ten (tug-dug 3x)

19.5K 751 29
                                    

(A.N Sorry late update at sorry din ksi bibilisan ko na ang story)

Nico's POV:

Halos isang linggo na rin ang lumipas ng mangyari ang madugong tagpo namin ni Carlo, grounded tuloy ako ng dalawang linggo haist dahil umuwi ako sa bahay na may pasa at puro galos sa katawan.

*flashback*

Bago ko pihitin ang door knob nag.sign of the cross muna ako (hehe banal) dahil alam ko na sangkatutak na mura ang matatanggap ko kina mama at daddy. Lord kayo na bahala sa akin thanks. Pero hindi ko pa nahahawakan ana seradura ng pinto ay agad itong bumukas at surprise! si kuya Xander na nakakunot ang noo.

"Pasok" yun lang ang sinabi niya at tumalikod na sa akin.

ako→→→(@_@)???

Huh? bakit ganun? parang may mali.

Kaysa magtanong sumunod nalang ako sa kanya papuntang sala na doon ay nag.aabang sila daddy at mama.

"Anak anong nangyari sayo?" nag.aalalang salubong sa akin ni mama. Ikinwento ko sa kanila ang nangyari sa akin maliban nalang dun sa halikan session hehe baka ipasok ako ng mga ito sa kumbento kapag sinabi ko pa iyon.

"Hindi ka namin pinalaki para maging isang basagulero, pwede mo naman ireport nalang siya dahil sa ginawa sayo." sermon ni daddy. As if naman may magagawa sila kung magsumbong ako, e nung binugbog nga niya si Raven wala silang nagawa, ako pa kaya tsss. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil sa sinabi ni daddy.

"You're grounded in two weeks" seryoso niyang sabi.

"Pero dad---"

"No ifs, no buts and thats final. Umakyat ka na sa taas at gamutin mo yang mga sugat mo." wala naman akong nagawa kundi sundin si daddy, ano pa ang magagawa ko e siya ang batas. Haissssst.

*end of flashback*

Ewan ko ba kung bakit ako naging basagulero nung araw na yun, pero okay lang nabigyan ko naman ng leksyon ang gagong Carlo na yun. Akala yata niya dahil bakla ako hindi na ako lalaban at magpapatalo na ako sa kanya ay ulol siya, natikman tuloy niya ang mala.Fernado Poe Jr. ko na suntok ahahaha.

"Okay guys, alam ninyo naman siguro na malapit na ang ating school fest. At dahil diyan sasali tayo sa play at ang gagawin natin ay sleeping beauty." nakangiting sabi sa amin ng aming advicer at ipinakita ang white board nakasulat ang pangalan ng mga character.

"What? Sir sigurado na po ba kayo diyan?" tanong ni Mar.

Sleeping beauty? astig yun ah. Natuwa ko sa sinabi ni Sir. Sana ako si Maleficent haha para sobrang astig to the highest power.

"Oo Mr. Morres, siguradong sigurado ako at para masaya at mapaganda ang play ginawa kong bunutan ang pagpili ng mga character sa play, kung babae kayo at ang nabunot ninyo ay  lalaki you have to act like a guy at kung babae naman ang nabunot ng mga lalaki well isa lang ang masasabi ko good luck boys" -Sir

"Pero Sir hindi kami marunong umarte." -Mar

"Kaya nga nandito ako para turuan kayo." -Sir

"Per-" -Mar

"At dahil mareklamo ka Mr. Morres ikaw ang lalaking bida." singit ni Sir sa sasabihin ni Mar.

"Whaaaaat?" napatayo si Mar sa sinabi ni Sir. Lahat ay nagulat dahil siya ang gaganap na bidang lalaki. Pero napatawa lang ako dahil sa nakita kong reaksyon ni Mar.

"Bwahahahaha" halos maluha na ako kakatawa kasi makikita ko si Mar na aarte. O.M.G hindi ko mai.magine ang baduy.

"Mr. Chua dahil mukhang nag.eenjoy ka sa pagtawa mo diyan ikaw ang unang bubunot." natigil ako sa pagtawa at pumunta sa unahan para bumunot. Hinalo ko muna bago ako kumuha ng isa.

"Mr. Chua bago mo buksan yan iikot mo yan para pabunutin isa isa ang mga kaklase mo." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir. Wow ginawa pa akong alalay. Dapat pala hindi nalang ako tumawa, ako pa tuloy ang nautusan.

Matapos kong pabunutin silang lahat dumeretso agad ako sa upuan ko ng nakasimangot. Nakakabad trip talaga si Sir.

"Okay guys yung mga nakabunot ng mga character na nandito sa white board lumapit kayo at isulat ninyo sa tapat ng character ang inyong pangalan." hindi ko pinansin ang sinabi ni Sir at tumingin nalang sa labas. Huh? kilala ko yun ah. Si Carlo na nakahiga sa ilalim ng puno. Tss kahit kailan batugan talaga. Napangiti ako ng mapansin ko ang band aid sa kilay niya, malakas din pala ako sumuntok ahahahaha.

"Ay kalabaw!" nagulat ako ng biglang sinundot ni Sabelle ang tagiliran ko.

"Kanina ka pa tinatawag ni Sir, lipad ang utak mo nanaman ih" sagot ni Sabelle

"Mr. Chua are you with us?" tanong ni Sir.

"A-e yes Sir, Bakit po Sir?." palusot ko kay sir hehe.

"Sinong character ang nabunot mo? isa nalang ang kulang paki.check." muntik ko na makalimutan hindi ko pa nga pala natitingnan ang nabunot ko.

Pero bago ko pa matingnan inagaw agad sa akin ni Kyle ang papel at isinigaw ito.

"AURORA!" sigaw ni Kyle.

Aurora? Sino yun?

Loading. . .

Loading. . .

Loading. . .

Whaaaaat? Aurora? Hiiiiindeeeeeeee! sigaw ng utak ko.

Carlo's POV:

Nandito ako ngayon nakahiga sa ilalim ng puno at pinagmamasdan si Nico. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin pero simula ng huli naming pagkakabangga ay hindi na siya mawala sa isip ko.

Bading na nga siguro ako. Mag.iisang linggo na rin ang ginagawa kong palihim na pagsunod sa kanya at pagtanaw sa malayo, natatawa nalang ako sa sarili ko dahil nagmumukha na akong tanga kakastalk sa kanya.

Nakita ko siyang bumalik sa upuan niya na nakasimangot. Napangiti nalang ako sa nakita ko kasi kahit na nakasimangot siya ay ang cute cute niya. Bigla siyang tumingin kung nasaan ako kaya pumikit ako ng kaunti para magpanggap na tulog pero nakikita ko parin siya. Nakita ko siya na nakatitig sa akin at biglang ngumiti.

tug-dug tug-dug tug-dug

Bigla nalang kumabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko. Kinikilig ako. Yuck ang baduy! pero totoo yun. hehe

Sigurado na ako ngayon. Mapapasaakin siya sa ayaw niya o sa gusto. Gagawin ko ang lahat para mangyari iyon at ang babangga? hindi lang giba kundi patay.


*A.N vote and comment po tayo
@ tnx sa mga nagbabasa ♥♥♥

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon