tuwenisiks (feels like heaven)

16.9K 599 11
                                    

(A.N. this chapter is dedicated to princekingAldrin na proud na proud sa work ko mwah mwah. enjoy )

Nico's POV:

Ang sarap naman sa pakiramdam ng kumot na gamit ko ngayon. Parang taong nakayakap lang at ang unan na nasa tabi ko parang iba yata ang amoy, amoy pabango ng lalaki.

Nakapikit kong sinisinghot ang amoy ng unan na nasa tabi ko dahil talaga naman na napaka bango. Parang may naaalala ako sa amoy na ito. Hmmmn sino nga ba? Ah tanda ko na si Carlo.

Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi, na iniligtas daw ako ni Carlo sa grupo nila Tristan. Dinala daw niya ako sa bahay nila, inalagaan at binantayan hanggang sa pagtulog ko hehe.

Sana totoo nalang ang mga panaginip noh? Kasi aaminin ko na kilinig ako ahaha ang landi ko di ba? okay lang, sa panaginip lang naman e :). Tsaka mabait sa part na yun si Carlo noh kaya imposible na magkatotoo yun.

Nakapikit parin ako habang niyakap ang unan na nasa tabi ko. Huh ang tigas yata. Hmmp deadma na gusto ko pa matulog e. Idinantay ko pa ang aking isang paa para mayakap ng maayos ang unan na nasa tabi ko. Shet ang bago talaga hehe.

*singhot*

*singhot*

*singhot*

Mapupuri ko si manang dahil binago niya ang fabric conditioner. Sabay yakap ng mahigpit na mahigpit dahil nakakagigil talaga ang kabanguhan.

"Uhhhm" nakarinig ako ng ungol habang nakayakap parin sa unan. Kaya iminulat ko ang aking mga mata.

Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa akin na hindi pala unan ang niyayakap ko kundi isang tao at lalaki pa.

Imposible naman na isa sa mga kuya ko dahil may kanya kanya kaming kwarto tsaka alam nila na ayaw ko ng may katabi ako sa pagtulog. Imposible din naman si papa dahil hindi iyon makatulog kapag hindi si mama ang katabi. Sino ba ito?

Dahan dahan akong tumingala para tingnan kung sino ang lalaking katabi ko.

Om my! Shet na malagket! Si Carlo!

Napaurong ako ng bahagya dahil sa pagkagulat. Gustohin ko man bumangon pero hindi ko kaya dahil nakayakap siya sa akin. Akala ko kumot, yun pala kamay niya na nakayakap sa akin at kaya pala kaamoy niya yung unan dahil wala naman pala talagang unan at siya talaga yun.

Ngayon ko lang naalala ang lahat. Totoo pala talaga ang nangyari kagabi at hindi isang panaginip lang. Totoong iniligtas niya ako at inalagaan.

My God nakakahiya. Mabuti nalang tulog siya at hindi siya nagising sa pagyakap ko sa kanya ng mahigpit dahil pag nagkataon magbibigti na ako dahil sa kahihiyan huhu.

Nakatingin parin ako sa natutulog na si Carlo. "Yung totoo gulat ka parin ba? Iba ka na kasi makatingin e." sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Sus pagbigyan mo na ako minsan lang ito 'no! At tsaka tulog naman siya hehe.

Ganito pala matulog si Carlo kasi ang mata niya nakamulat ng bahagya parang si Kuya Xander lang kung matulog hehe.

Tinitigan ko ang kabuoan ng kanyang mukha. Matangos na ilong, makapal ng kaunti ang mga kilay, yung pilik ng mata niya parang sa manika, mahahaba. Hindi ko makita ng maayos ang kulay ng mata niya kasi nga tulog di ba hehe. Kahit na gulo gulo ang ayos ng buhok niya ang gwapo paden haha ang landi mo talaga Nico. Nang idako ko ang mata ko sa kanyang labi bigla nalang ako kinabahan, hindi ko maipaliwanag pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Halikan ko kaya 'to! Tulog naman e hindi niya malalaman.

Pinindot ko muna ang ilong niya para magsigurado kung gising ba talaga si o tulog. Wala naman siyang reaksyon kaya malamang tulog.

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon