portiseben (#walangforever)

13.2K 486 73
                                    

(A.N. sorry kung ganito ang kakalabasan ng story ko. Wala e hindi ako naniniwala sa forever.)

#walangforever

Kim's POV:

Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Nico sa daan. Hindi ko na pala siya kailangan hanapin e. Mabuti nalang pala at nakabangga ko siya.

Gusto ko kasi tulungan si Carlo para magkaayos sila ni Nico. Ito kasing si Carlo masyadong mabagal. Kaya bilang kaibigan niya, ako na mismo ang gagawa ng sulusyon.

Kaya ito ako ngayon kasama si Nico sa kotse para dalhin kay Honey. Hindi ko muna sinabi sa kanya kung saan kami pupunta dahil alam ko na hindi siya papayag. Baka i.knock down pa ako nito hehe. May pagka amasona pa naman 'to.

Tinawagan ko muna si Honey para alam niya na papunta kami ni Nico ngayon sa kanila. At para handa siya.

Oo kinakabahan ako sa ano mang mangyayari para mamaya. Baka kasi mali sa iniisip ko ang maging resulta. Imbes na magkapatawaran ay umabot ang dalawa sa sabunutan. Wew laking gulo nun kung sakali.

Nakakatakot.

Habang kausap ko si Honey ay napansin ko na napalingon sa akin si Nico. Siguro nagtataka siya kung sino ang kausap ko dahil hindi ko naman binabanggit ang pangalan ng kausap ko. Hehe galing ko talaga.

Nang matapos ang pag.uusap namin ay sinultapan ko siya ng palihim. Napabuntong hininga naman ako dahil sa bigla kong naisip.

Haist. Sana akin ka nalang.

Yup. Tama kayo. May lihim akong pagtingin kay Nico. Pero pinipigilan ko lang dahil alam ko na wala akong pag.asa sa kanya dahul mahal na mahal niya si Carlo. At alam ko din na mahal na mahal siya ni Carlo. Ayaw ko naman sirain ang pagkakaibigan namin ni Carlo dahil sa nararamdaman ko kay Nico.

Mabuti nang itago ko ang pagtingin ko sa kanya kaysa masira ang lahat. Haist kung bakit ba naman kasi siya pa e.

"Saan ba tayo pupunta?" napalingon ako sa kanya ng bigla siyang nagtanong sa akin.

"Pupunta tayo sa lugar kung saan naroon ang dahilan ng lahat ng ito" sabi ko sa kanya tsaka ako ngumiti sa kanya.

Oo para magkaayos na sila. Gustuhin ko man na ako nalang ang partner ni Nico kaso baka mabatukan ako ng mga reader. Magka.haters pa ako. Yoko nun ui!.

Napakunot noo naman siya sa sinabi ko dahil may pagka.misterious epek pa ang sinabi ko hehe.

"Kaninong bahay 'to?" nagtatakang tanong niya sa akin. Pero ngumiti lang ako sa kanya at inalalayan ko siyang lumabas sa kotse.

Wew kinakabahan ako. Kailangan ihanda ko din ang sarili ko baka maging cat fight ang kalabasan nito.

Pagtapat namin sa pinto ay agad naman bumukas ito at lumabas si Honey.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha ni Nico dahil sa nakita niya. Pero bago pa siya makaatras ay nagsalita si Honey para papasukin kami.

Cross finger akong pumasok sa loob ng bahay ni Honey kasama si Nico. Naiimagine ko kasi ang mangyayari kung sakaling mag.pangkapit ang dalawa. Yun bang tatalonin ni Nico si Honey para sabunutan. At mag.gugulong gulong ang dalawa habang patuloy sa pagsasabunutan. Wew katakot.

Pero hindi naman ganunang nangyari. Bagkus ay ikinuwento na ni Honey ang buong nangyari nung gabing nahuli namin sila ni Nico.

Nakita ko naman na naniwala si Nico sa mga ikinuwento ni Honey at nakikita ko na mukhang magkakaayos na ang dalawa.

Yes! mission accomplished. Hehe

Naramdaman ko nalang na biglang nag.vibrate ang cellphone ko tsaka ito tumunog. At nakita ko na si Vlad ang tumatawag.

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon