Kabanata Eight
Blanche's POV
Napatayo ako ng wala sa oras ng maramdaman kong lumundo ang kama ko " Anak ng-- " natigil ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang lapastangan na lumundag sa kama ko " Tres marias ! Anong ginagawa niyo dito ? " kunot noong tanong ko , kumulo naman ang tiyan ko ng makaamoy ako ng pagkain . Grabe nagugutom na talaga ako >"< .
" Lakas namang makareklamo niyang tiyan mo , parang isang buwang hindi kumain ah ? " nilingon ko naman ang nagsalitang si Angela " Oh heto " nanlaki ang mga mata ko at wala ng ano-ano'y hindi ko na ang ibinibigay nito saking naka paper bag na ang tatak ang Jollibee ! Sabi na nga ba e , hindi pwedeng hindi pumunta dito na walang pasalubong na paborito ko itong tres marias .
" Maraming salamat . Grabe kanina pa ako nagugutom " at nilafang ko na ang sphag . Uhmm yummy hihi ! " Hindi halata Jaz , nakakalahati mo na nga yang kinakain mo oh ? " sabay turo sa kinakain ko ni Vinessa " Hindi kasi ako nag-almusal e , hindi rin ako kumain ng tanghalian , kaya gutom na gutom na talaga ako "
" Sabi nga ni Francis "
" Huh ? may sinasabi kayo ? " sabay naman silang tatlo na mabilis na umiling . Kumunot naman ang isa kong kilay , weird . Pero hindi bale , nevermind nalang iyon , kailangan ko pang busugin ang sarili ko dahil gutom na gutom na ako .
Hindi na ako magtatakha kung paano nakapasok ang tatlong 'tong dito , kung nga si Francis kanina nakapasok e . Aish ! oo nga pala , sa kanya ang bahay na ito kaya may spare key siya ng kwarto ko . Aish kung minsan talaga Blanche hindi ka nag-iisip . Aish !
-
Nasa terrace kami ngayon sa kwarto ko , pagkatapos kong kumain ay inaya ko sila dito . Sawa na kasi ako sa kama ko , ilang oras ba akong nakahiga lang doon ? surfing sa facebook , twit sa twitter tapos nagbabasa lang ng kaunti sa wattpad tapos wala na . Aish , buti nalang pala at dumating ang tatlong ito dito kung hindi ganun lang ang gagawin ko maghapon tapos gutom pa ako .
" Nag-away ba kayong dalawa na mag-asawa ? " pag-uumpisa ni Angela , bumuntong hininga naman ako ng dahil doon at tumango nalang " Ano pa bang sa palagay mo ang mangyayare sa mag-asawa na hindi naman mahal ang isa't isa ? " bagot na tanong ko
" You're different now to Jazmine that I met before Jaz , ang laki na ng pinagbago mo . Ang kilala kong Jazmine Blanche Blancaflor ay isang mapagpatawad na tao , mapagpasensya at higit sa lahat hindi marunong sumagot-sagot . For what I heard to Francis earlier , It's not you Jazmine , It's not my Friend Jaz " - napaikot naman ang mga mata ko , so nagsumbong na siya sa mga kaibigan ko ? how pathetic ! E siya naman ang may kagagawan nito kung bakit ako nagbago . Tss !
" Wala kayong alam sa mga nangyayare , kaya tumahimik nalang kayo . Ako parin naman ito si Jazmine Blanche Blancaflor na kaibigan niyo at hindi magbabago iyon kahit magbago pa ang lahat sa akin "
" Sige , wala nga kaming alam . Sige , ikaw parin yung Jazmine na nakilala naming tatlo . Pero paano yung Jazmine na nakilala namen at yung nagustuhan namen sa kanya kaya naging kaibigan namen siya ? " napatingin ako sa kanila at napatahimik " Kung magbabago ka , asahan mong magbabago din kami sa'yo at maari diyan sa pagbabago mo ay mawala ang pagiging magkaibigan naten Jaja , tayong tatlo " napaiwas ako ng tingin sa kanilang tatlo sa sinabing iyon ni Angela " Hindi mo kailangan magbago dahil sa nasasaktan ka , naiintindihan ka naman namen e , pero hindi namen naiintindihan ay kung bakit kailangan mo pang magbago ng ganyan "
" Nasaktan ako sa sinabi niya saken , kaya hindi niyo ako masisisi na maging ganito ako sa kanya " at pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko " Ano bang sinabi niya sa'yo at kailangan buong pag-uugali mo ay baguhin mo ? . Nasira ba yang dignidad mo ? , nakasira ba yan sa buhay mo ? ano ? " sunod-sunod na tanong nito , napahagulgol nalang ako doon at hindi na nagawang makapagsalita pa . Ramdam ko naman ang mga bisig nilang tatlo na niyakap ako " I know how much this hard for you Jaja , but you need to accept it nalang . Nandito ka na , hindi na pwedeng umurong , nagawa mo na kaya kailangan mo nalang panindigan "