portinayn (agaist all odds)

14K 419 21
                                    

(A.N. Hinabaan ko ito kasi ending na ang sunod na chapter. Boring ang chapter na ito kaya tyaga lang)

Nico's POV:

Nagmamadali akong umuwi dahil baka bigla nalang sumulpot si kuya Xander sa ospital. Mahirap na, baka kasi kung ano pa ang hawin niya kay Carlo. E alam ko naman na hindi makakalaban yun gago na yun dahil sa kanyang sugat sa tagiliran.

Pero pagbukas ko palang ng pinto ay nagulat nalang ako dahil lahat sila ay nasa sala at mukhang hinihintay ang pagdating ko.

"Mabuti naman at dumating ka na. Dahil pupuntahan ka na sana namin ni Jasper sa kinaroroonan mo" pagbungad na sabi sa akin ni kuya Xander.

Pero hindi nalang ako nagsalita at umupo sa bakanteng upuan.

"Sabihin mo nga Nico. Hindi ka pa rin ba natuto? Hindi ka mahal ng lalaking yun" napatingin ako kay kuya Jasper ng bigla siyang magsalita at tukuyin niya si Carlo.

"Mahal ako ni Carlo" deretso kong sabi sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Pero nagulat ako ng biglang hampasin ng malakas ni kuya Xander ang lamesita na nasa harapan namin. Halos matumba ang vase na naroon dahil sa sobrang lakas ng pagkakahampas niya.

"BULLSHIT NICO. KUNG MAHAL KA NG GAGONG YUN EDI SANA HINDI KA NIYA LOLOKOHIN?" sigaw na sabi ni kuya Xander sa akin. Pero pinilit ko patatagin ang loob ko dahil pag nagpakita ako ng takot kay kuya ay para ko narin sinabi na totoo ang sinasabi niya.

Kilala ko kasi si kuya Xander. Kapag hindi mo ipinaglaban ang katwiran mo for sure, i.coconsider niya sa sarili niya na tama siya.

"Hindi niya ako niloko kuya. Nagkamali lang ako ng intindi nung gabi na nakita ko siya habang kasama niya si Honey" sabi ko sa kanya habang tinitingnan din ang reaksyon nila mama at papa.

Napansin ko na walang reaksyon sa mga mukha nila. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila. Pero bigla nalang akong napalingon kay Kuya Xander ng bigla nanaman siya magsalita.

"At naniwala ka naman?" nakakunot noong sabi niya sa akin.

"Oo kuya naniniwala ako dahil si Honey na mismo ang nagsabi sa akin" depensa kong sabi kay kuya.

"E pano kung tinakot lang si Honey ng gagong yun para sabihin sayo ang mga iyon?" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni kuya Jasper.

My God! grabe sila mag.isip.

"Hindi iyon magagawa ni Carlo." naiiling kong sabi sa kanya.

"Kaya niyang gawin iyon. Dahil sa pagkakakilala ko sa lalaking iyon ay kaya niyang gawin lahat o takutin lahat masunod lang ang gusto niya" sabi pa ni kuya Jasper sa akin.

"Siguro noon "oo", pero nagbago na siya kuya. At nagbago siya simula nung maging kami" napataas na din ang boses ko dahil sa sinabi ni kuya Jasper sa akin.

"Pero wala nang "kayo" ngayon, at hindi kami papayag na magkabalikan kayo" matigas na sabi sa akin ni kuya Xander.

"Im sorry kuya pero nagkabalikan na ulit kami" seryoso kong sabi sa kanya.

"Well, makipaghiwalay ka ulit. Dahil ayaw na ayaw na namin na mikikipag relasyon ka sa lalaking iyon" galit na sabi niya sa akin.

Pero bigla nala ng akong napatayo ng marinig ko ang sinabi ni kiya sa akin.

"No! hindi ko iyon gagawin dahil mahal ko siya" sigaw ko sa kanya.

"Nico! wag mong sigawan ang kuya mo" saway sa akin ni papa kaya nilingon ko siya.

"Im sorry 'pa. Pero hindi ko mapapayagan na paghiwalayin ninyo kami ni Carlo" nag umpisa ng manlabo ang mata ko dahil sa namumuong luha sa aking mata ng sabihin ko iyon kay papa.

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon