wAn (first kiss)

39.1K 1K 18
                                    

(A.N maiksi lang ito promise)

Nico's POV:

Ang dami namang lover sa paligid damang dama mo talaga na valentines day ngayon dahil kahit saan ka lumingon puro couple. Lahat sila inlove maliban nalang sa mga single na kagaya ko, oo naiinggit ako. Sino ba naman ang hindi maiinggit sa nakikita ko e konti nalang kakabogin na nila ang asukal sa sobrang sweet. Haist.

Kahit na naiinggit nagpatuloy nalang ako sa paglalakad para makadating agad sa room. Tanggap ko naman na ang isang tulad ko walang magkakagusto. Certified book worm kaya nga nerd ang tawag sakin ng mga babaeng nakakakita sakin sa school at ang mga lalaki naman "trasher" ang tawag nila saken. Saklap ha. Pero sanay na ako almost one year na ako dito sa university hindi pa ba ako masasanay.

Im Nico Chua half chinese ako. Bunso ako sa apat na magkakapatid at lahat kami puro lalaki. Alam ng family ko na bakla ako pero not the usual gay na kumekembot at mahilig mag makeup mas komportable ako sa pagdadamit pang lalaki. Dalawa sa kapatid ko ay kasama kong nag-aaral dito sa university. Si kuya Xander at kuya Jasper pareho silang sikat sa school si kuya Xander varsity player ng basketball, si kuya Jasper naman sikat na model at kasali siya sa drama club. Over protective silang dalawa sakin kaya kapag may nangbubully sakin sila ang mga knight and shinning armor ko hehe.

Bago ako pumasok sa room dumaan muna ako sa locker ko para kunin ang iba ko pang gamit. Hindi na ako nagulat ng may makita akong papel sa loob ng locker ko. Ganito kasi ang mga babae mangbully sakin naglalagay sila ng kung ano-ano sa locker ko, minsan mga larawan ng lalaking nakahubad at minsan naman mga lalaking subo ang ari ng isa pang lalaki. Kaya agad ko itong itinatapon ang bababoy kasi. hindi ko alam kung bakit nila ato ginagawa at tsaka hindi ko din naman alam kung sino ang naglalagay niyon e.

Pero mali pala ang inaasahan ko, hindi ito isang larawan kundi isang sulat na sobrang ikinagulat ko.

Matagal na kitang gusto.
Meet me at the park 5:30 pm

I'll wait for you.

~Raven

Bigla akong kinabahan, si Raven! my ultimate crush? siya lang naman kasi ang nag.iisang Raven dito sa university. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko. Matagal na niya akong gusto? Paano? Ang alam ko straight siya at never siya pumapatol sa kagaya ko. Ang daming tanong sa isip ko.

"Hoy"

"Ay p*ke!" nagulat nalang ako ng tapikin ang braso ko ng isa sa mga kaibigan ko, si Sabelle. "My god, wag ka nga manggugulat pinakaba mo ako e."

"Gulat ka jan, e kanina ka pa kita tinatawag hindi kalumilingon! naka drugs ka ba?" pagbibiro ni Sabelle

"Ulol! drugs ka jan. Dahil dito oh!" ipinakita ko sa kanya ang sulat at agad naman niya binasa. Akala ko kikiligin siya tulad ko pero mali ako.

"Naniwala ka naman jan?"

"At bakit hindi?" tanong din ang sagot ko sa kanyang tanong ahehe parang adik lang.

"Naku bff, ako pa ba naman ang hindi makakapagsabi e halos kilala ko na iyang si Raven"

Sa bagay may point siya eh magkapatid sila paanong hindi niya makikilala ito. Kaya nga madalas ako sa bahay nila kasi para makita lang si Raven. ahihi ang landi ko lang diba?.

"Wag ka ngang nega" sabi ko nalang sa kanya.

"Okay sabi mo e, basta binalaan na kita ha"

"What ever! inggitera, tara na baka mahuli pa tayo" aya ko sa kanya.

Habang nasa klase parang lumilipad ang utak ko hindi ko na nga maintindihan ang sinasabi ni Mr. Catitipan e. Iniisip ko kasi kung bakit makikipagkita sakin si Raven. Ano ba yan bakit ang bagal ng oras ngayon? gusto ko na mag 5:30 para malaman ko n ang sagot sa tanong ko sa sarili ko. Halos maya't maya ako natingin sa orasan at. . .

"krrriiiiinnnnngggggggggggg"

Yes natapos din. Agad ako naglakad palabas pagkasabi ni Mr. Catitipan ng "thats for now, class dismiss".

"Bff! huy pasaan ka? yung sintas ng sapatos mo hindi nakabuhol huy"

Hindi ko na pinansin si Sabelle dahil nagmamadali ako sa paglabas ng room.

Binilisan ko ang paglalakad para makapunta agad sa park. Hindi na kasi ako makapag hintay sa mangyayari mamaya e. ano kayang sasabihin niya magtatapat kaya siya ng pag.ibig? wow lakas ko talaga mag.ambisyon. ang sweet naman niya itinapat pa talaga sa valentines day yhiiiiiii nakakakilig emegesh im gonna die pag ganun nga ang nagyari.

Hay buhay bakit ba naman kasi sa 4th floor p ang room namin kaya hayan tuloy pahirapan sa pagbaba. Habang pababa ako sa hagdan ng second floor hindi ko namalayan na natapakan ko ang sintas ng aking sapatos dahilan para ma.out of balance ako, sakto naman na may tao sa aking harapan at hindi ko na alam kung sino dahil sa bilis ng pangyayari naipikit ko nalang ang aking mga mata. Dahil nasa hagdan kami "as expected" nahulog kami pababa, akala ko sementadong sahig ang papatakan ko ngunit hindi pala kundi katawan ng nadamay sa katangahan ko. kawawa ito pag babae ang nadaganan ko mabigat kasi ako. Nang imulat ko ang mata ko laking gulat ko nalang kung sinong nakasalo saakin. Si Carlo, ang black sheep ng buong campus. Oh My Gulay paktay ako nito. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat.

But wait there's more. Hindi lang iyon ang ikinagulat ko kundi ang sitwasyon namin ngayon dahil magkalapat ang aming mga labi. Ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o dahin sa siya ang first kiss ko. Ganito pala ang feeling ng first kiss, ang sarap para kang nasa ulap at parang may mga paro-parong lumilipad sa aking tiyan. Gusto ko pa sana damhin ang first kiss ko pero dahil sa si Carlo ito, agad kong inalis ang pagkakalapat ng mga labi namin at nakita kong kumunot ang noo niya sabay sabing. . .

"YOU'RE DEAD"

waaaah patay talaga ako nito huhu GOODBYE PHILIPPINES, GOODBYE WORLD. . .

(A.N yan na ang unang chapter sana magustuhan nyo hehe. kung my typo error man intindihin nyo nalang ok? beginner eh)

P.S mas matutuwa ako kung magvovote kau at magcocomment.

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon