(A.N. maiksi lang ito clanwar na kasi hehe pasensya po. Minadali lang.)
Sabelle's POV:
"Yes ang galing natin hahaha" nakangiti kong sigaw sa mga kasama ko sa play.
"Oo nga. Nagtayuan pa nga ang iba e hehe" nakangiti rin sabi ni Mar sa akin.
Masaya akong nagpunta sa mga gamit ko ng biglang nilapitan ako ni Mar.
"Huy may nagpapabigay sayo" nilingon ko siya at nakita ko na may hawak siyang mga bulaklak.
"Kanino galing?" takang tanong ko sa kanya tsaka ito kinuha.
"Sabi ni Vlad wag ko daw sabihin na siya ang nagpapabigay e" nagkibit balikat pang sabi ni Mar.
Ano daw? Boplaks talaga 'tong si Mar hindi maaasahan sa ganun ahaha buking tuloy.
"Sige hindi ko na tatanungin kung kanino nanggaling baka malaman ko pa kasi na si Vlad ang nagpabigay e. Kaya di na kita pipilitin" nakita ko naman na nagulat si Mar sa sinabi ko. E siya ang itong unang nagbuking e.
Nagpaalam na si Mar dahil may aasikasuhin pa daw siya kaya kinawayan ko nalang siya tanda ng pagpapaalam.
Tiningnan ko ang mga bulaklak at inisa isa ito baka kasi makakita ako ng card. Ang alam ko kasi laging may card kapag ganun e. Pero nabigo lang ako dahil wala akong nakita. Yan assumera ka kasi.
Pero okay lang kasi alam ko na naman kung kanino nanggaling. Ang tanong lang ay kung bakit niya ako binigyan ng ganito? Nakakapagtaka naman.
Tatanungin ko nalang si Nico dahil tropa nng boyfriend niya si Vlad.
Naglakad ako papunta kay Nico at nakita ko na kausap niya si Trevor pero laking gulat ko nalang ng biglang sumulpot si Carlo at mukhang galit na galit tsaka hinigit si Nico palapas ng auditorium.
Paktay kang bata ka. Away nanaman wew.
Nico's POV:
"Carlo bitawan mo nga ako" sigaw ko sa kanya habang hila-hila parin niya ako palabas ng auditorium.
Hindi ko inaasahan ang paghila niya sa akin kanina dahil sa bilis ng pangyayari. Nakakaasar na ang lalaking 'to ha. Kanina sinabihan akong pangit tapos ngayon basta nalang ako dadalhin sa kung saan.
Hindi ko naman magawang pumalag kasi ang higpit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko parang nagsisigurado na hindi ako makakawala.
"Carlo nakakainis ka na!" sigaw ko sa kanya pero hindi parin siya naimik at patuloy lang sa paglalakad habang hawak parin ako.
Grrrr nakakaasar na talaga!
"Carlo ano b--" naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang magsalita at iyon ay ikinagulat ko.
"Akin ka lang, walang pwedeng imepal" seryoso niyang sabi sa akin at tsaka humito sa paglalakad.
"Akin ka lang, walang pwedeng imepal"
"Akin ka lang, walang pwedeng imepal"
"Akin ka lang, walang pwedeng imepal"
"Akin ka lang, walang pwedeng imepal"
Halos mabingi ako dahil paulit ulit na nag.eecho ang mga salitang sinabi niya sa akin.
What? Kanya?"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Taray mode muna ako dahil ayoko mahalata na kinikilig ako. Mahirap na maging assumera.
"Hindi ako okay!" galit na sigaw niya sa akin. Aray ang sakit sa tenga.
"Bakit kailangan mo pang sumigaw?! tsaka inaano ba kita? ha?" sigaw ko din sa kanya. Sinabayan ko na din ang galit niya dahil asa pa naman 'tong gagong 'to na kaya niya ako. ulul!!!
"Malandi ka kasi!" sigaw ulit niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. What the f**k? Ako malandi?. Galit na inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko dahil ang sakit na e mapula na. Gigil na nga siya sa akin gigil padin sa kamay ko! Ano 'to two in one?
"Eh tarantado ka pala e. Suntukan nalang! Ano?" hamon ko sa kanya habang tinutulak ko ang kanyang dibdib.
Galit lang siyng nakatingin sa akin habang tinutulak ko siya.
"Paano mo nasabi na malandi ako ha? Tsaka wala akong nilalandi" hinawakan niya ang kanang kamay ko na nagtutulak sa kanya at inilapit ng bahagya ang kanyang mukha sa akin.
"Wala? Wala kang nilalandi? E wagas ka nga kung makangiti dun sa lalaking kausap mo kanina! Di ba paglalandi yon? ha?" mahinang sabi niya sa akin pero kitang kita ko na nagpipigil lang siya sa galit.
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Nakikipag.usap lang malandi na agad?
"Hindi ako nakikipaglandian, binati lang niya ako. Tsaka bakit ba? ha?" sigaw ko sa kanya.
"Dahil nagseselos ako. Kasi mahal kita!"
Boom panes!!! Nganga nanaman ako sa sinabi niya.
~~~~~~~~~♥♥♥♥♥~~~~~~~~~
*A.N. dont forget to vote and to comment para mas mabilis ang update at maisantabi ang c.o.c hehe
*follow me narin thanks!!!
*malapit na pala to matapos wew naiinis ako ilang chappy nalang.

BINABASA MO ANG
I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)
Novela JuvenilKung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na si Carlo, mula sa badboy turns into a loverboy. "Akin ka lang walang pwedeng umagaw! pakiss nga" -C...