(A.N. sensya ngayon ko lang nai.update dpat nung isang araw pa ito e dami ko po kasi ginawa e hehe)
Nico's POV:
Maaga akong bumangon ngayong araw dahil ito na ang araw na pinakahihintay ko. Kasi ngayon ang monthsary namin. Haist ang bilis di ba? hehe
Ano naman kaya ang sorpresa saakin ngayon ng lokong iyon? hehe excited na ako. Yung regalo ko kasi naka.ready na e hehe. Napahiya tuloy ako nung nangyari sa amin nung isang araw, yung akala ko ay may gagawing masama sa akin si Carlo. Yun pala kaya siya nasa kwarto para sabihin sa akin na pinabababa ako ni mama. Pahiya ako dun huhu.
Binilihan ko siya ng isang pabango, gusto ko kasi ang amoy niyon kaya yun ang gusto kong gamitin ni Carlo hehe. Ibibigay ko nalang sa kanya mamaya sa kotse.
Pagkababa ko sa hagdan ay nakita ko agad si Carlo na naghihintay sa akin. May pasok kasi kami ngayon e. Pagkalapit ko sa kanya ay binigyan ko siya ang isang malapad na ngiti.
"Tara na babe male.late na tayo" gumanti lang siya ng ngiti at tumayo sa kanyang pagkaka.upo at naglakad palabas ng pinto.
Huh? ngiti lang? Wala manlang bati sa akin ng Happy monthsary?
Sumunod lang ako sa kanya ng nagtataka. Nakarating kami ng campus ng hindi manlang niya ako binabati.
"Sige babe, magkita nalang tayo mamaya, bye" binigyan niya lang ako ng isang mabilis na halik tsaka ako iniwan ng nagtataka.
Wag mong sabihin na nakalimutan niya ang araw ngayon. The f*** siya. Pero imposible e, baka ako pa ang makalimot pero siya hindi. Baka mamaya pa niya ako babatiin. Baka nga hehe.
Habang nagtuturo ang prof namin ay wala dito ang atensyon ko kundi sa nangyari kanina. Naguguluhan talaga ako.
Nang madismiss kami ng prof namin ay agad kong nakita si Carlo na nag.aabang sa labas ng classroom namin. Napangiti naman ako dahil hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako dito.
Baka ngayon na niya ako babatiin. Hehe si babe talaga pa.suspense.
"Hi babe sabay na tayo kumaen" sabi niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.
"Sige tara na" aya ko sa kanta at sabay kaming pumunta sa cafeteria para kumaen.
Nagprisinta siya na siya nalang daw ang bibili ng kakainin namin kaya pumayag nalang ako. Nang maiwan niya ako sa table na inuupoan namin ay inilabas ko naman sa bag ko ang regalo na ibibigay ko sa kanya at ipinatong sa ibabaw ng lamesa.
"Nico mag.isa ka lang?" napalingon ako sa likod ko ng may nagsalita. At nakita ko si Vlad habang kasama si Kim.
"Ahmm no, im with Carlo. Actually bumibili siya ng pagkaen namin." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ah ganun ba, sige maiwan ka na namin. Good luck nalang mamaya" nakangiting sabi sa akin ni Kim. Naguluhan naman ako at napakunot ang noo na tumingin sa kanya.
"Good luck saan?" taka kong tanong sa kanya.
"Good luck kasi makakalimutin si Carlo ingat nalang. Haha---Ouch" nakita ko na biglang sinapak ni Vlad si Kim.
"A-e wag mong intindihin ang gagong ito. Bye na Nico. Tara na nga Kim malalagot tayo kay Carlo nito e." inakbayan ni Vlad si Kim at hinigit papalayo sa akin.
Baka nga nakaiutan ni Carlo ang petsa ngayon. Nak ng putsa naman oh.
"Sila Vlad at Kim ba yun?" tanong sa akin ni Carlo ng maka.upo siya sa tapat ko.
"A oo sila yun." sagot ko sa kanya.
"E bakit hindi mo pinaupo para makasabay na din natin kumaen" sumubo siya ng binili niyang spaghetti tsaka tuminingin sa akin.

BINABASA MO ANG
I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)
Roman pour AdolescentsKung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na si Carlo, mula sa badboy turns into a loverboy. "Akin ka lang walang pwedeng umagaw! pakiss nga" -C...