi pa tayo handa, babe."

"I thought you don't want me to be the father of your child. We never did the, you know, love making..." tumawa ako sa sinabi niya. Hindi naman sex ang habol namin sa isa't isa, apat na taon na kami pero hindi pa namin nagagawa ang bagay na 'yon.

"Virginity is the best gift for a husband or wife. Gusto kong i-preserve natin yon."

"Mahalaga pa ba 'yon, babe?" Nakanguso niyang tanong.

Sa maniwala man kayo o hindi, wala pa rin siyang karanasan tulad ko. Ewan ko sa kaniya, sabi niya ay wala daw siyang oras noong college siya dahil puro aral at music lang naman daw ang nasa isip niya noon. Nerd pero hindi mukhang nerd, basta, 'yon 'yon.

"Napakahalaga no'n para sa akin, Ash."

"You're anti-sex before marriage, huh?"

"Super," umayos ako ng tayo, lahat ng atensyon ko ay nasa kaniya na. "Naiinis nga ako kapag may nakikita akong buntis na bago magpakasal, kasalan 'yon, e. Pero choice naman nila 'yon at labas ako do'n." Ngumuso ako. Tumango rin siya, nakikiayon sa akin. 

"I want a boy as our first born, and then, baby girl."

Nakatalikod ako sa kaniya pero alam kong nakangiti siya sa mga oras na ito. Ganoon din ang gusto ko.

Tumunog ang cellphone niya dahil sa pagdating ng isang mensahe.

"Read it for me, babe." Sabi niya dahil abala na siya sa pag-ipit sa buhok ko.

From: Nate
Hindi ka ba talaga pupunta, Ashjon? BGC kami, sakaling mag-iba ang isip mo.

"Galing kay Nate,"

"Anong sabi?"

"BGC daw sila. Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Tanong ko. Kinamot niyang kaniyang ulo na para bang nahihiya sa akin.

"Baka kasi ayaw mo na sumama ako sa kanila."

"Huh? Ash, okay lang. Ano ka ba?!"

"But-"

"Ash, you still have a life outside this relationship. Hindi kita pipigilan na gawin ang mga bagay na nakasanayan mo na. And don't stop yourself. Hindi naman kita pagbabawalan. Just inform me para hindi ako mag-alala, okay?"

Para siyang batang pinagsasabihan. Tumawa ako at hinaplos ang pisngi niya.

"And know your limitations, okay?"

Kaya naman sa mga sumunod na araw, hindi niya na pinipigilan ang sarili niya sa sumama sa mga kaibigan. Nakakatuwa lang dahil bawat galaw niya ay sinasabi niya sa akin. Parang tanga.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now