tu (hidden talent)

26.1K 924 53
                                    

(A.N dahil wala akong ginagawa dirediretso lang ang pag gawa ko ng chapter ahaha)

Nico's POV:

Sa wakas nandito narin ako sa park, hinanap ko agad si Raven at hindi naman ako nahirapan dahil mag-isa lang siya sa park. Nakaupo siya sa isa sa mga bench na nandoon at parang malalim ang iniisip. Kaya agad ko siyang nilapitan.

"Raven" agad naman siyang napalingon saakin. " Kanina ka pa?"

"Hindi kakadating ko lang din" parang may problema siya kasi wala siyang kagana gana sumagot.

"Anong meron, bakit mo ako kailangan makita?"

"a-e may gusto lang sana ako sa'yo sabihin" hindi niya magawang tumingin sakin habang sinasabi 'yon.

"Ano ba 'yon?, naku kung mangungutang ka isa lang sagot ko, wala akong pera hehe" sinadya ko talagang magbiro para hindi siya mailang. Mukhang epektib naman kasi napangiti ko siya.

"Hindi tungkol sa pera. Gusto ko lang sabihin sayo na gusto kita, pwede ka ba maging girlfriend?."

what? agad agad? nagulat ako dun ah.

"a-e Raven may sakit ka ba?" sabay sapo sa kanyang noo. "wala naman ah"

"Wala nga sino ba naman may sabi na may sakit ako?"

"Ako malamang may ibang tao pa ba dito para magsabi non?" haist inaatake nanaman ako ng pagka sarcastic ko. Behave Nico.

"Ikaw talaga dinadaan mo lagi sa biro hehe" natatawa niyang sagot sakin.

"Ganyan talaga para masaya ang life, sabi nga ni ryza mae "bawal ang sad" hehe" habang naka bawal ang sad sign ni ryza. Baduy ko talaga.

"Gusto kong malaman ang sagot mo?" tanong uli niya sakin.

"Pag-iisipan ko yan Raven" iyon lang ang tangi kong naisagot kasi naman parang masyadong mabilis.

"Ganon ba! okay aantayin ko ang sagot mo kapag handa ka na." pilit na ngiti niyang sagot sa akin.

"Pasensya ka na Raven ha tsa-" naputol ang aking sasabihin ng biglang tumunog ang aking cp. Agad ko itong kinuha sa aking bulsa at tiningnan ang nakarehistrong pangalan haist si kuya Xander.

"Hello kuy-"

"NICO NASAAN KA NA? BAKIT HINDI KA PA NAUWI?"

Aray basag ang eardrums ko dun ah.

"Opo kua pauwi na, may dinaanan lang" malambing kong sagot para hindi n siya magalit.

"Sige bilisan mo ha"

"Okay kuya bye i love you"

"I love you too bunso, uwi agad bye na"

Pinatay ko na din ang cp ng matapos ang pag.uusap namin ni kuya.

"Raven, una na ako ha! hinahanap na kasi ako nila kuya e."

"Sige ingat ka pag-uwi"

Pero bago pa man ako umalis nilapitan ko siya at hinalikan ng mabilis sa labi. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha kaya agad akong kumaripas ng takbo.

Kahit na ako nagulat din sa ginawa ko. Isa lang naman ang gusto ko mapatunayan kung bakit ko iyon ginawa e. Iyon ay dahil sa nangyari kanina, sa lalaking hindi ko inaasahan na makakakuha ng unang halik ko. Sinubukan ko lang kung parehas lang yung feeling pero mali ako, walang sparks yung kay Raven pero dun sa mokong na si Carlo iba, hindi ko ma-explain.

Habang nakasakay na ako ng taxi pauwi bigla  nalang ako natawa nung naalala ko kung paano ako nakatakas kay Carlo.

*flashback*

"YOU'RE DEAD"

Patay ano ng gagawin ko?.

"GET OFF OF ME YOU FAGGOT"

Agad naman akong tumayo. Haist ganda na ng eksena e pang pelikula. Nakita ko din na tumayo din siya at pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad.

"Kung makapunas sa bibig parang may nakakahawa akong sakit ah" hindi ko inaasahan na sasabihin ko iyon pero kelangan nakaka.insulto siya.

"SHUT UP YOU BITCH" sabay duro sa akin.

Aba kanina faggot ngayon bitch na, level up? Pero dahil nagmamadali ako kelangan ko magpakumbaba.

"Im sorry! Hindi ko sinasadya ndi ko namalayan na hindi pala naka sintas ang sapatos ko. Sorry talaga"

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo e nahalikan mo na ako? siguro style mo lang ang mahulog sa hagdan para maka.tsansing ka sa mga lalaki dito sa campus"

Aba teka lang insulto na 'to konting push nalang, konting konti nalang makakatikim na 'to ng hidden talent ko.

"Ano magsalita ka totoo diba? nasarapan ka ba? o baka naman gusto mo pa ng isa, hay nako ang mga bakla nga naman gagawin lahat mak--arghhh aray koooo"

Bumagsak siya sa sahig halos mamilipit sa ginawa ko. Sinipa ko lang naman siya sa factory ng angkan nila. For sure sa kanya na matatapos ang apelyido niya dahil sa full power ko na pagsipa. Laitin ba naman ang mga kabaro ko.

"haaayuup kaah" hindi parin siya makatayo sobrang lakas nga yata.

"tse! hayop na kung hayop nababagay iyan sayo" sabay talikod at naglakad palayo. Pero nahirig ko pa ang huli niyang sinabi.

"Magbabayad ka, you faggot"

"Kahit pagkano pa yan babayadan ko" hindi ko alam kung naparinig niya pero ang alam ko nakahanda ako. Ang galing ko talaga hehe *evil grin*

*end of flashback*

(A.N salamat sa mga nag.view kahit lima lang kayo ahahaha. Dont worry tatapusin ko prin 'to)

n.p champion in disguise

-rihanna

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon