zeb-N (WW3 part.1)

19.5K 701 11
                                    

(AN. mahaba ang WW3 (world war 3) hindi ko alam kung hanggang anong chapter matatapos basta ang alam ko lang gulo ito hehe)

Carlo's POV:

Excited ako ngayong araw pumasok dahil ngayon ang araw na pinananabikan ko. Its payback time asshole, hehe. Inihanda ko na ang gagawin kong paghihiganti sa kanya, nakalagay sa kahon na naka.wrap ng kulay silver with gold ribbon pa hehe.

Hindi naman ako nahirapang hanapin si boykiss kasi lagi siyang pakalat kalat. Ewan ko ba kung bakit simula ng unang pagkikita namin halos araw araw nalang hindi siya pumapalya sa pagpapakita sa akin. Siguro nasarapan sa pagtikim sa labi ko kaya lagi nagpapa.pansin hehe well wala e, gwapo hehe. hindi yun yabang kundi katotohanan.

May nakita akong lalaking papasok sa cafeteria kung saan naroon si boykiss at tinawag ito.

"Pssst! Hoy trasher!" sigaw ko sa lalaki na halatang nagulat.

"C-carlo a-an-o yun?" sagot ng lalaki na parang takot na takot.

"Lumapit ka dito" sinenyasan ko siya para lumapit sa akin.

Tss halatang nangangatog na ang tuhod ng lalaking ito kasi hindi makalapit sa akin ng mabilis.

"Wala na bang ibibilis yang paglalakad mo? gusto mo ba na ako pa ang lumapit sayo?" matapos kong sabihin yon agad niyang binilisan ang paglapit sa akin. tss mga trasher talaga haist lahat yata takot sa akin maliban nalang kay boy kiss pero sa gagawin ko mag.uumpisa na siyang matakot ngayon.

"A-ano y-un c-carlo?" sagot ni trasher.

"Kilala mo ba yun ha? Anong pangalan niyon?" itinuro ko si boykiss na ngayon ay nakikipagtawanan pa sa kanyang mga kasama. Huling tawa mo na yan kaya lubusin mo na.

"S-si &#%#&#%@" hindi ko maintintindihan ang sinabi niya kasi ang hina, mas malakas pa yata ang ingay ng ipis e.

"Hoy trasher kailangan mo ba ng microphone? ayusin mo nga ang salita mo baka pabulagtain kita sa kinatatayuan mo" tss nakakainis sisirain pa yata ang araw ko nitong gagong 'to.

"N-nico! Nico ang pangalan niya" namumutlang sagot niya sa akin.

"Ah okay, pakibigay nito sa kanya at ingatan mo yan baka sumama ka sa pagsabog niyan" at wala pang isang segundo nawala na siya sa harapan ko. Tssss ang mga basura nga naman isang sindak lang nangangatog na agad sa takot.

Evil grin (òó,) lagot ka ngayon sa akin boy kiss hehe katapusan mo na at Nico pala ang pangalan mo okay nice name pero hanggang sa pangalan ka nalang bwahahaha.

Nico's POV:

Nandito kami ngayon sa cafeteria nagpapahinga kasi naman yung prof namen nagbigay ng surprice quiz hmmmpf  mabuti nalang boyscout ako laging handa hehe. Ang saya parin naman ng araw ko (^.^) kasi magkaklase kami ni Kyle, yup tama kayo dito na din siya mag.aaral hehe. At ang loka may H.D kay Mar hihi at ang nakakatuwa pa niyan pare ang tawagan nila ni Mar. Alam nyo ba kung bakit pare? Kasi daw sabi ni Kyle "S" nalang daw ang kulang para silang dalawa "pares" na ahahaha ang baduy.

"Nico!" nilingon ko kung sinong tumawag sa akin. Si Jonas pala, ano naman kayang kailangan nito saakin.

"O Jonas may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"May nagpapabigay sayo" may iniabot siya sa akin sabay alis sa table namin, isang silver wrapped box with gold ribbon pa. Hmmmn ang pagkaka.alam ko matagal pa ang birthday ko at hindi pa naman pasko kaya bakit may magbibigay saakin ng ganito?.

"Sino kaya ang nagbigay nito? Ang sweet naman." dahil curious ako agad kong sinira ang wrapper at binuksan ang kahon. Kyaaaaaaah!!! laking gulat ko sa nakita ko, madaming butiki na naglabasan sa kahon at ang mas ikinahiyaw ko, tatlo sa butiki ay gumapang sa katawan ko yung isa pumasok pa sa loob ng polo ko.

"Kyyaaaaaaaaaaah!!! tulooong!!!" hindi ako magkaintindihan kung paano ko aalisin sa katawan ko ang mga butiki. Kasi naman takot ako sa kanila. Nakakadiri kasi kapag kumakapit sile eeeiiiiiw.

"O-M-G GUMAGAPANG NA SILA" naiiyak kong sigaw at ang mga friends ko to the rescue. Tinulungan nila ako na alisin ang mga butiki na nakadikit sa akin. Nang maalis nila lahat ng butiki napaupo ako at naka.face palm habang umiiyak.

"Sino ba namang gago ang regalo sayo niyan?" sabi ni Sabelle habang inabutan ako ng panyo.

"Oo nga, ang sama naman niya" si Kyle.

"Tahan na ikaw Nicz, cge ka papangit ka niyan" gago talaga 'tong si Mar nakuha pang magpatawa naiyak na nga ang tao e huhu.

"BABE! natuwa ka ba sa surprise ko? patikim palang yan" nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at walang duda si Carlo nga iyon. Abot tenga ang ngiti habang nakasandal malapit sa pinto ng cafeteria.

"Bye babe!" sabay kindat pa sabay lumabas na parang walang nangyari.

Ikaw na gago ka humanda ka sa akin. magbabayad ka sa ginawa mong pagpapahiya sa akin. Halos mapunit ko na ang panyong hawak ko dahil sa sobrang galit.

Away pala ha. You want war? Ill show you one.


(AN. dont forget to vote and comment para masaya tnx )

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon