tuwelb (hotdog)

19.1K 629 30
                                    


(Nakailang ulit po ako sa pag.gawa sa chapter 12 sorry kung pangit ang kinalabasan mairaos lang ang tuwelb)

Nico's POV:

Omeged hindi ko maiwasang kiligin dahil hahalika na ako ni Mar. Ang lande ko lang 'di ba? pagbigyan niyo na ako minsan lang ito hihi. Habang sinasabi ni Mar ang mga linya niya hindi ko maiwasan na hindi siya silipin kaya iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata at nakita kong mukhang seryoso siya gustohin ko man na matawa pero hindi ko ginawa kasi baka mainis lang ito sa akin. Sayang ang moment kung babasagin ko lang di ba?

Nang makita ko na pababa na ang kanyang mukha ay agad akong pumikit. Shocks! heto na siya yiiieeee keleg much si ako. God help me sana wag ako matukso baka imbes na smack ,ay maging torrid hehe ay lab et. Kalma ka lang Nicowag kang atat lalanding din yan sa labi mo hihi. Habang palapit siya ng palapit ay lalo akong kinakabahan.

Inch by inch. . .

Nose to nose. . .

Lips to li--

*wapaaaaak*

Boom bingi ako. Napabangon ako sa lakas ng tumama sa mukha ko at nakita ko sa tabihan ko ang isang hotdog na halos magutay na sa lakas siguro ng pagtama sa mukha ko wow astig ang mukha ko pwede ng panggiling ng hotdog.

Akala ko ba kiss ang makakapagpagising kay Aurora? Nabago na pala, hotdog na pala ngayon.

"Nico okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Mar na nagulat din sa nangyari.

Tss ano ba namang tanong yan? nagpapatawa ba itong si Mar?. May okay ba na halos gawing makeup na ang catsup dahil kumalat sa mukha? ulol!

"Okay lang ako, ewan ko lang sa hotdog kung okay siya kasi tingnan mo oh" sabay turo sa hotdog.

"Baliw ka talaga, halika nga dito at pupunasan ko yang catsup sa mukha mo." Kumuha siya ng panyo sa bulsa, dahil sa masunurin ako lumapit ako sa kanya at itinapat ang mukha sa kanya para mapunasan niya. Yiiiieeee moment kung moment ih. Sayang lang kasi walang kiss na nangyari. Sino ba naman kasing tarantado ang nambato sa akin? Paglingon ko sa bandang kanan ko ay may nakita ako na lalaki na parang tanga na dahan dahan pa sa paglalakad papunta sa pinto. Huh? Parang kilala ko yun ah.

"Carlo?" hindi man ako sigurado pero sinabi ko na din para malaman ko kung sino siya.

Lumingon ito at hindi nga ako nagkamali ng hinala si Carlo nga at mukhang gulat na gulat. Aba ang gago siya pa talaga ang nagulat ha.

"A-e Hi!" napakamot siya sa ulo at kumaway habang nakangiti ng alanganin ng biglang. . .

*zoooom*

. . .agad na kumaripas ng takbo.

Ggggrrrrrrrrr!!! pinapainit niya talaga ang bungo ko.

"CARLOOOOOOO! HUMANDA KA SA AKIIIIIN! MAGBABAYAD KAAAAAAAA!"

Carlo's POV:

Tatakbo akong lumabas ng auditorium para makaiwas kay Nico, nagpanic na kasi ako kaya minabuti ko nalang na tumakbo. At ng mapakinig ko siyang sumigaw ay lalo kong binilisan ang pagtakbo dahil alam ko na galit na galit na yun may pagka.amasona pa naman yun. Haist bad shot na kaagad ako hindi pa nga nag.uumpisa manligaw huhu kawawa naman ako.

Tumigil lang ako sa pagtakbo dahil alam ko na ligtas na ako ang layo ko na kasi e hehe. Wew habol hininga ako dahil full power ang ginawa ko sa pagtakbo mabuti nalang hindi humabol si Nico dahil alam ko may pag.asa niya akong abutan, ang payat kasi nun kahit hindi na siya tumakbo basta may malakas lang na hangin katalo na dahil tatangayin lang siya ahahahaha. Haist puro talaga ako kalokohan. Ang dapat na isipin ko ngayon ay kung paano ako makakapagpa.good shot kay Nico kung bakit ba naman kasi ang tanga tanga ko e, babato na nga lang hindi pa asintado tengene.

Kinuha ko ang cp sa aking bulsa at agad na tinawagan si Kim alam ko kasi na matutulungan niya ako.

-"Hello!"

"Hello pare nasaan ka?"

-"Nasa tambayan kasama ang tropa. Bakit pre?"

"Mamaya ko na sasabihin, punta nalang ako jan" hindi ko na siya pinagsalita dahil pinindot ko agad ang end botton. Agad akong sumakay sa motor ko at pinaharurot papunta sa tambayan. Sana naman matulungan niya ako.

Kyle's POV:

Pigil parin ako sa pagtawa dahil sa nakita ko kanina. Kakampi ko parin talaga ang langit. Ako sana ang gagawa ng paraan para hindi matuloy yung halikan ni Mar at Nico pero blessing in disguise naunahan ako ni Carlo dahil binato nito ng hotdog. Hindi ko parin maintindihan kung anong meron kasi sobra sobra ang galit ni Carlo kay Nico. Hmmmn ano kayang history nila?

Kaya imbes na isipin pa sila itinuloy ko nalang uli ang ginagawa ko kanina, ang pagmememorize ng lines ni Aurora yeah you read it right. Bakit si Aurora ang sinasaulo ko? simple lang, dahil ayoko maging hari yuck kaya. Gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ang role na ito. Alam ko at nararamdaman ko na may HD si Nico kay Mar, kahit kailan talaga mang.aagaw siya. Bitch mode muna ako ngayon. Tutal naman masama na ako sa inyong paningin edi sagadin na natin di ba? bwahahaha (evil laugh)

(AN. vote at comment po tayo para mas ganahan ako)
(million tnx po sa mga nagbabasa)

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon