(A.N. sorry hindi ako nakapag.update ng valentines day promise ko pa naman iyon sa sarili ko na mag.uupdate ako sa feb 14, e kaso nagising na ako ng feb. 15 na ganun siguro kapag single walang feb 14 jump na agad sa 15 ahahaha)
Vlads POV:
Ano kayang pangalan ng babaeng yun? Ang tapang parang amasona.
Ngingiti ngiti kong pag.iisip habang nakaupo sa isa pa naming tambayan nila Carlo. Napahanga kasi ako ng babaeng kasama ng boyfriend ni Carlo habang nakikipag away sa may cafeteria, kahit na gulo na ang buhok niya habang nakikipag.away ang ganda parin niya. At hindi lang iyon amasona pa hanep kung makipag away. She really caught me. How i wish na ako ang makapagpa.tame sa kanya hehe.
Nawala ang pagiisip ko ng biglang dumating si Kim para sabihin sa akin na may kukunin daw kaming tao. Nagtataka man ay sumunod na din ako tsaka ko nalang siya tatanungin sa sasakyan para alamin kung bakit.
Hindi naman ako nabigo para malaman ang sagot. May gusto daw resbakan si Carlo, ang mga lalaki daw na pagsasamantahan si Nico mabuti nalang daw na dumating si Carlo para mapigilan ito. At kaya naman daw pinapakuha ni Carlo ay para malaman kung bakit nila iyon ginawa.
Nang makarating kami sa campus ay nakita naman agad namin ang tatlong lalaki na tinutukoy ni Carlo dahil hanggang ngayon ay nakahandusay sila sa damuhan. Akala nga namin ay papalag pa sila pero hindi na kami nahirapan na kuhanin sila dahil mga duwag naman pala ang mga ito. Ito ba talaga ang magsasamantala kay Nico? Weak.
Nang madala namin sila ni Kim sa tambayan ay ipinasok namin sila sa budega at duon pinaupo isa isa. Mukhang mga takot ang tatlo dahil kanina pa walang imik ahaha mga bading pala ang mga ito.
Maya maya pa ay dumating din si Carlo para kausapin yung lalaki sa gitna. Nakita ko pang sinaksak niya ito sa may hita para lang mapaamin kung sino ang may kagagawan niyon. Hindi naman nabigo si Carlo dahil nalaman din niya kung sino ang nag.utos sa kanila. Si Lolette. Tsaka niya binugbog ang lalaki mabuti nalang at naawat namin siya baka mapatay na niya ang lalaki.
Nang mapakalma namin si Carlo ay agad siyang umalis tsaka ipanaubaya sa amin ang tatlo.
Mabuti naman at makakapag practice ulit ako sa suntukan makha kasing kinakalawang na ang mga kamao ko e hehe. Nagkatinginan kami ni Kim at ngumiti sa isat isa ng nakakaloko.
"Ready?" tanong ko sa kanya.
"Always" nakangiti niyang sabi sa akin. Tsaka sabay kaming sumugod para bugbugin ang dalawang kasamahan ng nasaksak na lalaki.
Ayos 'to solve nanaman ang kamao ko hehe.
Lolette's POV:
"Cheers!" sabay sabay naming sabi ng mga friends ko habang nakataas ang mga baso.
Magkakasama kami ngayon sa isang bar kung saan kami lagi tumatambay.
"Teka lang gurl ano ba ang meron? ang pagkaka.alam ko wala naman may birthday sa atin a?" tanong sa akin ni Trisha.
"Oo nga? ano nga ba ang meron?" tanong din ni Yanna.
Tiningnan ko sila matapos kong inumin ang laman ng baso ko.
"Wala nga na may birthday sa atin pero ang sine.celebrate natin ngayon ay daig pa ang birthday" sabay ngiti sa kanila.
"Talaga lang huh? e ano ba yun?" si Kyle naman ang nagtanong sa akin.
"Its about your dear cousin Kyle, matatapos na din ngayon ang pag.iilusyon ng malanding baklang yun. 'Coz tonight is our night" evil grin.
"You mean?" gulat na tanong ni Trish.

BINABASA MO ANG
I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)
Roman pour AdolescentsKung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na si Carlo, mula sa badboy turns into a loverboy. "Akin ka lang walang pwedeng umagaw! pakiss nga" -C...