turtiseben (Stupid is Forever)

13.5K 489 12
                                    

(A.N. nandito na ang isa sa mga new character. For sure exciting 'to)

Nico's POV:

Isang linggo na rin ang lumipas ng ipaalam ko sa mga magulang ko na may boyfriend na ako. Maging kina Sabelle at Mar ay sinabi ay sinabi ko na rin. Nung una ay nagulat sila lalong lalo na si Sabelle ahaha ano pa nga ba ang aasahan sa babaeng iyon e lagi namn iyong ganun eksaherada haha.

Nandito kami ngayon ni Sabelle sa national book store kung saan may bibilhin kami para sa isang project. Malapit na kasi ang graduation namin. oo naman yes gagraduate ako ahaha.

"Susunduin ba tayo ni Carlo ngayon?" tanong sa akin ni Sabelle habang papalapit sa counter.

"Wow maka tayo ka ah. Felling mo naman isasabay ka namin" pabiro kong sabi sa kanya.

Simula kasi ng maging kami ni Carlo ay lagi na niya ako sinusundo at hinahatid pauwi sa amin. Para daw hindi na ako maglakwatsa at para alam niya na nakauwe ako ng maayos.

"Ikaw talaga ang damot damot mo" asar na sabi sa akin ni Sabelle.

"Joke lang ikaw talaga hindi ka na mabiro hehe" sabi ko sa kanya.

"Dapat lang na isabay ninyo ako noh baka gusto mong bugbugin ko kayong dalawa" pabiro pang sabi ni Sabelle sa akin.

"Ahaha as if kaya mo." natatawa kong sabi sa kanya.

"Oo kaya" ibinaba namin ang mga bibilhin namin sa cashier ng bigla nalang akong may naalala.

"Ay wait lang may hahanapin lang akong libro. Kapag nakapagbayad ka na at wala pa ako umuna ka nalang sa labas at dun mo nalang ako hintayin. Baka kasi biglang dumating si Carlo at wala pa tayo sa labas e" paliwanag ko sa kanya.

"Okay. Ano ba ang libro na bibilhin mo?" tanong sa akin ni Sabelle.

"Yung kay Miriam Defensor Santiago na libro" pagkasabi ko niyon ay nagpaalam na ako kay Sabelle at agad akong umalis.

Madali kong hinanap ang libro pero wala akong makita. Nakakaliyo ang sakit sa brain.

Haist ano ba yan. Mukhang naubusan nanaman ako. huhu.

"Ate may libro pa po bang Stupid is Forever?" tanong ko sa isang sales lady na napadaan sa gawi ko.

"Yup sir. Nandun po" tinuro sa akin ng babae kung nasaan ang librong hinahanap ko.

Napansin ko na nag.iisa nalang ito kaya nagpasalamat ako sa babae at agad na tinungo ang libro.

Pero ng kukuhanin ko na iyon ay may lalaking lumapit dito at bigla itong kinuha. Nanlaki ang mata ko at sinigawan ang lalaki.

"Hoy sa akin yan" napalakas yata ang sigaw ko kasi napatingin sa akin ang ibang nandoon. Maging ang lalaki na kumuha ng libro ay napatingin din sa akin.

"Ahehe sorry" hingi ko ng pasensya sa mga taong nakatingin sa akin. Sinitsitan ko ang lalaki pero ang gago tiningnan lang ako saglit tsaka umalis. Kaya hinabol ko siya para kuhanin ang libro ko.

"Sandali!" tawag ko sa lalaki pero hindi manlang ako nililingon.

Aba iniinis ako nito ah.

"Hoy lalaking nakaputing damit at naka.shade tumigil ka!" napahinto naman ang lalaki sa paglakad tsaka lumingon sa akin.

"Yes?" tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

Wow mukhang gwapo siya ha kahit naka.shades hehe pero mas gwapo parin ang Carlo ko.

"Gusto ko lang sana kunin yan" sabay turo ko sa libro gamit ang nguso ko.

"Huh? Ang alin?" nagtatakang sabi ng lalaki.

"Yan oh" at itinuro ko ulit ang libro gamit ang nguso ko.

Napatawa naman ang lalaki sa akin sabay napakamot sa kanyang ulo.

"Ah okay. Dahil cute ka naman ibibigay ko na sayo" nagtaka naman ako dahil inilagay niya sa kanyang likuran ang libro tsaka yumuko sa akin.

Huh? Bakit niya itinago? e iyon nga ang kailangan ko.

"Yung lib--" naputol ang sinasabi ko at halos manlaki ang mata ko sa nangyari at sa ginawa ng lalaki.

Hinalikan ako ng lalaki sa labi. At sa sobrang gulat ay hindi kaagad ako nakakilos.

Ilang segundo pa ay tsaka ko lang siya naitulak.

"Bastos!" sigaw ko sa kanya tsaka ko siya binigyan ng isang malakas na suntok. Napahandusay siya sa sahig habang sapo sapo ang kanyang pisngi.

Tumingin muna ako sa paligid at laking pasasalamat ko dahil walang Carlo akong nakita dahi kapag nagkataon patay ako.

Nagmamadali akong lumabas sa book store. Hindi ko na inintindi ang libro dahil baka kung ano pang gawin sa akin ng lalaking iyon. Mabugbog ko lang siya.

Mark's POV:

Ouch sakit nun ah! Hanep kung sumuntok yung isang yun ah. Ang lakas.

Tumayo ako sa pagkakatumba ko habang hawak ang aking pisngi.

Nilingon ko para hanapin ang batang sumuntok sa akin pero wala na siya. Base sa damit na suot niya iyon ang university na papasukan ko. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin at kung bakit ko siya hinalikan.

Ewan ko ba, bigla nalang akong na.kyutan sa kanya. At ang mga labi niya kanina habang nakanguso siya, parang may kung anong nagsabi sa akin na halikan ko siya. Parang nahipnotismo ako.

"Sayang ang cute pa naman niya kaya lang may pagka.basagulero." natatawa kong sabi sa aking sarili.

Pero ang lambot ng labi niya. At may kakaiba akong naramdaman.

Nagtungo ako sa cashier para bayaran ang libro na binili ko. Inutusan kasi ako ng pinsan ko na bilhin ang librong ito. Nang mabayaran ko ang libro ay umalis agad ako sa book store.

Nagbabakasakali ako na makita ko yung cute na bata. Hihingi sana ako ng sorry hehe. Tsaka tatanungin ko na rin ang pangalan syempre hehe.

Pero wala, hindi ko na siya makita. Kaya matamlay akong nagtungo sa parking lot para makauwe na.

Sumakay ako sa aking motor tsaka sinuot ang helmet.

"Babe kanina ka pa?" napalingon ako ng may biglang nagsalita. Kaboses kasi siya ng lalaki kanina at hindi nga ako nagkamali. Siya nga iyon.

Nakita ko na nilapitan niya ang isang lalaki na may kasamang babae. Bababa pa sana ako ng motor ko para lapitan siya at humingi ng pasensya pero. . .

Nagulat ako bigla ng halikan sa pisngi ng lalaki ang cute na bata na sumuntok sa akin. Nakita ko pa na tinapik niya ang balikat ng lalaki na humalik sa kanya tsaka pumasok sa loob ng isang kotse na nakaparada na di kalayuan sa akin.

"So may boyfriend na pala si boy cute? sayang!. Agawin ko kaya hehe" nakangiti kong sabi sa aking sarili tsaka ipanaandar ng mabilis ang aking motor.

What Mark wants, Mark gets.

~~~~~~~~~~♥♥♥♥♥~~~~~~~~~

Kaya kayang agawin ni Mark si Nico? at papayag ba naman si Carlo?
Magkakagulo na ulit. Umpisa na ng selosan at suntukan dahil sa pag.ibig

~~~~~~~~~~♥♥♥♥♥~~~~~~~~~

*Dont forget to vote and to comment

*Follow me na rin tnx

*Salamat sa mga patuloy na nagbabasa hehe

I Kissed A Badboy (boyxboy, m2m, yaoi, bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon