turtitu (There, I said it na)

13.7K 546 6
                                    

(A.N. Sakit sa brain. Hirap maging single walang inspiration huhu kaya natatagalan ang update e)

Carlo's POV:

Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi na nagseselos ako e tsaka mahal ko naman talaga siya.

Ewan ko ba. Bigla nalang kasi uminit ang ulo ko ng makita ko siya na may kausap na ibang lalaki. Oo na selos na kung selos basta ang alam ko akin lang si Nico at wala ng pwede umagaw.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ulit ako nagsalita.

"Ayaw ko ng makikipag.usap ka sa ibang lalaki ha" seryoso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Siya naman ay nanlaki ang mata sa sinabi ko.

"At bakit naman bawal ha?" mataray na tanong niya sa akin.

"Dahil ayaw ko" sagot ko naman sa kanya.

"Excuse me! Bakit naman kita susundin? Ano ba kita?" nagdikit nanaman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Nakakainis na 'tong lalaking 'to ah.

"Dahil boyfriend mo ako. Kaya may karapatan akong pagbawalan ka" sigaw kong sabi sa kanya. Pinag.iinit nanaman kasi niya ang ulo ko.

"Hindi porket boyfriend kita pwede mo na akong pagbawalan basta basta. Tsaka bakit mo ba ako sinisigawan ha?" sigaw niya sa akin sabay tulak sa balikat ko.

Huh? Ano daw?

Imbes na magalit ako sa sinabi niya ay bigla nalang ako napangiti.

"So tayo na nga?" nakangiti kong sabi sa kanya. Siya naman ay biglang napatakip sa bibig sabay iwas ng tingin sa akin.

"H-ha? Wala akong sinabi ha" sagot niya habang nakatingin sa ibang direksyon.

"May sinabi ka tsk! tsk! tsk! at wala ng bawian yun hehe" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya tsaka pinaharap sa akin.

Lalo akong napangiti ng makita kong namumula ang mukha niya. Ang ganda talaga niya. Lalo pa ngayon na nakadamit pangbabae siya at naka.make.up, siya na talaga ang nararapat sa akin.

"Bitiwan mo nga ako" hindi parin siya natingin sa akin kahit nakaharap na ang kanyang mukha sa akin.

"Bibitawan lang kita kung lilinawin mo ang sinabi mo kanina" nakatingin ako sa mata niya kahit hindi siya natatingin sa akin.

"Narinig mo na di ba? so yun na yun" natatawa ako ng sabihin niya yun dahil halatang nahihiya siya.

"Ano nga yun? hindi ko narinig ng ayos e" narinig ko naman ang sinabi niya kanina pero gusto ko yung siya mismo ang magsabi.

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya.

1. . .

2. . .

3. . .

tagal!

"Ano na?" tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya.

Pumikit muna siya tsaka huminga ng malalim at inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanyang magkabilang pisngi.

"Oo na! Tayo na! There, I said it na. Nakakainis ka" sigaw niyang sabi sabay hampas sa aking dibdib tsaka tumalikod sa akin.

Lalong lumapad ang mga ngiti sa aking labi dahil sa narinig ko. Napatalon ako sa tuwa at nagsabi ng "Yes" sabay taas ng isang kamao sa ere hehe.

Ang saya ko. Ganito pala ang feeling kapag siya mismo ang nagsabi na kami na.

Hindi na ito pag.a.assume lang dahil totoo na 'to wooohoooo!!!

Nico's POV:

"Oo na! Tayo na! There, I said it na. Nakakainis ka" sigaw kong sabi sa kanya sabay tulak sa kanyang dibdib.

Tumalikod nalang ako sa kanya dahil ayaw kong makita niya ang mukha ko dahil sinisiguro ko na sobrang pula na nito.

Ano ba yan nakakahiya. (>,<)

Ano na ang gagawin ko? Kung bawiin ko nalang kaya, sabihin ko joke lang. Oo nga tama!

Pero bigla ko nalang naramdaman na tumalon si Carlo at narinig ko pa na napa."Yes" siya.

Patay!

(π^π) huhu

Lagot ako nito. Sasapakin ako nito kapag sinabi kong joke. Kasi kahit hindi ko siya kaharap ay ramdam ko naman na masaya ang loko.

Bigla nalang akong nanigas sa kinatatayuan ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

*tugdug*

*tugdug*

*tugdug*

Pauli-ulit na sigaw ng puso ko. Dahil hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Carlo. Bigla nalang niya ako niyakap mula sa aking likuran bahang ang kanyang mukha ay nakasiksik sa leeg ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit kapag malapit ako kay Carlo bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko at lahat ng sistema ko nagugulo. Oo gusto ko siya pero hindi ko pa siya mahal. O baka naman mahal ko na siya. Waaaaaaah agad na? Ang bilis naman.

"C-car-lo!" halos mautal ako dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

"Hmmmmmn" tugon niya sa akin habang hindi gumagalaw sa kanyang pwesto.

"A-ano ka-si e" ganun parin ang tono ng boses ko dahil hindi ko magawang pakalmahin ito. Pano ba naman kasi ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg na lalong nakakapagpakaba at nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Shhhhh let's just stay this way. Gusto ko lang i.enjoy itong pagkakataon na ito dahil opisyal na tayo na talaga" shit Carlo wag naman, kinikilig na nga ako lalo mo pa akong pinakikilig.

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Carlo. Hindi ko alam pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko na humawak sa mga kamay ni Carlo. Ang gaan sa pakiramdam. Ganito pala ang feeling, ang sarap (^,^)

Siguro, baka o talagang mahal ko na si Carlo.

~~~~~~~~~♥♥♥♥♥~~~~~~~~~

*Please support ng story ni Sabelle at Vlad (Dear Ex, I Love You) thanks po. Kaya minamadali ko ang story ni Nico dahil sa story ni Sabelle baka kasi maabutan niyo dun ang ending nito e mahirap na ongoing pa kasi.

~~~~~~~~~♥♥♥♥♥~~~~~~~~~

*dont forget to vote and to comment para masaya ang bida

*follow me na rin

*salamat po sa patuloy na pagbabasa ng story ko. . .mwah mwah mwah

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon