(A.N. balik kilig po ulit tayo. hehe sana magustuhan ninyo ang chapter na ito. mwah mwah enjoy)
Kim's POV:
Nakita kong dahan dahan pumasok si Nico sa loob ng kwarto kaya sinundan ko siya pero pinigilan ako ni Vlad na sundan si Nico.
Napakunot naman ang noo ko ng tingnan ko siya. Pero ngumiti lang siya sa akin tsaka sumenyas ng wag maingay.
Kaya nagtaka naman ako kung bakit niya iyon ginawa. At biglang isinara ang pinto.
Siguro kaya niya iyon ginawa ay para makapagsolo si Nico. Pero sa sitwasyong ito ay kailangan niya ng karamay.
"Halika dito pare" senyas niya sa akin kaya lumapit naman ako sa kanya.
"Ano ba talaga ang nangyari? Sino ang sumaksak at nakapatay kay Carlo?" galit na galit kong tanong kay Vlad.
Sisiguraduhin ko naman na magbabayad ang gumawa nito kay Carlo. At sisiguraduhin ko na papatayin ko din siya. Sabi ng utak ko.
Pero biglang humagalpak lang ng tawa si Vlad na ikinataka ko naman.
Nababaliw na ata ito. Tumatawa pa e napatay na nga si Carlo.
"Anong nakakatawa?" nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Ahahaha nakakatawa ka lang kasi pare" tumatawang sabi ni Vlad habang nakahawak sa tiyan.
"Ewan ko sayo! bahala ka na nga diyan." inis kong sabi sa kanya tsaka naglakad papunta sa kwarto kung nasaan si Nico at Carlo.
Habang naglalakad ako ay bigla akong hinawakan ni Vlad sa aking balikat para pigilan.
"Teka lang pare hindi ka na mabiro ih" sabi niya sa akin habang pinipigilan ang pagtawa.
"Pwes wala ako sa mood makipag.biruan. Vlad, napatay ang kaibigan natin at nakuha mo pa magbiro? ayus ka rin noh?" inis na inis kong sabi sa kanya.
Itinaas lang niya ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko tsaka nagsalita.
"Okay sorry naman, Ang totoo niyan hindi naman patay si Carlo" paliwanag niya sa akin.
"What?!" Gulat kong sabi sa kanya na halos ikalaglag ng panga ko. "So ibig sabihin palabas ninyo lang ang--"
"Oo tama ka pare, yun kasing gagong si Carlo ito ang naisip na paraan para daw magkaayos sila ni Nico." putol niya sa sasabihin ko.
"Gago talaga kayong dalawa. Halos muntik na akong mapaiyak kanina. Buti nalang napigilan ko" pagkasabi ko nun ay tsaka ko siya binatukan.
"Aray! sakit nun ha" daing niya sa akin habang hawak ang kanyang ulo.
"Dapat lang yan sayo. At isa pa yang si Carlo, makakatikim din yan sakin ng sapok pag pasok ko mamaya. Mga gago kayo, sinabihan niyo sana ako para mas nakapag.prepare ako at nakahagulhol sa pag.iyak ahaha" nakangiti kong sabi sa kanya habang panay ang iling.
"Ahaha sensya naman biglaan kas---" pero biglang natigil ang pagsasalita ni Vlad ng makarinig kami ng ingay sa loob ng kwarto nila Carlo.
"CARLOOOOO! WALANG HIYA KAAAAA!"
Halos sabay kaming napalingon ni Vlad tsaka nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto. At nakita namin si Nico na nakaikot ang kaliwang braso sa leeg ni Carlo. Habang si Carlo naman ay panay ang tawa sa ginagawa ni Nico.
Haist mukhang nagkaayos na nga ang dalawa hehe.
Carlo's POV:
Kanina ko pa pinipigilan ang pagtawa dahil sa dramang ginagawa ni Nico. Pero hindi pwede na mahalata ako na nagpapanggap lang ako na patay. hehe

BINABASA MO ANG
I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)
JugendliteraturKung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na si Carlo, mula sa badboy turns into a loverboy. "Akin ka lang walang pwedeng umagaw! pakiss nga" -C...